XII. First Night With Her

414 9 0
                                    

XII. First Night With Her

Nagdrive na si Vice pauwi at naisip nyang gabi na. Baka may mangyari kay K na masama kung iiwan nya itong mag-isa sa bahay niya.

Vice: K. Sa bahay ka na kaya muna.

Walang sumasagot.

Vice: Huy K.

Wala paring sumagot. Tiningnan ni Vice si K at nakita nyang tulog na ito. Bigla nalang napapangiti si Vice sa mga nangyayari.

Nakauwi na sila at mismong si Vice ang nagbuhat kay K papunta sa 'KWARTO NYA'.

Maid: Mam. Sigurado po ba kayo na dito nalang matutulog si Mam K? Hindi po sa Guest Room.

Vice: Dito nalang. Ok na sya dito.

Maid: Sige po.

Habang inaayos ni Vice ang higa ni K, tinawagan nya sina Buern at Archie na pumunta kina Tita Z at ikuha si K ng extrang damit.

Pagdating nina Buern at Archie ay agad nilang sinabi ang utos ni Vice. May nakuha naman silang extrang damit ni K. Dumiretso na agad sila sa bahay ni Vice at pumunta sa kwarto kung nasaan sila. Pumasok na sila at nadatnan si Vice na nakatalikod at nakatitig kay K.

Archie: Baka matunaw. Ingat ingat.

Vice: *humarap* Iba talaga yung feeling ng kasama ko sya magdamag.

Buern: *inabot ang bag na may damit ni K kay Vice* Iba talaga kahit na magkasama kayo araw-araw?

Vice: Oo eh... Parang.. Ah basta.

Archie: Hala. Oh cge. Gora na kami. Enjoooy!

Inayos ni Vice ang damit ni K na nasa bag. Nilabas nya ang pang tulog ni K na pajamas. Nirerespeto nya si K kaya inutusan nalang nya ang mga maid nya na sila na ang magpalit ng damit ni K. Pagkatapos paltan ng damit si K, kinumutan sya ni Vice at inayos ang susuotin nila bukas. Shempre hinanda ni Vice ang Couple Shirt.

Vice: Dapat parehas kami bukas. Ahmm. Dirty White yung color ng heels nya. Kaya Dirty White din dapat ung akin pero hindi ako magheheels... Hmmm. Ah eto... Parang ayaw ko sya mag skirt. Maong Shorts nalang tapos ako mag mamaong pants...

Natapos na rin ang pag aayos ni Vice ng susuotin nila bukas. Naka Hanger na ito at maayos na maayos. Sya na rin mismo ang nagplantsa nito.

Humiga muna ng sandali si Vice sa tabi ni K at tinitigan nya ito.

Vice: Ang ganda mo parin pala kahit wala ka nang make up at mahimbing na ntutulog.. Good Night Kurba. See you in your dreams and my dreams.

Hinalikan ni Vice si K sa noo at tinitigan nalang ulit ito. Hindi namalayan ni Vice na nakatulog na sya nang mahimbing.

Nagising si Vice ng 1:30 ng madaling araw dahil naglilikot sa pagtulog si K. Hinawakan ni Vice si K at nilalagnat ito. Hininaan nya ang aircon at kinuha si K ng gamot. Ayaw na nyang abalahin ang mga maid nya kaya sya nalang ang gagawa nito. Kumuha sya ng bimpo at maligamgam na tubig. Ginising mya muna si K para painumin ng gamot. Pagkatapos ay dinampian nya si K ng bimpo sa noo at kinumutan ito.

Tinawagan naman agad ni Vice si Direk B. Para sabihing baka hindi makapasok si K bukas dahil mataas ang lagnat nito.

Vice: Sayang namang yung pag-aayos ko ng susuotin namin kung hindi sya papasok. Bahala na nga.

Natulog nalang si Vice at hinayaan nalang iyon.

.....

One Month Promise ♥ViceRylle Story♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon