Chapter 4- Aki's feelings.

76 4 0
                                    

AKI’s POV

Natutulog ako ngayon dito sa may library nang bigla may gumising sakin.

“Hoy Aki! Anong ginagawa mo dito” hay nako, di pa ba halata kung anong ginagawa ko.

“uhmmmmmm.” Ang ganda ganda na ng panaginip ko kanina eh, istorbo naman toh, magkikiss na nga kami ni Reina sa panaginip ko eh -___- sayang naman di pa natuloy.

“Di ba may klase ka? Anong ginagawa mo dito?”

“Ano bang nakikita mo?” istorbo talaga ehh.

Kinulit niya ko ng kinulit hanggang sa tuluyan na nga akong magising. Kilitiin ba naman daw ako, sino ba naman hindi magigising dun diba?

 “Hoy Aki!” Ano ba yun, nagulat pa ako, baliw talaga toh

“maka-hoy naman toh, wagas!”

“umamin ka nga... May gusto ka ba kay Reina?” Ha?! Mas nakakagulat pa pala yung tanung niya na yun

“Huh?! Anong bang pinagsasabi mo dyan” di niya pwedeng malaman na may gusto ako kay reina. Nako malalagot ako neto.

Pilit pa din niya akong pinapaamin, pero, wala siyang magagawa! Di ko aaminin sa kanya na may gusto nga ako kay reina! ASA SIYA! Mamaya, sabihin pa niya sa loveydoves ko eh. Iwasan pa ko nun. Okay na muna yung ganto, yung friends muna kami.

Pero, ganun na ba kahalata na may gusto ako kay reina? Minsan kasi, tinititigan ko lang si reina eh, ang ganda kasi niya eh, di ko mapigilan sarili ko! Hahaha. Yung mga tropa ko lang naman na lalaki yung sinabihan ko na may gusto ako kay reina ah. Imposible namang sabihin nila yun kay Jamaica. Imposible din namang marinig ni Jamaica yun, sa locker room lang naman namin pinag-uusapan si reina eh. Imposible talaga!

Buti na lang naiwas ko na si Jamaica dun sa topic namin na yun. Kundi baka ano pa masabi ko. Lagot talaga ako.

Kasali na ko sa basketball team ng school namin. May game kami ngayon. Championship na nga eh. Buti na school’s photographer na si Reina, di ko na kailangan pang yayain siya na manuod ng game, kailangan din kasi niya na pumunta sa game eh, para kumuha ng pictures para sa school’s newspaper namin.

Wala lang, ang saya lang ng feeling na kasama ko ngayon ang lucky charm ko ^___^ gagalingan ko talaga para sa kanya J

Nasa locker room kami ngayon, in a few minutes, magstart na yung game, kinakabahan na ko. SHETT!

“AKI!”

“Oh, anong ginagawa mo dito?” syempre may malaking ngiti pa sa mukha ko habang sinasabi ko yan! Ikaw ba naman dalawin ng taong gustong gusto mo eh, sino ba naman hindi matutuwa dun?

“wala lang, gusto lang kitang i-goodluck”J sabay kiss sa pisngi ko

Grabe nagulat ako sa ginawa niya, di ko enexpect na gagawin niya yun. SHEET talaga! Ako na ata pinakamasayang lalaki sa mundo! Hahhaa, kiss pa lang yun ah, pano pa kaya pag naging kami na?

Na speechless ako dun sa ginawa niya. Nakakahiya tuloy sa kanya.

“Sige punta na ko dun sa bench ah” after niyang sabihin yun, umalis na siya agad.

“Pare! Nakita mo ba yun?! Hinalikan ako ni Reina!”

“oh? Nice one pare! Kayo na ba?”

“asus! Kala mo naman sa lips siya hinalikan, eh ginoodluck kiss ka lang naman ng BESTFRIEND mo eh” Aba. Lokong toh ah, in-emphasize pa talaga na bestfriends lang kami ni Reina. Hmm, sa ngayon lang yun, pero SOON, magiging kami din. BWAHAHA.

“Alam mo ikaw, kahit kalian talaga kontra ka sa lovelife ko eh noh? Inggit ka lang! Ako kasi may goodluck kiss. Eh ikaw? WALA! HAHAHA”

“OO na! Ikaw na nga may goodluck kiss galing kay Reina!”

CapturedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon