Chapter 7

9.9K 166 0
                                    

ANG MALAKAS na tugtog ng banda ang nagpabalik sa isip ni Galileo sa kasalukuyan. Napatingin siya sa matandang lalaki na may hawak na malaking instrumento na sa pagkakaalam niya ay trombone. Mukha lang itong hikain ngunit nakakabilib ang pambihirang enerhiya nito sa pagpapatugtog ng naturang instrumento.

Nang magawi ang mga mata niya sa streamer ay dagli siyang nag-iwas ng tingin. Sumasama ang timplada niya kapag nakikita niya ang pangalang nakasulat doon. Sa halip ay itinuon niya ang tingin sa mga stainless na lalagyan. He wondered kung anu-anong putahe ang mga nakahain sa mesa.

Bigla siyang nakaramdam ng pagkalam ng sikmura. Natunaw na kasi ang kinain niyang almusal sa tagal ng paghihintay niya kay Gelay.

Nang may mahagip ang mga mata niya. Agad na kumunot ang kanyang noo nang mapagmasdan ito. Pamilyar sa kanya ang babaeng nakasuot ng puting palda at blusa, at may malaking sinturon na kulay-kahel.

Napailing siya nang maaalala kung sino ito. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Eh, dito rin pala ang bagsak ko, sa loob-loob niya.

Naalala niya ang babaeng bumili ng manok sa kanya at nag-imbita sa kanya sa isang malaking handaan. Binigyan siya nito ng address nito pero hindi naman niya pinagkaabalahang basahin at basta na lamang iyon ipinamulsa. Malamang na nakasama ang naturang papel nang labhan ng labandera ang maruruming damit niya.

Hindi niya malaman kung ano ang gagawin nang mga oras na iyon. Hindi naman kasi niya akalain na ang pupuntahan niyang handaan ay ang handaan din ng babaeng may pagnanasa sa kanya.

Ang tagal ni Gelay. Nasaan na ba ang babaeng iyon? usal niya sa isip. Alumpihit na siya sa kinauupuan. Paano'y ayaw niyang makita siya ng babae. Baka magtatalon ito sa tuwa kapag nakita siya nito. Baka isipin pa nitong ito ang pinuntahan niya. Mukha pa namang may hinihintay ito—malamang ay siya—dahil panay ang lingon nito sa gawi ng entrada ng bakuran.

Nakadama siya ng pangangasim ng sikmura sa naisip.

Sa isang banda, baka naman nagkakamali siya. Ang yabang naman niya para isiping siya nga ang hinihintay nito. Malaking handaan iyon, natural lamang na magmukhang expectant ito.

Gayunpaman, nawalan na siya ng interes na makilala pa ang sinasabi ni Gelay na irereto nito sa kanya. Gusto na niyang umuwi.

"O, bakit?" puna ni Jomar. Marahil ay nakita nitong uneasy siya.

"Biglang sumama ang tiyan ko," pagdadahilan niya.

"Ano? Wala ka pa namang kinakain, ah," anito sa hindi makapaniwalang tinig.

Nang ibaling niya ang mukha para muling hanapin si Gelay ay eksaktong napatingin sa gawi niya ang iniiwasang babae. Parang nasindihang bombilyang nagliwanag ang mga mata nito. Mukhang agad siyang namukhaan nito. hayun at naglalakad na ito patungo sa kinaroroonan niya.

Inang ko! ayoko namang ako ang maging sanhi ng kabiguan ng isang manang.

"Hi! Galileo, right?"

Bantulot siyang tumango.

"'Buti naman at nakarating ka rito sa amin. Akala ko'y i-snub-in mo ang imbitasyon ko sa 'yo. Kanina ka pa ba? Huwag kang mahihiya. Mababait ang lahat ng tao rito."

Muli, tumango lang siya. He had the feeling he was doomed.

xt-indent:.25inQ-

MECHANIC OF THE DAY: MR. SUAVE COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon