Mabilis na ngang natapos ang araw kahapon kasi wala rin naman kaming remedial class kasi tuwing martes, huwebes, biyernes at sabado 'yung mga araw ng remedial class namin. Tapos nabad trip na talaga ako kaya hindi ako masyadong nakikipag-usap kina Shin.
Martes ngayon at ngayon ang simula ng aming pagtratrabaho sa canteen. Dibale na nga kakayanin ko 'to.
[POV ni Price (Sa klasrum nila) ]
"Grabe pare, magtratrabaho ka naman ngayon? Tindi rin naman," gulat na sabi ni Ramon nung sinabi ko sa kanila yung tungkol sa parusa.
"Oo nga pre," sagot ko naman.
"So pa'no 'yan? Edi kami muna ang magprapraktis?," sabi naman ni Benjie.
"Oo pre. Sunod na lang ako pagkatapos. Wala na akong magagawa e, mapapa-alis na ako dito kung hindi ko gagawin 'yun. Bwisit kasing eye-baging presidente 'yun," sago ko naman.
"Hay naku. Nakahanap ka na ng katapat mo. Ayaw patalo sa'yo," sabi ni Dennis sabay tawa.
"Tsss. Kasalanan niya 'yun," sabi ko naman.
"Bahala kayong dalawa para lang sa spaghetti e," sabi naman ni Ramon.
"Pre, gutom na gutom na ako saka hindi ko nakita na siya 'yun."
" Tara na kain. Alas dose na," pag-aaya naman ni Alberto.
" Sige tara na at magtratrabaho pa ako," sagot ko sabay tawa.
Trabaho? Ako?
[Miya's POV]
Pumunta na ako sa canteen para simulan ang aking trabaho. Ang trabaho namin ay linisan ang mga mesang pinagkainan.
Tinitigan ko ng masama si Utak- butiki habang nagsusuot ng apron.
"Ganyan mo na ba ako kagusto para titigan mo ako ng ganyan? " bigla niyang tanong sa akin kasabay ng pagtawa niya.
"Asa ka! Kapal mo rin!" sagot ko naman sa kanya saka pumunta na sa mga mesa para malinisan.
WOW. Ang daming kumakain. Ang daming mesa. Ang daming lilinisan. Nakatitig sa amin yung mga nasa canteen. Siguro, namumukhaan nila kami mula sa nangyari kahapon. Napapatawa yung iba tapos pinipilit pa nilang itago e halata naman.
Linis. Linis. Linis.
Pagtingin ko sa likod nandun sina Shin. Kumaway sila sa akin tapos nagthumbs-up. Ngumiti na lang ako ng pilit.
Saka pagkaharap ko naman, nakita ko yung grupo ni Utak-butiki. Maya-maya, nakita ko si utak-butiking nakaupo tapos kumakain pa. Aba!
Lumapit ako sa kanila at hinila siya.
"Utak-butiki ka talaga. Hindi pa tayo tapos dito tas kumakain ka na!"
"E sa nagutom ako e!"
Hinila ko yung tainga niya pataas para tumayo siya.
"Aray! Aray!" saka niya inalis yung kamay ko sa tainga niya.
Tawa na naman nang tawa ang mga kaibigan niya.
"Dun ka! Linisan mo yang mga 'yan ng mabuti," utos ko sa kanya habang itinuturo yung mga lilinisan niya.
Naglakad na siya papunta sa mga lilinisan niya habang nakalingon sa akin at nakatitig ng masama.
Inirapan ko naman siya.
Nagpaalam na rin sina Shin at Rian saka ko na rin nilinisan ang kanilang pinagkainan.
Linis. Linis. Linis.
Samantalang si utak-butiki ayun napilitan na ring maglinis pero kada table na nililinisan niya merong nagpapapicture. Artista lang? Hindi. isa siyang hayop sa zoo kaya may nagpapapicture sa kanya. Country's largest lizard.
BINABASA MO ANG
Si DANCER at AKO
Teen FictionDalawang mundo. Dalawang personalidad. Parehong ayaw paawat. Parehong nagtatago. Parehong ayaw magpakita ng totoo. Isang kwento ng landas na pinagtagpo. Kwento ni President Miya at ni Dancer Price. Kwentong pinaghalong romance, comedy at drama . Paa...