Chapter 1

27 1 0
                                    

 

  “Good morning,Roses,Magnolis Liliflora and Nerium Oleander!How you are my babies?” kausap niya sa mga alagang bulaklak habang hinahalikan at sinasamyo ang mga ito.

Sa mga ito na umiikot ang mundo niya. Angpagtatanim at pagpaparami ng lahi ng mga ito ang comfort zone niya at siya na siguro ang pinakamasayang tao sa mundo pag panahon na ng pamumukadkad ng mga ito.

Twenty-six years old na siya at iyon na ang nakalakihan niyang gawin simula noong bata pa siya. At mas naibuhos pa niya doon ang buong atensyon niya mula noong mamatay ang Mama niya dahil sa isang aksidente. ‘Ni hindi nga raw niya na-enjoy ang buhay-dalaga dahil kinukulong daw niya ang sarili sa farm ng Lola niya sa Batangas at sa itinayong flower shop. Kung wala nga raw ang nag-iisang pinsan cum bestfriend niya ang baka tuluyan na siyang mabaliw dahil puro bulaklak lang ang nakikita at kinakausap niya.

  “Hey baby,Thank you dahil napakaganda talaga ng mga tubo ‘nyo ngayon. Pipitasin ko na kayo ha? Marami kasi kaming costumers na gustong-gusto kayo eh” ngiti-ngiting paalam niya sa mga ito. Pumitas siya ng dalawang pumpon ng Magnolia at dalawa pa sa mga Rosas.

  “Gusto ninyo po bang tulungan ko na po kayong dalhin ang mga ito sa pick-up po, Maam?” pagboboluntaryo ni Mang Pablo. Isang matandang katiwala nila sa farm mahigit limang dekada na siguro.

  “Sige po Manong, Maraming Salamat po” nakangiting tugon niya dito.

Agad naman nitong kinuha ng mga pinamitas niya habang patuloy niyang sinusuyod ang mga pananim.

  “Kay gaganda talaga ninyong lahat” saka pinuno ng sariwang hangin ng baga. “Paradise. I can live and die here.” Ilang minuto pa niyang tiningan ang buong lugar bago tinungo ang dalang pick-up.

Personal niyang e-dedeliver ngayon ang ito dahil magkikita rin sila ng pinsan niyang Asher sa bayan. Hindi niya alam kung bakitkailangan pang doon pa sila magkita kung pwede naman itong pumuntanalang sa bahay nila.

“Ash,on the way na ako. Nasaan ka na ngayon?” agad na tanong niya dito. Nahimigan niya kaagad na umiiyak ito base sa boses nito pagkasagot.

“Are you crying? Sa bahay nalang kasi tayo, Ash. Wala namang ibang tao roon eh,nasa Manila si Lola di ba?” Matagal muna bago ito umayon.

Sinabihan niyang dumiretso nalang ito doon dahil dadaan muna siya sa shop niya para e-deliver ang mga sariwang bulaklak. Medyo natagalan pa siya pagdating niya doon dahil kinausap pa niya ng isang kliyente na halatang bigtime.

Kaya todo simangot ang pinsan niya pagdating niya sa bahay nila. Pero hindi pa rin nakaalpas sa napakalinaw niyang mga mata ang pamumula ng ilong nito na halatang galing lang ito sa matinding pag-iyak.

“Okay ka lang ba? Dali-dali ka raw pumasok dito sa kwarto sabi ni Manang pagkadating mo?”agad niyang tanong.

“Kaya nga ayaw kong dito tayo mag-usap eh” sagot nito.

“Whatever. C’mon tell me,ano na naman ba ang ginawa ng mabait mong boyfriend sa’yo this time? Ilang babae na naman ba ang na-involve sa kanya ngayon?” prangkang kwestiyon niya dito.

Bigla itong pumiit ng iyak sa tinanong niya. Hindi niya alam kung maaawa siya dito o talagang babatukan na ito. Nasanay na ‘ata siya sa kagagahan ng pinsan niya. Ilang beses na itong pauli-ulit na niloloko ng boyfriend nito pero wala pa rin itong kadala-dala,pinapatawad pa rin nito ang lalaki na parang walang nangyari. Sa Manila ito nakatira pero pinupuntahan talaga siya nito sa Batangas pag nasa ganoong sitwasyon na naman ito.

“Tuluyan na talaga siyang sumama doon sa babae,Ai. Hindi na daw niya ako mahal” tugon nito habang umiiyak pa rin.

‘Amazing’ bulong ng isipan niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just shut up and Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon