Ikay's POV
Alam nyo bang hindi ako nakatulog? Dahil dun sa sinabi ni Joseph? Oo... Alam ko na kunwari lang yun pero bakit kinikilig ako na ewan? Mukha nang ewan yung mukha ko dito pero bahala na. Eh basta parang mahal ko na siya ang gulo k----"IKAY!!!" Nagulat ako sa boses na yun. Paglingon ko si Natasha pala eh bakit kailangan sumigaw?
"Bakit kailangan sumigaw ate?" Sigaw ko rin kay natasha na kinagulat nila.
"Oh chelax! Kasi kanina ka pa nakatulala feeling namin anytime hindi mo na alam na nakaalis na kami." Mahinahanong sabi ni Clarence. Ahh kanina pa pala ako nakatulala?
"Oh pano tara na?" Nakakalokong tawa ni Jehsie. "Eh parang alam ko na kung ano/sinong iniisip mo eh" pagpapatuloy pa nya habang nakangiting nakakaloko parin. Kinuha ko ang backpack ko na jansport (wow yabang!) At ang mga libro na hindi na kasya sa bag ko.
"Oh tara na! Pshhh!" Naiinis kong wika sakanila at sabay sinara ko yung pintuan ng dorm at nagsimula na kaming maglakad.
"So sinong iniisip mo?" Cold na tanong ni Natasha sakin. Bakit sa mga nakaraang araw ang cold nya. Enebe!!!
"H-huh? E-h---" di na natuloy ang sasabihin ko ng sumabat si Jehsie. "Tinatanong pa ba yan? Diba nga nung sinabi ni Joseph kay David na Girlfriend nya si Ikay... Syempre yun na iniisip nya." Pangasar na sambit ni Jehsie.
"Ahh" sabi ni Natasha pero halatang nalulungkot siya na ewan.
Pagkalabas namin ng elevator nakita ko si Joseph. "Ahh sige una na ko p-para k-kaseng l-late na ko" sabi ko sakanila pero nakatingin ako kay Joseph kung papalapit na samin. Pero pag nga naman minamalas ka tumingin si Jehsie sa tinitingnan ko at tumingin sakin ng nakakaloko.
"HELLO JOSEPH!!!" Sigaw ni Jehsie kay Joseph na dahilan ng pagtingin ni Joseph sa direksyon namin ngunit umalis na ko at naglakad papalayo bago pa siya makarating sa kinaroroonan namin.
Joseph's POV
Kasama ko si Chris Angelo, ang aking bestfriend... (Sige joseph share mo lang)"So bakit mo sinabi sa maraming tao na girlfriend mo si Ikay kung hindi naman talaga?" Tanong sakin ni Chris. Eh kahit nga ako naguguluhan eh. Bakit ko nga ba sinabi? oo nga MAHAL KO SIYA NG PALIHIM PERO... HINDI KAMI...
"Hindi ko rin alam Chris!" Malungkot na wika ko.
"Ehh ganun tal----" hindi na natuloy ang sasabihin nya ng biglang may tumawag sakin "HELLO JOSEPH!!!" paglingon ko si Jhesie pala she waved at me. Lumapit ako sakanila pero biglang umalis si Ikay.... Akala nya siguro di ko nakita...
"Bakit anong problema nya?" Tanong ko kila Jehsie. Tumingin sila sakin.
"Ahh s-sino b-ba si I-ikay? L-late na daw kase S-siya" utal na sabi nya sakin. Pero alam kong kasinungalingan lang yun. Tumakbo ako at pilit na hinabol si Ikay pero.... Hindi ko na siya nahabol... Baka makita ko pa siya mamaya...
{Time skips>>>}
Ikay's POV
Nagmamadali akong lumabas sa classroom baka mamaya maabutan pa ko ni Joseph eh... Sumilip muna ako sa classroom nila... Labasan na nila... Pumikit ako... Hoo sana po hindi kami magkita. Pagmulat ko sumilip ulit ako sa classroom nila Joseph at aalis na sana nang-----"Ako ba ang hinahanap mo?!" Tanong ng isang pamilyar na boses. Tumingin ako sa likod ko... Kapag minamalas ka nga naman oohhh!!! Wag kang mauutal kasi pag nautal ka Ikay malalaman nya na nagsisinungaling ka.!
"Wag ka ngang feeling!" Masungit na sabi ko sakanya sabay lakad palayo...
"Hindi naman ako feeling eh kase halata naman kung sinong hinahanap mo dyan! Bakit si ms. Serina ba ang hinahanap mo?" Tanong nya na nakangisi...
BINABASA MO ANG
REVENGE ACADEMY
FantasyREVENGE academy- school for everyone who wants to take revenge on someone. They will give you a special power for your revenge, and after you take the revenge your given power will be gone... Stephanie Ikay, a simple girl na ulila sa mga magulang! P...