Napaka-pacool nila pero wala namang laman ang mga utak. Nakakainis!
Naglakad na ako pabalik ng council office. Maya-maya may lalaking lumabas mula sa Section H. Namukhaan ko siya at si Price nga iyon. Akalain mo iyon, ang yabang magsalita e medyo mahina naman pala ang utak. Hindi niya ako pinansin at ako naman, sinundan ko siya ng tingin. Saan ba siya pupunta?
Pumunta siya sa Principal's office? Aba!
Nakapasok na siya at dali-dali akong pumunta doon para piliting pakinggan yung usapan nila. Baka related sa remedial class namin.
Nakapwesto na ako. Nagtago ako sa likod ng pinto tapos sa tabi ko may bintanang bukas at naririnig ko yung usapan.
"Sir, seryoso po kayo? Malapit na 'yung dance contest namin at kailangan naming magpractice. Makaka-abala lang po ang remedial class na yan," sabi ni Price.
Abala?!
"Will you stop Mr. Wantel? Nagpipigil lang ako sa grupo niyo dahil sa mga panalong naibibigay niyo sa school pero ngayon kailangan namang mas pagtuunan natin ang mas importanteng bagay," sagot ni Principal.
"Mas importante po ang pagsasayaw para sa amin. Malaki po ang magiging kalaban namin sa taong ito."
"Pero mas importante din sa akin ang reputasyon ng skul na 'to kaya sumunod na lang kayo kung ayaw niyong tanggalin ko ang dance group ninyo sa eskwelahan ko."
.
.
.
.
Wala na akong narinig mula sa loob. Ang tahimik. Maya-maya lumabas si Price. Naglakad siya ng ilang hakbang tapos lumingon at nakita niya ako. Mukha siyang dismayadong-dismayado.
"Tsss," iyan ang narinig ko sa kanya saka siya umalis.
[Point of View naman ni Price]
Bwisit lang. Sa pagsasayaw na nga lang kami nakakahanap ng kasiyahan. Mababawasan pa.
Mahirap talagang ipilit ang mga bagay kung hindi ka nagiging masaya. Kung may dalawang bagay kang pagpipilian, yung gusto mo at ayaw mo, anong pipiliin mo? Halata naman dba?
Ako si Price. Isa akong dancer. Buong buhay ko, pagsasayaw ang iniikutan ko. Dito ako nakakahanap ng kasiyahan kaya lagi akong sumasayaw at para lagi akong happy. Para sa akin, kung ayaw mo ang isang bagay, itigil mo na. At 'yan ang pag-aaral, matagal ko ng itinigil. Hindi ako drop-out o kung ano man. Hindi lang talaga ako naging interesado sa pag-aaral kaya ehem ehem, iskul bukol.
Kinailangan ko pa talaga ng pesteng remedial class na 'yan. Panggulo talaga. Dibale, kaya ng grupo 'to.
[Balik sa Point of View ni Miya]
Hindi ko alam pero parang may kasalanan akong nagawa. Tumitig na lang ako at walang nasabi.Yung mukhang parang nawala na lahat sa kanya. Kakaiba yung mukhang nakita ko ngayon. Seryoso.
Hay naku. Ang OA naman niya, ilang oras lang naman yung remedial class a. Hay naku, wala kang kasalanan Miya. Ginagawa mo lang 'to para sa ikabubuti ng school niyo at saka for their information, mas importante kaya ang pag-aaral no.
UNANG ARAW NG REMEDIAL
Ngayon ang simula ng remedial class. Pumunta na ako sa library at nakita ko sina Shin, Rian at Amy sa kani-kanilang silid. Sinisimulan na nila yung remedial class nila at ano naman kaya 'tong naririnig kong ingay?!
Binilisan ko ang paglalakad at bumulagta sa akin ang isang klasrum na parang isang jungle. May mga limang unggoy na tumatalon-talon, gumagalaw-galaw, gumigiling-giling, sumasayaw-sayaw tapos sa gilid may tatlong nananaginip ng gising at dalawang minamasahe ang isa't isa.
Nagbuntung hininga ako at pinatay yung radyo nila.
Huminto...
Tumahimik...
Nagtinginan sila sa akin.
"Ayusin niyo ang mga upuan na yan," galit kong sinabi.
Nagmatigas yung limang unggoy na sumasayaw, ang grupo ni Price. Umupo sila ng hindi man lang inaayos yung mga upuan. Feeling siga! Napupuno na talaga ako.
"Uulitin ko. Ayusin niyo na yan."
Tumitig ako ng matagal sa grupo ni Price.
"Yes, ma'am," nang-iinis na sagot ni Ramon at nagtawanan silang lahat.
Lalo lang akong nainis.
Inayos na nga nila. Dalawang columns ang nabuo. Sa kanan ko, naroon ang grupo ni Price tapos sa kaliwa naman yung natitirang lima.
Ayos na yung klasrum at sisimulan ko na sana pero may naalala ako.
May kinuha ako sa bag ko. Kinuha ko yung sulat na pinagkamalang akin. Tumitig ako kay Price at dahan-dahang naglakad palapit sa kanya. Nagtinginan silang lahat sa akin habang si Price nakahilig sa kanyang armchair at nakatingin sa kanyang cellphone. May pinapanood ata siya.
Nakatayo na ako sa tabi niya at dahan-dahan siyang tumingin na nakakunot-noo uli.
"Naaalala mo ba 'to?" tanong ko sa kanya habang hawak yung sobre.
Hindi siya sumagot.
"Gusto ko lang sabihin sa'yo na LALONG LALO NAMAN AKO, WALA AKONG ORAS PARA SA MGA GANYAN AT EXCUSE ME, HINDI KO GUSTO ANG MGA UTAK-BUTIKING KATULAD MO!"
Nanlaki ang mga mata niya.
"At isa pa, ako si Miya, hindi Catherine!" paglilinaw ko habang binubuksan yung sobre para maipakita yung pangalan ng nagsulat.
"Sa'yo na yang letter mo!" dagdag ko at saka inilagay yung letter sa armrest ng armchair niya.
Pasensya na. Napupuno na kasi ako. Hindi ako sanay makisalamuha sa mga taong ito.
Natatawa ang mga kasama niya at mukhang pinipigilan lang nila. Tumalikod ako at bumalik sa harap. Hindi ko mapigilang ngumiti kasi nakapaghiganti na ako. Aaaah, it feels so good.
"Tahimik na! Magsisimula na tayo." Nakita ko si Price at pulang-pula yung tainga niya. Nakayuko na lang siya.
Nasobrahan kaya?
Baka nasaktan siya lalong lalo na sa utak butiki.
Urgh, tss.
Nasabi ko lang naman kasi yun.. kasi.. Hindi ko talaga ibig sabihing-- hah.
Who cares...
At totoo naman, hindi ako magkakagusto sa mga tulad niya.
---------------------------------------------------------
Pahiya naman si Price. Price, tatahimik ka na lang ba?
BINABASA MO ANG
Si DANCER at AKO
Teen FictionDalawang mundo. Dalawang personalidad. Parehong ayaw paawat. Parehong nagtatago. Parehong ayaw magpakita ng totoo. Isang kwento ng landas na pinagtagpo. Kwento ni President Miya at ni Dancer Price. Kwentong pinaghalong romance, comedy at drama . Paa...