Chapter 7 - the meeting

71 4 0
                                    

REINA's POV

After ko mag-isip isip dun sa coffee shop na tinambayan namin ni Jamaica, bumalik na ko sa campus. Pumasok na ko class namin, at hulaan niyo kung anong naabutan ko. Ano pa? Edi ang natutulog na si Aki. Aigoo, ano bang ginagawa niyan tuwing gabi at lagi na lang inaantok. Buti na lang wala pa yung prof namin. Sana nga absent na lang siya eh. Haaay, last class ko pa naman na toh. Kung absent yung prof. namin ngayon, ibig sabihin, may time pa ko para hanapin yung lalaki sa picture, WOOHOO!... teka ano ba ulit name nun? Hmmm, nag-sisimula yun sa R eh. Hmmm. Ray... raymart ba yun? Parang hindi eh... hmmm. Ray, ray, ray... Ahh! Raymond! Buti naalala ko pa.

“Guys! Makinig kayo” sabi ng lalaking pumasok sa classroom namin, student din siya dito sa school namin.

At lahat ng mga classmates ko napunta sa kanya ang attention, ang lakas kasi ng boses eh kala mo nakalunok ng mic, joke lang!. Tsaka alam mo na, naghihintay ng taong magsasabi na absent si prof.

“Bigla daw may importanteng lakad si Mr. Flores kaya di daw siya makakapasok sa class niyo. Kaya pwede na kayong umalis” syempre pagkasabi niya nun, bigla namang natuwa yung class namin, sino ba namang hinde di ba?

Ayos! May time pa ko para hanapin si Raymond :D ... kaya lang saan ko naman siya hahanapin... hmmmm *isip isip isip*

“oh, reina ano na? Wala ka bang balak umuwi. May lakad pa ba kayo ni Jamaica?” tanong sakin ni Aki, na biglang nagising nung marinig na absent daw si Prof. Reyes. At nakaready nang umalis.

“ha, ahh. Wait lang, maya maya na siguro ako uuwi....”

“sige samahan na nga muna kita, tutal di naman ako nagmamadali ehh. Matutulog na lang muna ako.” Sabay upo ulit sa tabi ko, at mukhang babalik na nga sa pagtulog niya

“hmmm, Aki!”

“ohhh?” sagot ni aki habang nakayuko pa din.

“alam mo ba yung bandang “Eclipse”? pagkasabi ko nun, iniangat na ni aki yung ulo niya.

“ahh, oo bat mo naman natanong?”

“kilala mo naman siguro si Raymond noh?”

“oo bakit? Anong meron sa kanya? Inaway ka ba ng lalaking yun ha?!” sabay suntok ng mahina sa palad niya “Ano bubugbugin ko na ba?” sabi ni Aki na parang nanghahamon

“tsss! Ano ka ba! Hindi ahh!”

“eh ano?”

“its a long story ehh.”

“tsss, arte! Kwento mo na” sabi ni aki na halatang naiinis dahil ayaw ko ngang sabihin kung anong meron kay Raymond

“mahaba nga -____- kulet” mahaba naman talagang storya pag kinuwento ko sa kanya eh, tsaka baka isipin lang ni Aki na ang weird kong babae pag nalaman niya yung tungkol sa picture.

“ehh bat mo ba kasi hinahanap?”

“kailangan ko kasi siyang makausap eh.... alam mo ba kung nasan siya?”

“hmmm, siguro nasa Recording Room lang yun, or nasa mini park”

“ahh, sige. Una na ko ahh.” sabay bitbit nang bag ko “Mauna ka na lang umuwi” at nag bye bye sa kanya. Gusto ko ulit siyang makita. Kahit na hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nakita ko siya, basta ang alam ko gusto ko lang siya makita, yun lang kuntento na ko.

AKI’s POV

Hmmm, ano kayang problema ni Reina, bat hinahanap niya si Raymond. At bakit nagmamadali siyang umalis nung nalaman niya kung san niya pwedeng makita si Raymond. Ano kayang ginawa ng Raymond na yun kay Reina? Subukan lang niya may gawing masama kay Reina, makikita niya... Manghihiram siya ng mukha sa aso

Kagaya nga ng sinabi ni reina, nauna na ko umuwi sa kanya. Wala naman na kasi akong gagawin sa school eh. Tsaka inaantok na talaga ako. Nakasakay ako ngayon sa fx, nagssoundtrip lang, wala kasing makausap ehh. *sigh* ano ba talagang meron sa Raymond na yun. Badtrip naman kasi si reina eh, ayaw pa kasing sabihin eh. Di tuloy ako mapakali ngayon. *sigh*

Nakarating na din ako sa bahay. Mga 3:30 PM na. Ang ineeet, kaya nagshower muna ko, at syempre nag-isip isip habang naliligo. After ko maligo sinubukan kong matulog, pero kahit na anong pilit kong gawin hindi ako makatulog, paikot ikot na nga ako dito sa kama eh pero hindi talaga ako dalawin ng antok eh. Hanggang ngayon kasi naiisip ko pa din yung kay Raymond at Reina, kung ano bang meron sila.... hmmm, Hindi kaya may gusto si Reina kay RAYMOND?!

Dali-dali kong tinawagan ang cellphone number ni Jamaica. “Hello, Jamaica. Alam mo ba kung anong meron kay Reina at Raymond?!” dali dali kong sinabi kay Jamaica.

“ohh, anyare sayo? Kalma lang, kalma lang. Hinga malali— “ Di ko na pinatapos yung sasabihin ni Jamaica

“hoy, Jamaica! Sagutin mo nga yung tinatanong ko, di na nga ako mapakali dito eh” sagot ko kay Jamaica habang palakad lakad sa kwarto ko.

“okay! Okay! Hinay hinay lang kasi”

“oo na, oo na. Basta sagutin mo na kasi”

“ganto kasi yun...” kalmadong sabi ni Jamaica

“ano ba, ang dami pang arte ehh.”

“nagmamadali?! Nagmamadali?!”

“OO! Hindi ba halata?!”

“oo na sige na!” *silence* Si Raymond yung lalaking kinaadikan dati ni Reina. Oh ayan, okay na? OKAY KA NA?!”

“Teka! Ano sabi mo?! LALAKING KINAADIKAN DATI REINA?!”

“oo, bakit? feeling ko nga inlove na inlove pa si reina sa kanya dati eh.. Baka nga hanggang ngayon pa din eh” Nung marinig ko yun, hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. Natulala lang ako. All this time, hindi ko alam na siya pala yung gusto ni Reina, all this time siya pala...

Ni, hindi pa nga ako nanliligaw feeling ko na-busted na agad ako. Ang sakit. Ang sakit sakit. Parang sinampal ako sa magkabilang pisngi, at hindi pa nakuntento, parang binuhusan pa ko ng malamig na tubig.

CapturedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon