Nandun na nga lahat sa klasrum. Gaya pa rin ng dati, ganun pa rin umupo sina Price yung bang maangas na parang nasa sala nila sa bahay tapos nanoood ng TV. May naka-de-kwatro, may nakapatong yung paa at may parang si Benigno Aquino Sr. sa limang daang piso. Masama ang tingin ni Ramon sa akin at lalong lalo na si Price. Si Bill naman ni hindi makatingin sa kanila tapos pinapawisan. Ganun na ba siya katakot kay Price? Hay naku Bill, huwag kang matakot sa utak-butiking 'yan.
"Ehem. Ehem. Magsisimula na tayo. Makinig kayong mabuti at intindihin ninyo ang lahat ng ating papag-aralan. Tapos magkakaroon tayo ng check up quiz."
"Ano?! Papahirapan mo talaga kami e no?" sigaw ni Ramon.
"Hoy, wag kang sisigaw sigaw diyan!" saka ko nilakihan ang mata ko. Nakalimutan niyo na ba?
"Oo na!" sagot niya saka ko na ipinagpatuloy ang aking sinasabi.
"Tapos ang may mga mababang iskor ay maiiwan. Maliwanag ba?"
Walang umimik. Si Price naman, irap ng irap. Hugutin ko kaya yang mata mo!
"Ehem. At saka tatawagin natin silang 'UTAK-BUTIKI OF THE DAY' " sabi ko habang sabay na nag-a- up and down ang dalawa kong kilay at ang ngiti ko'y umaabot na ng tenga ko.
"Nananadya ka ba talaga?!" biglang tanong ni Price at nakatayo na siya. Kanina pa siguro siya galit sa akin pero wala siyang magagawa.
"Easy ka lang diyan. Sabi mo hindi ka utak-butiki, edi patunayan mo!"
Nakatingin ang mga kaibigan niya sa kanya at hinihintay nila ang isasagot niya. Napalunok siya at dahan-dahang napa-upo.
"Edi sige!" sagot naman niya.
"Good." sagot ko naman.
Nagsulat ako sa board. Gumuhit ako ng isang malaking kahon sa gilid tapos sa itaas sinulatan ko ng " Utak-Butiki of the Day "
"Isusulat natin dito iyong mga pangalan ng mga nakakuha ng mababa. Ayaw niyo naman siguro di bang matawag ng ganyan kaya makinig na kayo,"
"Naipaliwanag ko na lahat ng dapat ninyong malaman. Sagutan niyo na yan at walang kopyahan. Babantayan ko kayo!"
Sinimulan na nilang sagutan. Lahat nakatutok sa mga papel nila.
[Price POV]
Ano ba 'tong pinasok ko?! Pa'no na nga ba ito?! Walang hiya kang eyebagin ka!
Kanina ko pa tinititigan itong papel na 'to. Ang hahaba ng tanong. Nakakatamad. Ito namang eyebagin na 'to, palakad- lakad. Kainis. Hindi ako maka-kopya.
Tinignan ko yung mga kaibigan ko. Sh*t lang! Bakit sulat sila ng sulat? Bahala na! Tinatamad ako.
Sinusubukan kong alalahanin yung mga tinuturo niya pero iba ang naalala ko.
>Saging
>Sapatos
>Utak butiki,
>Malaki niyang eye bags
Mga 'yan lang naman naalala ko.
Maya-maya'y lumapit siya sa akin. Tinignan yung blanko kong papel. Tumingin ako sa kanya siyempre gamit ang matapang kong mukha.
"Dun ka nga!" sabi ko.
"Ha-ha. Kawawa ka naman," sabi naman niya saka bumalik sa harap.
Sagutan ko nga na lang 'to baka may machambahan pa ako.
Number 1. Ang haba ng tanong. Bla- bla bla.. what is the value of Y? value?
2. bla bla bla... Age of Nena? Ba't mo tatanungin sa akin!
BINABASA MO ANG
Si DANCER at AKO
Teen FictionDalawang mundo. Dalawang personalidad. Parehong ayaw paawat. Parehong nagtatago. Parehong ayaw magpakita ng totoo. Isang kwento ng landas na pinagtagpo. Kwento ni President Miya at ni Dancer Price. Kwentong pinaghalong romance, comedy at drama . Paa...