[Ramon's POV]
Ang tagal naman ni Price. Nagawa kaya niya? Himala kung oo pero parang hindi. Himala 'to kasi naisipan niyang magpasalamat pero mali nga lang yung paraan na ginawa niya.
"Mga pre, pustahan tayo," pag-aalok ko.
"Saan?" tanong ni Dennis.
"Kung nagawa ba ni Price yung pinapagawa natin?" sagot ko.
"Game ako diyan. Spaghetti ang bayad," sabi ni Alberto.
"Itaas ang kamay ng oo."
Inilayo nila ang tingin nila sa akin. Mga taong 'to talaga.Tsk. Inexpect ko na 'to e.
"Narinig niyo ba ako? Sinong oo dito?"
Nag-antay ako ng magtataas ng kamay pero wala.
"Hay naku. Wala palang pustahan e. Hahaha," sigaw ko sa kanila.
"Hahaha. Ramon, si Price ang pinag-uusapan natin dito e. Saka kaaway pa niya si Miya," sabi ni Benjie.
"Siguro after 5 years.. o 10 years saka niya magagawa yun," sabi naman ni Alberto.
"Tsk. Kilala naman natin siya e. Ikaw ba Ramon, anong pusta mo?" tanong ni Dennis.
"Hindi rin ," sabi ko sabay kamot sa ulo ko. Nagtawanan na lang kami.
Mabait si Price kasi nagmana siya sa akin pero dahil sa sungit ng panahon kailangan niyang itago yun. Lumipat siya dito sa amin nung grade 3 siya kaya wala siyang mga kaibigan. Lagi siyang nabu-bully. Buti na lang dumating kami para magtanggol sa kanya. Payatot kasi siya noon. Kwento nga niya na pati raw sa dating lugar nila, nabubully siya.
Pinili nga niyang maging matapang, malakas at hindi nagpapa-api kahit kanino. Gusto niyang kinatatakutan siya. Nalampasan nga niya ang katapangan ko e.
"Pre, andito na si Price," sabi sa akin ni Benjie.
Sinalubong namin siya at sinabi nga niyang hindi niya kayang gawin.
"Mga pre, bumaliktad ang dila ko e. Pasensya na," mahina sabi ni Price habang kumakamot sa ulo niya.
Nagtawanan na lang kami. Naiintindihan naman namin siya e.
[Miya's POV]
Kapal talaga ng mukha niya. Nag-expect pa naman ako na siya yun. Pero sino ba ang gagawa nun na iba? Siya lang naman.
Hahayaan ko na nga lang. Ayaw niya lang aminin e. Pakiramdam ko talaga. Kalma muna ako ngayon kasi napapasama lang ako dahil sa kanya.
* * *
Pauwi na kami nina Shin at Rian. Ginabi kami dahil nanlibre si Rian ng spaghetti at napahaba ang kwentuhan namin.
"Uso pala ang batuhan ng saging ngayon," patawang sabi ni Shin.
"Sinabi mo pa. Magawa rin nga 'yan," sabi ni Rian. " Pero sure ako na siya yun. Ayaw lang umamin."
"Haha. Ewan natin. Salamat sa libre mo."
"Bye. Ingat ka," pamamaalam nilang dalawa.
Naglakad na nga ako pauwi. Maya-maya, may iba akong nararamdaman.
Bakit parang may sumusunod sa akin?
Dahan-dahan kong kinuha yung ballpen ko sa bulsa ko para may pang self-defense.
Binilisan ko ang paglalakad at bigla akong lumingon pero wala namang tao kaya humarap uli ako. Pagkaharap ko, may nakita akong tao sa harap ko na naka-hood. Nagulat ako kaya tinutok ko yung ballpen ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Si DANCER at AKO
Ficção AdolescenteDalawang mundo. Dalawang personalidad. Parehong ayaw paawat. Parehong nagtatago. Parehong ayaw magpakita ng totoo. Isang kwento ng landas na pinagtagpo. Kwento ni President Miya at ni Dancer Price. Kwentong pinaghalong romance, comedy at drama . Paa...