4

1.7K 52 3
                                    

Chapter 4

Umuwi ng Manila si Vincent dahil sa tawag na iyon ng pinsan niyang si Mark. Hindi man lang niya naisip na iiwan niya akong mag-isa dito sa resort. Hindi man lang niya inisip ang mararamdaman ko.

Muli akong napaluha habang nilalagok ang kulay pulang laman ng boteng hawak ko. Kilala ang alak na ito lalo na sa mga babae dahil hindi gaanong matapang ang lasa na para ka lang umiinom ng juice.

Pinasadya ko pa itong ipabili kay Mang Ben sa kalapit na isla kanina dahil wala daw ganitong alak sa resort na 'to. Ayaw pa sana akong bilhan ng matanda pero nagpumilit ako. Marahil ay naiintindihan din niya ang nararamdaman ko ngayon.

Muli kong tinungga ang laman ng bote saka pinagmasdan ang paligid ko. Nandito kasi ako sa tabi ng dagat. Dito ko gustong magpalipas ng gabi at sama ng loob. Kahit paano nakakarelax talaga ang tunog ng paghampas ng alon at ang banayad na ihip ng hangin. Malayo ang dagat sa hotel kaya malaya kong nailalabas ang mga luha ko. Pinili ko ang bahaging ito na malayo sa ilang turista na nag na-night swimming at nagsasaya. Nakakahiya kung may makakakita sa akin na umiiyak at isa pa karamihan sa kanila ay pawang mga couple. Lalo ko lang iinggitin ang sarili ko sa panonood sa kanila.

Kapansin-pansin din ang nagliliwanag na langit dahil sa dami ng bituin. Pero kahit gaano yata kaganda ang paligid ko pakiramdam ko ay kulang pa din.

Banayad subalit malamig ang ihip ng hangin pero wala ng mas lalamig sa status ko ngayon. Kakakasal ko palang pero heto at mag-isa akong nagcecelibrate ng honeymoon.

Sana nandito si Veronica para kahit paano ay may napagsasabihan ako ng sama ng loob ko. Iyong babae lang kasi na 'yun ang nakakaintindi sa mga kaartehan ko at ako lang din naman ang nakakaintindi sa pagiging bungangera niya.

Natigil ako sa pag-iyak ng mag ring ang cellphone sa tabi ko. And speaking of the biatch here she is. Malamang na nagtataka siya kung bakit hindi ako kasama ni Vincent sa pagluwas ng Manila. Sana hindi niya rin sinabi kila Daddy ang nangyari dahil siguradong malaking gulo ito.

"H-hello.." pigil ang hikbing wika ko.

"Hey Elaine! are you ok? where are you? Kumain ka na ba? Answer me! I'm worried!" sunod-sunod niyang tanong. Halos mabasag ang eardrum ko sa lakas ng boses niya sa kabilang linya.

"Minimize your voice bitch." biro ko sa kanya. Napabuntong-hininga siya ng malakas.

"I'm sorry.." tila biglang lumungkot ang boses niya. I know why she's saying sorry now marahil alam na niyang iniwan ako ng kuya niya para puntahan si Monette.

"Hey ok lang ako! Haha. And guess what? Umiinom ako ng Tanduay Ice. ALONE! Wala akong kaagaw kasi wala ka. Pinabili ko lahat ng color para matikman ko lahat!" pinilit kong pasiglahin ang boses ko but I failed. Naiyak nanaman ako.

Epekto na din siguro to ng alak kaya masyado na akong emoysonal.

"Elie, I'm sorry.. Lumuwas pala si kuya ngayon. I don't know na gagawin niya 'to sa'yo. Tapos nalaman ko kay kuya Mark na kuya Vin was with---"

"I'm okay, I understand Veron.." putol ko sa sasabihin pa niya. Ayoko munang marinig ang pangalan ng babaeng 'yun. Lalo lang tumitindi ang sakit sa dibdib ko. Lalo akong napapraning na hindi ako ang pinili ni Vincent na makasama at ang masakit pa doon ay para bang kasalanan ko kung bakit napahamak si Monette.

"I know you're not.. Bwisit kasi si kuya eh! Walang pakiramdam napaka manhid kainis! Hindi ba niya naisip na kasal na siya?" inis na sabi niya sa kabilang linya.

"Ano ka ba V, sabi ko sayo okay lang ako. Mas kailangan siya ni Monette ngayon.." pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko. Kailangan kong isipin ang positive side ayoko ng masyadong pahirapan ang sarili ko and besides alam kong may kasalanan din ako.

PAIN IN MY HEART (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon