Chapter 2 - Weekend with Jamaica

96 6 0
                                    

Reina's POV

AFTER A FEW MONTHS...

Sa wakas weekend na, madami dami na rin akong naging friends sa school namin, nag sign up na rin ako para maging school’s photographer, kasi nga diba! FRUSTRATED PHOTOGRAPHER nga ako! Pero sabi naman ng iba may talent naman daw talaga ako sa pagkuha ng pictures eh, kaya wag na kayong kumuntra, OKAY?! STORY KO TOH EH! Kahit na extra work tong pagiging school’s photographer, ayos lang, nakakagala din naman ako ng dahil dito, lagi pa akong nakakasama sa events ng school namin. ^^, HAHAHA, si Aki naman ayun, busy pa din sa pagiging makulit niya, wala pa ring pinag-bago. Naging close na nga rin sila ni Jamaica eh, minsan nga nag-uusap pa yun sa phone eh. Feeling ko tuloy may gusto sila sa isa’t isa. HAHAHA.

Anyway, kailangan ko nang mag-ayos magkikita kasi kami ngayon ni Jamaica sa mall eh. As usual late nanaman ako, sanay naman na sila eh, kaya okay lang. HAHHAHA... ang hirap naman kasi maghanap ng susuotin, kahit ang dami dami ko nang damit, nahihirapan pa din ako pumili kung ano dapat kong suotin.

“Hayy nako, Reina! Anong petsa na! Lagi ka pa ring late sa mga lakad natin, di ka na talaga nagbago”  Medyo malakas na pagsabi sakin ni Jamaica

“ano ka ba, Jamaica! Wag ka nang mag-inarte dyan, sanay ka naman na eh, anyway, ano bang balak mong gawin today?” sabi ko sa kanya, sabay hila sa kamay niya para maglakad lakad na kami.

“Wala naman, bored na bored na kasi ako sa bahay, hmmm, mag boy hunting na lang tayo!”

“hahaha, lokaret ka talaga!”

“Asus, kunwari pa toh, gusting gusto mo rin naman! Bakla ka!”

“BALIW!”

“Friend, tignan mo yun ohh!, grabe ang gwapo niya, AT! Wala pa siyang kasama, omg! Baka ako yung hinihintay niya! HAHA, WAIT LANG BABES!” sabi ni Jamaica

“San? Ah, yun ba? Onga, friend! Ang gwapo, pero alam mo, parang nakita ko na siya somewhere.” syempre hinanap ko naman, Gwapo daw eh. papahuli ba naman ako

“hmmm, lagi ka namang ganyan eh. Di mo naman alam kung san kayo nagkita!”

“eh sa hindi ko maalala eh, magagawa mo dun? Pero familiar talaga eh” hay nako, lagi na lang akong ganto, familiar naman talaga pero di ko talaga maalala kung san kami nagkita, at ang mysterious ng dating niya sakin ah.

“Hay nako, kumain na nga lang muna tayo, tas nuod tayo sine ah, hihi, may gusto kasi ako panuorin eh”

“Sige na nga, basta ba lilibre mo ko”

“Ulol mo! Wag ka nang umasa sa libre noh, at di uso sakin yun!” hay nako, kahit kailan talaga napaka kuripot ng isang toh

After namin kumain, pumunta na kami sa cinema, syempre, excited kami eh, CHOS, kaya kami pumunta na dito sa cinema kasi, wala na talaga kami magawa. Haha, ayaw naman naming magshopping, kasi ang mahal mahal ng mga damit dito, hay nako, kung billionare lang ako, binili ko na lahat ng gusto ko, kaso, hindi pa eh, take note! Hindi PA! SOON, magiging billionare din ako! BWAHAHA!

“Friend, kamusta naman na kayo ni Aki?”nagulat naman ako sa tanung nito

“huh? Bat naman nasama sa usapan si Aki?”

“wala lang, napansin ko kasi, parang may chemistry kayo”

“ano ka ba?! Alam mo, gutom lang yan! Ayan, lumamon ka na lang dyan! Nahihibang ka nanaman.”

“hahaha! Ano ka ba. Haha, promise bagay kayo! Ang sweet niyo nga tignan minsan eh! Ayieeee!”

“la! Baliw ka na talaga! Anong sweet ka dyan, kalian pa naging sweet ang pag bubugbugan naming dalawa ha?! Sabihin mo nga?”

“edi nung nakita kayo ni cupid!”

“baliw ka na talaga, ayan na magstart na yung movie, manahimik ka na dyan teh!”

Di ko namalayan nakatulog na pala ako sa sinehan, hahaha, lagi na lang ako ganto, ewan ko ba, lagi akong inaantok sa cinema, eh ang dilim naman kasi, sino ba namang hindi aantukin dun dba? OO na, weird na kung weird, eh sa ganto ako eh anong magagawa niyo?

Napanaginipan ko pa nga yung lalaking nakita namin kanina eh, medyo blurred yung mukha niya dun, pero alam kong siya yun. Ang saya saya pa nga naming dalawa dun sa panaginip ko eh, sobrang close pa nga namin eh, akala ko nga kami na eh, ang sweet kasi namin, tumatakbo pa nga kami sa damuhan eh, parang naglalaro kami. Hahaha. Haay kung ganun lang din ang panaginip ko araw araw, nako, gusto ko nang matulog forevah!!

Nakauwi na din kami ni Jamaica, dito daw muna siyang ngayong weekend sa bahay namin. Nasabi ko na ba na parehas kami ng school ng pinsan kong toh? Haha. Anyway, yang loka-lokang yan para ko na ring kapatid slash bestfriend, oh dib a 2-in-1, kala mo kape lang eh. HAHAHA

At syempre wala nanamang dalang damit si Jamaica! Talaga tong babaitang ito oh. Magssleep over walang dalang damit, undies lang ang dinala. Napaka tamad talaga magbitbit ng damit.

“Reina! Pahiram naman ng damit oh”

“Oh sige kumuha ka na lang dyan sa cabinet” Syempre siya na pinakuha ko. Nagcocomputer pa ko eh

“Oh, andito pa rin tong picture na toh? Ang tagal na nito ah, hanggang ngayon ba hindi ka pa din nakaka get over sa kanya” Nakita kasi niya yung picture nung lalaki sa park. Yung mysterious guy medyo blurred din kasi yung mukha niya, kaya di siya masyadong makita yung face niya.

“ehh! Bakit ba! Ibalik mo nga yan dyan! Akin yan eh! Tsk, feeling ko kasi, mission ko na pasayahin tong lalaking toh eh. OO! Weird na kung weird pero... minsan napapanaginipan ko siya eh, blurred nga lang yung mukha pero alam kong siya yun.” Ilang beses ko na din siyang napanaginipan, wala, andun lang kami lagi sa park. Pero hanggang ngayon di ko pa rin nakikita yung mukha niya. Hayyy. Kalian kaya kami magkikita. Kailangan ko siya makita. Kailangan ko siya mahanap....

CapturedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon