18

1.8K 43 23
                                    

(Min Yoongi as Axel on the multimedia)

When Thursday becomes Friday..

Sorry for the late update babies...

I love you guys enjoy reading!!





Vincent's POV



"Veronica hindi ka pa ba tapos?!" sigaw ko sa kapatid ko na nasa loob pa din ng kwarto niya.She's still packing her things samantalang ako eto at bagot na bagot na sa kakahintay sa kaniya dito sa labas ng pinto.

Gusto ko ng makita si Elie, gusto ko na siyang makasama at pakiramdam ko para bang napakatagal ng oras. 

"Kuya naman! Alas-kwatro pa ang usapan namin ni Elie and for your information ala-una pa lang! Hindi ka naman excited no?!" inis na sigaw din niya pabalik.

"Ayokong maunahan ni Axel sa pagsundo sa kaniya kaya bilisan mo." pagkasabi ko 'nun ay muli akong bumaba sa sala. Naupo ako sa sofa, my sister never changed hangang ngayon napakabagal pa din kumilos. 

O baka naman masyado lang talaga akong excited makita si Elie. Lalo akong naiinis kapag naiisip kong susunduin siya ng bansot na 'yun. Damn it! 

Hindi ako mapakali sa upuan ko, kung nakakapagsalita lang siguro 'tong sofa minura na ako.

Hindi maalis sa isip ko ang mukha ng Axel na 'yun. Gwapo ang lalaki at mukhang may sinabi din sa buhay hindi malabong magustuhan siya ni Elie, bukod dun kaya niyang pangitiin ang asawa ko na ni minsan ay hindi ko nagawa.

Fuck! Hindi pa naman huli ang lahat diba? 

Napakadami kong sinayang na pagkakataon ayoko ng madagdagan pa. Noong unang gabi namin bilang mag-asawa alam kong may nag-iba na sa nararamdaman ko para sa kaniya. Alam kong unti-unti na siyang nagkakapuwang sa puso ko pero dahil nanaig ang kagustuhan kong gumanti ay nasaktan ko siya ng ilang ulit. Hindi ko naamin sa sarili ko na mahal ko na siya.

At lahat ng 'yun ay pinagsisihan ko na ngayon.  


Ilang minuto lang ay natapos na din si Veronica sa pag-eempake. Isang linggo daw kaming magbabakasyon sa resort nung Axel na 'yun ayon kay Veron. Sabi pa niya ay doon daw nagtungo si Elie nung gabing iniwan ko siya para makausap si Monette. Nang malaman ko 'yun ay para akong mababaliw sa kakaisip kung ano ang mga ginawa niya kasama ang lalaking 'yun sa loob ng isang linggo na nawala siya.

Hindi ko maiwasan ang hindi magselos at mag-alala na baka isang araw hindi na ako ang itinitibok ng puso ni Elie. It's really scared the shit out of me!

"Kuya pinapaalala ko lang na wala kang gagawin na kahit ano para pasamain ulit ang loob ni Elie huh kundi, hinding-hindi na siya babalik sayo." paalala ni Veron.

"You can trust me on this bunso." nakangiti kong sagot. Excited na akong makita ang asawa ko but at the same time kinakabahan din. Alam kong magugulat siya kapag nakita niya ako.

Tahimik lang ang buong byahe naming magkapatid patungo sa mansion ng mga Cristobal pero habang papalapit kami ay tumitindi ang lakas ng tibok ng puso ko.

Nang marating namin ang mansion ay agad kaming pinagbuksan ng gwardiyang nagbabantay sa harap ng gate. Hindi na ako nagsayang ng oras at mabilis akong pumasok sa loob ng mansion to see my wife.

Natigilan lang ako ng maaninagan ko ang pamilyar na lalaki na prenteng nakaupo sa sala kasama ng mga Cristobal. They're laughing and having a good time. I clenched my fist at the sight. Pati ba naman ang mga in laws ko gusto na niyang agawin sakin?

"Tita!Tito!" masayang bati ni Veron mula sa likuran ko. Hindi ko alam na nakasunod na pala agad siya.

Natigilan ako sa kinatatayuan ko ng madako ang paningin nila samin.

PAIN IN MY HEART (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon