Kabanata 2. Unang Pagtatagpo

233 14 10
                                    

Ang Student Body Council Office ay may maliit na conference room. Pumasok na ako sa room na iyon at nakaupo na yung ibang members. Naghintay kami ng limang minuto para makumpleto na ang lahat saka may ibinigay na rin akong kopya ng summary ng project proposal na ginawa ko. 

"Hello. Nilista ko lahat sa papel yung mga naisip kong projects natin pero kung may gusto pa kayong idagdag, feel free to present it now or maybe later kung may mga naiisip kayo as we go on. So no.1 sa list ay goal natin na tulungan ang mga teachers natin sa kanilang goal na itaas ang rating ng skul sa darating na year-end achievement test na ita-take naming mga seniors.

Paano? Simple lang, kailangan matutong mabuti ang lahat. I'm not saying na teachers are not good enough pero kailangan din natin silang tulungan. Dapat tulungan natin silang matuto. But how? We can do that by....?"

"Tutorials Miya and pwede ring remedial classes na tayo mismo ang magtuturo. We will make learning very accessible," sagot ni Vice Pres. Shin.

"Tama ka. Turuan natin yung mga kapwa nating students na nahihirapan sa subjects nila para pag sa year-end test hopefully better yung results,"sabi ko naman.

"Nice idea. Magpatulong na rin lang tayo sa mga teachers and principal para sa mga resources na kailangan natin," dagdag ni Sec. Rian.

"Iprepresent ko 'tong proposal sa ating principal and hopefully ma-approvan. Magtawag na rin tayo ng mga pwedeng magtutor and dun sa remedial classes. So any more suggestions or questions?" tanong ko pa.

Walang nagtaas ng kamay.

"Oo nga pala, para sa ibang projects na napag-usapan natin nung mga nakaraaang araw, nakalagay na diyan sa papel. So I think there are no more suggestions or questions. Bukas uli. I'll update you on the tutoring project. "

Tumayo na sila at umalis. Naiwan na lang sina Shin at Rian.

"Nice job Pres," pakutya ni Shin.

"Galing mo. Sana maging successful. Teka lang, tuturuan yung mga pasaway. Tsk.Tsk. Gusto kaya nila?" sabi ni Rian. 

"Well, dapat nilang gustuhin," matapang kong sagot.

"Let's see," sambit ni Shin.

Napangiti na lang kami ni Rian.

Nakakatuwa rin itong si Shin, positibong positibo talaga. Pag nagiging nega ako, nandyan siyang positive. Matalino siya lalo na sa Chemistry at Physics saka si Rian naman matalino rin lalo na sa literature.

"Guys, kain muna tayo?" pag-aaya ni Shin.

"Sige. Gutom na rin ako," sagot ni Rian. 

"Mauna na ako. Dadaan muna ako sa Principal's Office tas kita na lang tayo sa kainan," pamamaalam ko. 

"Okay sige. Ingat ka a," alok ni Rian.

Kumain kami sa labas ng school, doon sa malapit na fast food chain. Kwento nang kwento si Shin samantalang tawa kami nang tawa ni Rian. 

Lumabas na kami sa fast food chain. Sa kabilang direksyon sila dadaan pag-uwi. Ngumiti ako sa kanila habang nagbaba-bye saka lumakad na pauwi.

Naglalakad ako at nakita ko sa may tapat ng waiting shed ang isang grupo ng mga juniors ata e. Siguro mga apat silang babae na parang nagmamadali. Lalapitan ko sana sila nang agad silang tumawid sa kalsada at sumakay na ng sasakyan.

Tumakbo ako para makilala kung sino ang mga iyon. Nakaka-curious kasi yung mga galaw nila. Baka na naman violation yun at maireport nga. Naka-alis na nga sila kaya nagdesisyon na akong magpatuloy sa paglalakad.

Ha-hakbang na sana uli ako nang may nakita akong isang sobre sa sahig. Yumuko ako para pulutin nang may dumaang sasakyan at sa bilis ng takbo nito, nilipad yung sobre. Agad-agad kong hinabol. 

Nilipad nga ito. Hindi ko na ito nakita kaya naglakad ulit ako. 

Matapos ang ilang sandali...

"Sino 'to?" pabulong ko sa sarili ko. Hala!

Hawak-hawak niya yung sobre kanina at binabasa niya yung laman. Sa kanya ba 'yun? Parang hindi naman. Mga tao talaga ngayon.

Nilapitan ko siya.

"Excuse me. Sa'yo ba yang letter na yan?" mahina kong pagtatanong.

"Sorry Miss pero wala akong panahon sa mga bagay na ganito. Saka, hindi rin kita type," sagot niya  saka siya napa-ngisi.

Wahaha. Baliw ba 'to?

"Huh? Niloloko mo ba ako? Tinatanong ko kung sa'yo yang letter na 'yan kasi nakita ko--" 

"Sa'yo na 'yang sulat mo. Ibigay mo na lang sa iba," bigla niyang sinabi at umalis.

Ang yabang. Pweh! Akala mo kung sino. Binuksan ko yung sobre at binasa yung letter.

------------------------------------------------------------------------------------------------

Dear Kuya Price,

Kung binabasa mo 'to ngayon, nakuha mo 'tong letter ko sa tapat ng waiting shed. Alam ko kasing nadaraanan mo 'yun kapag pauwi ka na po.

Matagal na po kitang crush at lagi akong nanonood ng mga sayaw niyo. Ewan ko po pero I think my love for you grows everyday. I love you po. Sana mapansin mo ako. XOXO - Catherine

-----------------------------------------------------------------------------------------------

"Oh my. Akala niya ata...." tapos tumalikod ako para habulin siya pero hindi ko na siya nakita.

"Aaaaaah. Ang awkward nito. As if naman." 

 *        *        *

AUTHOR'S NOTE:

Sana na-e-enjoy niyo. Comment naman diyan :)) Salamat.

Nagtagpo na nga sila at mukhang hindi naging maganda ito. Lumabas na nga si Price sa kwento at mas makikilala niyo pa siya sa susunod na kabanata. 

Spoiler Question: Ano kaya ang magiging kinalaman ni Price sa planong remedial class nina Miya? ^^

Si DANCER at AKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon