Kabanata 14. I tried but I can't

102 9 4
                                    

Mabilis na natapos ang klase namin ng umaga at magla-lunch break na. Oras na para harapin ang parusa ko sa canteen pero nag-aalangan akong pumunta kasi hindi ko alam kung anong gagawin o sasabihin sa akin ng eyebaging presidente na 'yun.

---------------------------------------------

"Ayaw ko mang sabihin pero nagpapasalamat talaga ako sa pagpapahiram mo sa akin ng notebook at pagtuturo mo sa amin. Kahit papaano ay natututo kami lalong lalo na ako. Sorry na rin sa mga nagawa ko. Tapos saka ka ngumiti. Ganun lang 'yun pare," sabi ni Dennis habang nasa tapat kami ng klasrum.

"O ayan a Price. Sabihin mo lang ang mga 'yan tapos ipakita mo talaga na totoo 'yang mga sinasabi mo. Naisipan mo palang magpasalamat tapos hindi ka humingi ng tulong sa amin," dagdag naman ni Ramon.

Naikwento ko kasi sa kanila yung ginawa ko kanina. Tapos natawa lang sila at binibigyan nila ako ng epektibong paraan daw ng pagpapasalamat.

"Naku, hindi ko na kailangan 'yan. Ang importante nagpasalamat na ako," sagot ko naman sa kanila. Ayoko ngang ulitin. Pasalamat nga siya marunong pa akong magpasalamat.

Hindi naman ako masamang tao at alam kong magpahalaga ng mga bagay-bagay. Hindi lang ako masalita.

"Pre, gawin mo na 'yan para matapos na ang awayan ninyo para makapagfokus na rin tayo sa sayaw natin e malapit na ang dance contest," sabi naman ni Benjie.

"Pre, kapag hindi mo 'yan gagawin baka bukas o sa kinabukasan ay CR naman ang lilinisan mo o 'di kaya'y tuluyan ka ng mawawala rito," banta naman ni Alberto matapos niyang alisin ang lollipop sa kanyang bibig.

Nakatitig lang ako sa kanila. Ano ba 'tong mga 'to? Ang dami na nilang sinabi. 

Nakatingin naman sila lahat sa akin. Napalunok ako. " Seryoso talaga kayo ha? Saka baka kung ano na naman ang mangyari nito," mahina kong sagot.

"Magtiwala ka sa amin. Para sa ikabubuti mo 'to at sa ikabubuti ng grupo," sabi ni Benjie habang nakangiti.

Grabe. 

Nararamdaman kong parang gustong gusto nilang gawin ko 'yung pinapagawa nila. "Mga pre, alam niyo naman na hindi ko tala- "

Napatigil ako sa pagsasalita. Ano bang mukha 'tong nakikita ko? Anong ginawa ko? E sa hindi ko talaga magagawa 'yan at lalong lalo na sa taong nagpahiya sa akin.

" Sige na nga," biglang sabi ko at wow a, muling bumalik ang sigla nila. "Kayo talaga. Napakabuti niyong mga kaibigan a. Tss," dagdag ko ng pa-uyam.

" 'Yan ang gusto namin sa'yo. Hindi mo kami matitiis," sabi ni Ramon matapos niyang ipatong ang kanyang kamay sa balikat ko.

"Haay. Basta ako ng bahalang dumiskarte basta 'wag kayong magpapakita sa akin mamaya a baka matawa lang ako at pagtawanan niyo ako. "

-----------------------------------------------------------

Habang naglalakad papunta sa canteen, inaalala ko ang mga sasabihin ko. Ayaw ko mang sabihin pero... pero... ano na 'yun??? Tumingin ako sa phone ko para tingnan ang mga tinype ni Dennis. 

Napaka-scripted talaga. 

"aaah, nagpapasalamat ako sa pagpapahiram mo sa akin ng notebook at pagtuturo mo sa amin. Sorry kung binato kita ng saging kanina. Nahihiya kasi ako. Sorry na rin sa lahat ng mga nagawa ko. (Smile).  Ang panget namang sabihin nito. Bahala na nga para matapos na rin," bulong ko sa sarili ko.

Para na rin mawala 'tong kakaibang nararamdaman ko dahil sa mga pantri-trip ko sa kanya. Para tumahimik na siya.

Nakita ko na siya sa loob at naglilinis na siya. Dumiretso ako sa counter at kumuha ng apron. Mukha talaga akong nakapalda sa apron na 'to. 

Parang hindi ko pala kaya. 

Iniiwasan kong makita niya ako. Pumunta ako sa dulo para malayo sa kanya. Doon na ako naglinis at inaalala ko yung mga dapat kong sabihin. Napaka-bobo ko na ba para kailangang ituro pa sa akin yung mga dapat kong sabihin at gawin? 

"ano na... ano na 'yun?" bulong ko sa sarili ko habang napapakamot sa ulo ko. 

Maya-maya may sumundot ng dalawang beses sa likod ko. Napahinto ako sa pagpunas ng mesa at dahan-dahang lumingon.

Waaah. Galit ba 'to? Nakalagay ang kanyang mga kamay sa kanyang baywang at mukhang pagod na pagod.

"Oi, Utak-butiki. Maglinis ka naman ng maayos saka tignan mo nga ang nalinis ko," pagrereklamo niya saka siya lumingon sa mga nilinis niya at tumingin muli sa akin.

Hindi ko napansin na halos wala ng tao sa canteen at lahat ng mesa sa likod niya ay nalinis na. Bisi kasi ako e. Ahehe.

"E ikaw, sinasadya mo bang paulit-ulit na punasan 'yang dalawang mesang 'yan? 'Yan lang ang nilinis mo. Utak-butiki ka talaga. Tamad ka pa!"

Napalunok ako. Hah? Dalawa lang pala 'tong nalinis ko. Nadala lang ng pag-aalala sa mga sasabihin ko sa'yo. Ano ba? Sasabihin ko na ba ngayon? Pa'no na ba 'yun? 

"Oi, sumagot ka naman diyan. Saka, binato mo pa ako ng saging kanina. Ganun ba ang paraan mo ng pagpapasalamat? Ayos ka rin no. "

Naku po. Bumibilis ang tibok na puso ko. Namamawis ang mga kamay ko. Pasensya na mga pre, hindi ko talaga kaya.

Matapos kong makapag-isip...

"Aa? Anong pagpapasalamat ang sinasabi mo? Bakit naman ako magpapasalamat sa'yo? Nananaginip ka ata ng gising," pa-inosente kong sagot saka ako biglang tumalikod.

Ano bang ginagawa ko? 

Kunwaring nagpupunas uli ako ng mesa pagkatalikod ko. Wala akong naririnig na kung ano mula sa likod. Umalis na ata siya.

Namamawis na talaga ako dahil sa kaba? o sa hiya? 

Boogsh

May bumato sa ulo ko. Huwag na kayong magtaka pa kung ano ang bagay na naibato sa akin. Oo, saging nga ito. 

Mabilis akong lumingon at nakita ko na lang si eye-baging presidente na isinasara ang kanyang backpack habang paalis.

Hindi ko magawang magalit. Nakonsensya pa nga ako e. Sinundan ko na lang siya ng tingin at itinigil na ang pagpupunas. Tinignan ko yung saging na ibinato niya sa akin at iyon nga yung saging na ibinato ko sa kanya kaninang umaga. Hinayaan ko na yung saging at tumakbo ako sa counter at inalis yung apron ko. Nag-order ako ng spaghetti at kumain ng mag-isa. 

" Haay. Ano na lang kaya ang sasabihin nila Ramon sa akin?" mahina kong bulong sa sarili ko. Buti na lang masarap 'tong spaghetti kahit papaano ay nakakagaan ng pakiramdam. Dahan- dahan kong inuubos 'tong spaghetti kasi ayoko pang bumalik sa klasrum. Mahaba-haba na namag eksplanasyon ang kailangan kong gawin. 

------------------------------------------------

AUTHOR'S NOTE:

Hahanapin ko nga ang mga inspirasyon ko sa paggawa ng kwentong 'to para maging maganda ang takbo ng istorya. Pasensya na kung hindi niyo nagugustuhan. Pero kung nagugustuhan niyo, naku salamat ng marami. :)) Leave your comments. Suggestions. Etc.

Si DANCER at AKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon