"I DON'T want this to end, Gwen," pabulong na sabi ni Paolo sa tapat ng kanyang tainga. Katatapos lang nilang mag-isa. Hindi nila pinlano iyon. Kapwa nila hindi inaasahan na ang simpleng paliligo sa waterfalls ay mauuwi sa mainit na pagniniig.
Nakapaloob pa rin siya sa mga bisig nito. Nararamdaman niya ang eratikong tibok ng puso nito sa kanyang likod. Patuloy ang paghaplos nito sa braso niya kahit wala na ang ginaw na nararamdaman niya. What will happen now, Paolo? Hindi niya maisaboses ang tanong na iyon.
"I knew the moment I laid eyes on you... you're the one for me," sabi nito.
Natawa siya. "Yeah, right. Kaya pala inaasar-asar mo ako noon at sinabihan mo pa akong maluwag ang turnilyo ko."
Tumawa ito. Nakiliti siya sa bugso ng hininga nitong tumatama pa rin sa tainga niya. "I know. Pero ginawa ko lang iyon kasi hindi kita puwedeng ligawan. You were just a kid then. What would that have made me?"
"At si Ate ang crush mo noon."
"I thought back then that I still had a crush on her. Hindi kami nagkita ni Precious noon. Ikaw ang nakita ko. Pero hindi naman kita puwedeng mahalin. Parang naglalaro ka pa ng jolens noon."
Siniko niya ito na ikinahalakhak nito. "Grabe, ha, seventeen na kaya ako noon."
Hinalikan nito ang ibabaw ng kanyang tainga, ang kanyang sentido, ang kanyang buhok. "I don't want to go just yet."
"Pero kailangan na. I think, ala-una na ng hapon."
"I know. We're both starved." Ito ang unang bumangon. He scooped her up at dinala sa pinag-iwanan niya ng mga damit na hinubad niya kanina. Tinulungan siyang magbihis nito.
Napapailing siya habang nagbibihis siya.
"What is it?" tanong nito. Tinitingnan pala siya nito.
"Sabi mo kanina hindi ka maninilip. You'll be a gentleman, you said."
"Hindi naman talaga kita sinilipan, ah. And I've been a gentleman," he said with mock indignation. "I said I wanted to kiss you. Nagpahalik ka naman. Pakiramdam ko nga sinamantala mo ang kahinaan ko."
"Unggoy mo!" Pinalo niya ito sa dibdib.
Tumatawang niyakap uli siya nito. "I don't want you to go, Gwen. Sana, dito ka na lang sa tabi ko." Sinundan nito ang sinabi ng matamis na halik. Nakakalunod at nakakatuliro iyon.
Ala-una y medya na sila nakabalik ni Paolo sa villa sa rancho. Napangiti lang ang mommy nito nang sabihin nilang nawili sila sa paliligo sa talon. Nang sumunod na araw ay sa bukal naman sila naligo. Naulit doon ang naganap sa kanila sa waterfalls. Making love to him was quite addictive, she thought. Nalilimutan niya ang tama sa mali. Huling araw na niya sa farm nang sunduin siya ni Paolo. Ito na raw ang maghahatid sa kanya sa Molino.
"We have to talk," sabi nito sa kanya habang nasa sasakyan sila.
"Tungkol saan?"
"Tungkol sa atin, saan pa ba? Wala akong pakialam kung magkagalit ang mga ama natin. Basta nagkakaintindihan tayo. I won't stay away kahit sabihan ako ng papa mo. Gusto kong malaman kung kaya mo rin akong ipaglaban."
Ngumiti siya rito at inabot ang isang kamay nito. "Whatever it takes, I won't give up on us."
"Promise?" napapangiting sabi ito.
"Promise."
"Tatandaan ko iyang sinabi mo na 'yan."
"Oo nga po sabi. Hindi ka rin makulit, 'no?"
"Naniniguro lang. Minsan na kasi akong tinakasan ng babae sa harap ng altar."
Tinapik niya ito sa pisngi. "Hindi na ho iyon mauulit."
BINABASA MO ANG
Diary Of A Heart Stealer COMPLETED (Published by PHR)
RomanceDiary Of A Heart Stealer By Dawn Igloria First encounter pa lang ni Gwen kay Paolo ay palpak na. Marami itong nabisto tungkol sa kanya: ang habit niya na makipag-usap sa sarili, ang singing voice niya na parang pinupunit na yero, ang plano niyang ag...