chapter 8-clues for her,hints for him

1.4K 27 0
                                        

Ikay's POV
Nandito ako ngayon sa harap ng office ni ms. Shanty. Huminga muna ako ng malalim at tsaka kumatok ng 3 beses at nagbukas ulit ito mag isa.

"Magandang umaga Stephanie, upo ka"nakangiting sabi sakin ni ms. Shanty.

"Bakit po ms. Shanty?" Tanong ko kay ms. Shanty kase hindi na ko nakapasok sa mga iba kong klase kase tinawag niya ko.

"May mga clues na kami na nahanap." Sabi ni ms. Shanty. Yey!

"Ano po yung mga yun?" Tanong ko kay ms. Shanty, syempre naeexcite den si loka.

"We found out that the killer of your parents is a boy.!" Masayang sambit ni ms. Shanty.

"Talaga po?!" Nakangiti kong sagot.

"Oo stephanie, lalaki siya pwede ka pang humanap ng clue pumunta ka lang sa computer clue techonology room o CCTR. Nasa 1st floor lang den yun." Sabi ni ms. Shanty. Um"oo" nalang ako kay ms. Shanty at pumunta sa dorm sa 3rd floor girls floor.

Bale ganito kase yun:
1st floor-nandun ang mga special rooms. Tulad ng Computer clue technology room o CCTR, liblary of revedents o LOR,power Cafeteria of revedents o PCR,Special Clinic for everyone o SCFE,Garden of revedents o GOR,ATBP.

2nd floor-nandun ang aming main rooms or ang aming different classrooms, nandun din ang main office ni ms. Shanty at ang lie detector room.

3rd floor- eto ang floor ng girls. All the dorms here are for girls ONLY!

4th floor- eto ang floor ng boys. All dorms here are for boys ONLY!

5th floor-eto na yung trainee room para sa mga itratrainee ang room.

6th floor- etong floor ay penalty room.

7th floor- dito ang spell room o supplies ng iba't ibang spells o powers. This is a PRIVATE ROOM. Si ms. Shanty lang ang pwedeng pumasok dito.

May elevator din dito.

------------------------------------------------------
Joseph's POV
Papunta ako ngayon ng 2nd floor sa office ni ms. Shanty. Pagbukas ko ng pinto eksakto na pag labas ni Ikay.

"Hey" bati ko sakanya. She just  smiled then run away. Papasok na sana ako sa office ni ms. Shanty ng may napansin ako na nalaglag mula sa gamit na bitbit ni Ikay. I just keep on my pocket malay mo baka magkita kami mamaya.

"Ms. Shanty ano po yun?" Tanong ko agad kay ms. Shanty. Humarap siya sakin.

"I have two news for you Joseph. The one is a Bad news and the one is Good news." Seryosong sabi ni ms. Shanty.

"Ahh ms. Yung good news nalang po muna" sabi ko kay ms. Shanty. Para huli yung bad.

"The good is konti nalang pagiimbestiga eh makikita mo na kung sino ang pabayang pulis na pinabayaang mamatay ang tatay mo" nakangiting sabi ni ms. Shanty, pero bakit parang pilit?

"Ahh ok po. Eh ano naman po yung bad news?" Tanong ko ulit kay ms. Shanty.

"The bad news is this... Diba nang mamatay ang tatay mo na sa kulungan siya dahil nakapatay siya? Ngayon ang anak nung pinatay na mga tao ng tatay mo eh nandito para maghiganti sa tatay mo... Eh ang kaso patay na ang tatay mo kaya ng REVENGE NA GAGAWIN NYA AY PARA SA IYO." Malungkot na sabi ni ms. Shanty. Ano? Eh di kung nandito siya SINO SIYA?

"S-sino p-po s-siya?" Utal na sabi ko, siguro dala ng kaba.

"Si STEPHANIE IKAY F. CRUZ!" Pagkasabi na pagkasabi nun ni ms. Shanty halos malaglag na ko sa kinakaupuan ko. ANO? siya. Si ikay? Hindi pwede. Hindi....

"S-siya?" Tanong ko kay ms. Shanty baka na misheard lang naman ako.

"Oo siya. Si IKAY." Sabi ni ms. Shanty. Aww. Sadlayp.

"Sige po una na ko" malungkot kung sabi sakanya at tumayo na. Paglabas ko sa office ni ms. Shanty kinuha ko mula sa bulsa ko yung nalaglag na papel ni ikay binasa ko ito at ang nakasulat ay:

"Hi mama at papa! Kamusta na po kayo diyan? Konti nalang po mapapaghiganti ko na kayo. Mapapatay ko po talaga ang taong may gawa sainyo nito. "

Nilagay ko nalang ulit ito sa bulsa ko. Iaabot ko nalang sakanya pag nagkita kami. Ayaw ko pa siyang makita. Parang natatakot ako.

Ikay's POV
Hala nasan na yun!!! Nawawala yung papel nandun pa naman yung sulat ko para kila mama. Hayy naku. Sana maibalik na sakin yun.

"Oh eh bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong ni Natasha sakin pagpasok ko sa dorm namin.

"May nawawala kase akong importanteng papel!" Matamlay kong wika sakanila sabay lapag ko ng bag at upo sa mini sofa namin...

"Ayy oo nga pala ikay baka ito yun!" May kinuha sa may bedside table nya si Jehsie " dumaan dito si poging Joseph tapos sabi nya nalaglag mo daw nung paglabas mo sa office ni ms. Shanty" wika nya ulit sakin sabay abot ng papel. Binasa ko agad yun. At yun nga! Yun nga yung papel na hinahanap ko. Ang galing...

"Thank you. Importante talaga toh sakin" pasasalamat ko sakanila.

"Alam mo wag ka samin magpasalamat dapat kay Joseph!" Sambit ni Natasha. Oo nga pala siya pala ang nakahanap nito.

"Oh siya sige. Hahanapin ko lang siya" sambit ko sakanila. Baka kaklase ko siya sa next class ko.
----------------------------
Paglabas ko ng elevator nasa 2nd floor na ko pumunta ako sa English Classroom dahil yun ang klase ko base sa schedule ko. Pagpasok ko sa room naguusap ang mga kaklase ko but not too loud. Umupo ako sa vaccant seat dun. Inantay ko na maging kumpleto kami para malaman ko kung kaklase ko si Joseph. Kaso hindi si Joseph ang nakita ko kundi ang nakakainis na David na yun. Umupo siya sa likod ko. Nasa gitna kase ako umupo.

"Hi miss Ganda" bati ni David sakin. Yun. Yun ang nakakainis sakanya yang mga ganyan nya. Argghhh bakit ba nandito toh? I just ignored him at humarap nasa harap dahil nagsimula ng magturo ang teacher namin.
---------------------------
{Time skips>>>}
Joseph's POV
Nagmamadali akong lumabas mula sa speech room katabi lang ito ng English ro kung saan nandun si Ikay eh diba nga ayaw ko siyang nakita....... Pero tadhana nga naman nagkita parin kami.

"Joseph! Joseph!" Tawag nya sakin pero inignore ko lang yun.

"Huyy Joseph nabibingi ka na ba?" Sambit nya ulit. Kahit nakatalikod ako ramdam ko parin ang kyut nyang boses. Kaya humarap ako sakanya kahit na takot nga ako.

"What do you need?" Tanong ko sakanya. She runned papunta sa kinatatayuan ko.

"Thank you"wika niya. Ah alam ko na nag thathank you siya kase dun sa papel.

"Yun lang ba? Your welcome!" Wika ko sakanya sabay talikod at lakad palayo. Hindi pa ako nakakahakbang may boses na dumikit sakanya.

"Hey beautiful!" Sabi ni David kay Ikay

Alam kong ayaw yun ni Ikay, kaya kahit iniiwasan kong makita siya nilapitan ko parin sila.

"Ano bang problema mo?" Mayabang na tanong ko kay David.

"Bakit ka ano-ano mo ba toh? Kaibigan? Kaibigan mo lang?" Mayabang na sabi ni David sabay tulak sakin.

Lumaban ako at sinuntok siya sa ungos "DAVID SA SUSUNOD WAG MONG LAPITAN ANG GIRLFRIEND KO!" Sabi ko at natahimik siya, natahimik din lahat ng taong nakatingin samin,at natahimik din si Ikay. Maging ako natahimik rin sa sinabi ko. Tinangal ko ang kamay ko sa kwelyo ng damit nya at sabay hinila si Ikay palayo.

"Bakit ayun ang sinabi mo?" Tanong ni Ikay to break the silence.

"Kasi alam kung inis na inis ka na sakanya!" Sabi ko kay Ikay. Tumingin siya sakin at binigay ang isang 'dead glare' sakin pumasok na siya sa elevator at naiwan ako dito sa 2nd floor.

REVENGE ACADEMYMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon