Chapter 6 - Manic Monday

63 4 0
                                    

REINA’s POV

Monday nanaman, at vacant ang sched namin ngayon ni Jamaica kaya naisipan naming tumambay na lang sa isang coffee shop na malapit sa school namin,

“Oh couz, ano order mo?” tanong ni Jamaica after niya ilapag yung mga gamit niya sa upuan

“hmm, syempre the usuall, Java Chip” sagot ko sa kanya habang paupo ako

“okay...” after nun, pumunta na siya sa cashier, ako naman bumalik sa pagbabasa ng libro ni Nicholas Sparks, yung “The Lucky One” haha.

Bumalik na si Jamaica sa table namin dala yung order namin, nilapag niya na yung order namin sa table saka umupo.

“uy Reina, look oh, di ba siya yung vocalist sa “Eclipse” grabe ang gwapo niya pala, kaya pala ang daming patay na patay diyan eh, ngayon ko lang siya nakita ng malapitan, omg!” mahinang sabi ni Jamaica na medyo kinikilig kilig pa

Binaba ko yung librong hawak ko para tignan yung sinasabing lalaki ni Jamaica, syempre gwapo daw eh, di naman ako papayag na palampasin ko yun noh, haha, joke lang.

“huh? Anong “Eclipse” san yun?” sabi ko habang hinahanap yung lalaking tinutukoy ni Jamaica

“Ano ka ba naman?! Nag-aaral ka ba talaga sa FEU? Duh! Sila kaya yung laging tumutugtog sa school natin tuwing may events”

“huh? Bat parang di ko pa sila naririnig tumugtog, ngayon ko nga lang nalaman na may banda pala sa school natin”

“grabe ka naman couz, diba school’s photographer ka, bat wala ka man lang kaalam-alam sa kanila” sabi sa akin ni Jamaica na nakakunot pa ang noo sa pagtataka

“aba, malay ko. Baka pinagtataguan nila ako. Lagi lang naman ako sa campus ahh,”

“tss, ewan ko sayo. Ang sabihin mo, lagi ka kasing babad sa libro! Ang nerd mo talaga! NERD NERD NERD!”   Lagi kasi akong nagbabasa, lumabo na nga mata ko kakabasa ng libro eh, ayan tuloy kailangan ko na gumamit ng salamin, pero ayos lang sabi naman ng iba, bagay daw sakin eh, pero sa totoo lang wala naman akong pakialam kung pasuotin nila ako ng salamin eh, hindi naman kasi ako yung tipo ng babae na madaming arte sa katawan, pero kung iniisip niyo na ako yung babaeng mukhang tibo pwes! Nagkakamali kayo! Nag-aayus din naman ako ahh, pero yung normal lang. Di rin ako mahilig mag make-up. Powder lang ayos na sakin.

“tsss, pero gwapo nga niya. Teka!... Nakita ko na siya dati ah! Hmmm,...

Siya yung lalaki sa panaginip ko!” gulat na gulat na sabi ko, medyo napalakas din yung boses ko pagkasabi ko nun napatayo pa nga ako eh.

“huh? Anong pinagsasabi mo?” nagtatakang tanong ni Jamaica na hinila ako para paupuin ulit

“Lagi ko siyang napapanaginipan.” Sabi ko sabay tinggin sa mga mata ni Jamaica “Siya...,

siya yung lalaki sa picture” sabi ko habang hindi na ako mapakali, hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin

Medyo natagalan din bago magsalita ulit si Jamaica, iniisip niya siguro kung anong picture yung tinutukoy ko.

“Ano?! Siya yun? Yung lalaking kinaadikan mo ng ilang taon!? Yung nasa park?!” malakas na pagsabi ni Jamaica. Na halos mamilog na ang mata sa sobrang gulat. Ako naman, patuloy lang sa pag nod ng ulo sa sunod sunod na tanong niya.

Ano nang gagawin ko? Ang dami kong gustong gawin pero... Pero di ko alam kung pano sisimulan. Ngayong nakita ko na siya, gusto ko siyang lapitan, kausapin, hawakan... yakapin. Pero bakit parang walang lumalabas na boses sa bibig ko, bakit parang nanghihina yung mga paa ko? Bakit di ko maikilos ang mga kamay ko para pigilan siyang makalayo? ... Bakit?

*ilang minuto ding nakatulala si Reina*

“Hoy couz! Ano na? Ano nang nangyari sayo?” Narinig kong sabi ni Jamaica na ikinakaway pa ang kamay niya sa mukha ko.

“h-ha?” sagot ko na para bang gulung gulo ako.

“Ano ka ba naman. Kanina pa ko daldal ng daldal dito, di ka naman pala nakikinig!” sabi ni Jamaica habang nakapamewang pa ang isang kamay niya

“uhmm, ano kasi... A-asan na siya?” mautal utal kong sabi

“Wala na! Nakalayo na siya. Buti naman nakabalik ka na sa earth. Jusko!”

“A-ano nang gagawin ko?” Pano kung di ko na ulit siya makita? Anong nang gagawin ko? San ko nanaman siya hahanapin?

“edi kausapin mo! Ano ka ba? Papalampasin mo pa ba yang “prince charming” mo?

“P-pero pa-paano?” halata sa boses ko na hindi parin ako masyadong kalmado.

“Hay nako! Ang daming paraan reina. Tsaka ano ka ba, sa totoo lang, kung para talaga kayo sa isa’t isa. Di mo na kailangan pang gumawa ng kung ano ano, for sure, fate would find its way to both of you. Si cupid na bahala sa inyo... Tsaka late na ko sa class ko, kaya babush na. Gora na aketch” sabi ni Jamaica, nagbeso siya saakin bago siya tumakbo pabalik sa campus.

At ngayon, heto ako, iniwang nag-iisa at hindi alam kung anong gagawin? Pano ko na siya hahanapin ulit. Kailangan ko gumawa ng paraan. Kailangan...

- - - - - - - - - - - - - - -

A/N:Hi Guys!

Kung kayo si Reina, anong gagawin niyo. Pupuntahan niyo na ba siya agad agad? or maghihintay lang kayo for the right time na magkita kayo ulit ni Prince Charming?

CapturedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon