10

1.6K 43 9
                                    

Chapter 10

Elaine's POV

Ala una nanaman ng madaling araw pero heto ako at nakaupo sa sofa. Hindi ko alam kung anong oras nanaman uuwi ang asawa ko. Matapos ang nangyari sa pagitan namin kanina ay hindi ko na siya nagisnan pa sa tabi ko.

Napahimas ako sa ulo ko. Ang sakit pa din talaga ng anit ko. Sinugod kasi ako ni Monette kanina.Pagkakita niya sa akin ay agad niya akong sinabunutan at pinagsasampal. Binantaan niya ako na aagawin niya lahat ng inagaw ko sa kaniya. Galit na galit siya sa akin. Nagawa niya akong saktan and I let her do that. Hinayaan ko lang siyang sabunutan ako, sampalin ng ilang ulit dahil alam kong mas matindi pa ang sakit na nararamdaman niya. Walang-wala ang mga pasa at galos na binigay niya sakin kanina kumpara sa sugat na dinulot ko sa buhay niya at ni Vincent. Alam kong deserved ko ang galit ni Monette, I ruined their lives. She and Vincent are in a good relationship. Alam kong masaya sila sa isa't isa kulang na nga lang ay kasal para magkasama na sila habang buhay pero sinira ko lahat.

Sinira ko ang lahat ng mga pangarap na binuo nila ng magkasama dahil sa kagustuhan kong matupad ang sarili kong pangarap.

Kung hindi dumating si Axel malamang na hindi lang pasa at mga kalmot ang natamo ko sa babaeng 'yun. Baka pinaglalamayan na din ako ngayon.

Natakot din ako sa mga binitawang salita ni Monette. Kung talagang gusto niyang makuhang muli si Vincent sakin alam kong hindi siya mahihirapan. Masakit mang isipin pero alam kong mahal pa din siya ng asawa ko.

Napatigil ako sa pag-iisip ng marinig ko ang paghinto ng sasakyan sa harap ng bahay. Hindi na ako nagdalawang isip na pagbuksan ang asawa ko. Alam kong siya na 'yun dahil kabisado ko ang tunog ng kotse niya.

Halos madapa pa ako sa kakamadali, miss na miss ko na kasi siya agad eh.

"Vin---" nawala ang ngiti sa labi ko ng mapagbuksan ko siya. Kaagad na gumuhit ang sakit sa dibdib ko dahil hindi nanaman siya nag-iisa.

May kasama nanaman siyang babae!

"A-anong ibig sabihin nito, Vincent?" gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa panginginig ng boses ko. Ayokong ipakita sa kaniya na nasasaktan ako pero ang hirap.

"Sa labas ka matulog dahil may bisita ako." walang emosyon niyang sabi. Nilampasan niya ako at ng babae niya. Saglit akong na estatwa sa kinatatayuan ko, kagabi lang nagdala na siya ng babae. Kailangan bang uli't ulitin niyang saktan ako?

Pinigilan ko ang mga luha ko na muli nanamang namuo at sumunod sa loob para pigilan sila sa kababuyang gagawin nila.

"Why are you doing this to me Vin?" pigil ang boses kong wag sumigaw. Natigil siya at hinarap ako. Kinabahan ako sa emosyong nakapako sa gwapo niyang mukha. Wala akong ibang mabasa doon kundi pait.

"Stop hurting me Vin... I know I deserved this but.....please stop.." tuluyan ng tumulo ang luha sa mga mata ko. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya kasabay ng pagngisi ng mapupula niyang labi. Para bang ikinakatuwa pa nito ang nakikitang sakit sa mukha ko.

"Gusto mo kong makasama diba? Eh di mag tiis ka." sagot niya. Saka ako muling tinalikuran. Ipinakita pa niya sa akin ang pagpulupot ng braso niya sa bewang ng babaeng kasama niya.

I can't breath, my eyes becomes cloudy dahil sa luhang namuo doon. Hindi ko na napigilan ang pagragasa nito sa pisngi ko.

Yes. Again, I deserved this.

PAIN IN MY HEART (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon