6

1.6K 41 3
                                    

Chapter 6

Wala kaming kibuan habang nasa byahe, mula sa eroplano kanina hanggang dito sa loob ng kotse niya.  Hindi na kami sumakay sa private chooper ni Daddy dahil ayokong malaman nila na maagang natapos ang honeymoon namin ni Vincent kung honeymoon nga bang matatawag 'yun.  Malaking gulo 'yun kapag nagkataon.

Hindi ko din nakita si Vincent na komontak sa pamilya niya posible kayang hindi niya din ipinaalam sa mga ito ang plano naming pag-uwi?

Kanina pa kami sa byahe at pagod na pagod na ang katawan ko samahan mo pa ng antok. Hindi ko naman magawang matulog dahil hindi ako mapakali lalo pa at katabi ko si Vincent.

"Dito ka ba sa San Juan nakabili ng bahay?" basag ko sa katahimikang namamayani sa amin. Nakita ko kasi ang malaking pangalan ng lugar na nadaanan namin kaya alam kong nasa San Juan na kami.

"Oo." tipid niyang sagot.

"Malayo 'to sa Fairview...pati sa bahay niyo sa Antipolo ah?" tanong ko pa. Masyado nga talaga kaming malayo. Bakit naman dito niya naisipang bumili ng bahay? Pwede naman dun sa malapit sa kanila para lagi kong kasama si Veronica, how I missed that bitch.

"Ayokong dumepende sa pamilya mo o sa pamilya ko." seryoso niyang sagot. Kungsabagay tama naman siya kaya lang syempre gusto ko din ng makakabonding.

"O-oo naman tama ka, mabuti nga ang ganun.." tumatango kong sagot saka ibinaling muli ang paningin sa labas. Nakakatuwang isipin na may mga plano pala siya para sa aming dalawa, masyado na siyang matured mag-isip hindi kagaya ko na isip bata pa din.

"Siyanga pala Vincent, next month graduation na namin ni Veronica saan sa tingin mo magandang mag celebrate? Gusto ko kasi after graduation magbakasyon kaming dalawa" pag-iiba ko sa usapan, nakaramdam ako bigla ng excitement dahil gagraduate na kami ng bestfriend ko. Masaya ako na matutupad na namin ang pangarap naming dalawa.

"Bakit ako ang tinatanong mo?" kunot ang noong tanong niya pabalik. Oo nga naman bakit siya ang tinatanong ko? At saka bakit ba ang sungit niya? Pero mas nakakadagdag talaga sa appeal niya ang pagiging masungit. Alam mo 'yun kahit papangitin niya ang expression niya napaka gwapo pa din niyang tingnan.

"Wala lang natanong ko lang naman, bakit ba ang sungit mo?" nakanguso kong tanong.

"Stop it."

"Stop what?" nagtataka kong tanong. Anong iistop ko? Masyado ba akong madaldal?

"Pouting your lips." sagot niya na hindi tumitingin sa akin. Anong problema sa lips ko? Mukha ba akong manok kapag nakanguso? Naturn-off na ba siya?

"Sorry.." nasabi ko na lang. Sinulyapan lang niya ako na may kasama pang paglunok. Para saan naman yung paglunok niya kasi para siyang tense na ewan.

Hindi ko na lang siya pinansin at muli kong tinuon ang paningin ko sa labas.

Valencia Residence

Iyon ang malaking pangalan ng subdivision na naka sulat sa gilid ng mataas na pader.

Pumasok ang kotse namin sa entrance at agad kaming sinalubong ng guard na nagbabantay doon.

Kinausap lang si Vincent sandali at muli niyang pinaandar ang sasakyan papasok.

Hindi ko maiwasang hindi humanga sa mga bahay na naroon. Mukhang hindi biro ang mga nakatira dito.

Malinis ang buong lugar bawat kanto ng bahay ay may makukulay na basurahan na mukhang gawa pa sa goma na halatang recycled para mapakinabangan, at masasabi kong matalino ang nakaisip ng ideang iyon.

Napaka-aliwalas ng paligid lalo na ang mga nagagandahang mga halaman na mukhang pinagtuunan talaga ng pansin ng mga may ari ng bahay. Hindi na masama na tumira dito isa pa ay mukha ding secured ang buong subdivision.

PAIN IN MY HEART (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon