12

1.6K 48 22
                                    


Elaine's POV

Kinabukasan ay naging maayos na ang pakiramdam ko. Wala na ang bigat sa ulo ko at nawala na din ang pananakit ng mga kalamnan ko. Hindi ko akalain na ganun kabilis mawawala ang lagnat ko kahit pa nga nanghihina pa din ang katawan ko.

Bumangon na ako sa kama ng maalala kong kailangan kong ipagluto ng almusal ang asawa ko.

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto pero wala kahit ang anino niya.

Umalis na kaya siya?

Hindi ko maiwasang hindi kiligin dahil hindi niya ako iniwan, magdamag siya sa tabi ko at panay check ng temperature ko. Kahit hindi niya sabihin ramdam ko namang nag-aalala siya pero natatakot akong paasahin ang sarili ko dahil baka mamaya ay sasaktan nanaman niya ang kalooban ko. Pero sana talaga matanggap na niya ako.

I took a deep sigh bago ako tumayo at nagtungo sa bathroom. Kailangan ko ng maligo mukhang pumasok na si Vincent at iniwan na ako matapos niyang malamang wala na akong lagnat.

Nakakalungkot mang isipin pero umasa pa man din akong magigisnan ko siya ngayon sa tabi ko.

Hindi na ako nag abala pang i lock ang banyo since ako na lang naman ang nandito.

Isa-isa kong hinubad ang damit ko bago tumapat sa shower. Napangiti ako ng tumama na sa balat ko ang maligamgam na tubig.

I was about to put a shampoo on my hair ng biglang bumukas ng malakas ang pinto ng banyo.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko kasabay niyon ang mabilis na pag tibok ng puso ko. I didn't bother to cover my naked body dahil nakatutok lang ang mga mata ko sa gwapong lalaking nasa pinto.

Mukha siyang nag-aalala na ewan. Hindi ko maipaliwanag ang ekspresyong nakapako sa gwapo niyang mukha. And damn he's topless!

He scan me from head to toe saka ko lang narealize na hubo't hubad ako!

Nakakahiya!

Namula ang mukha ko at pilit kong tinatakpan ang sarili ko as if naman maitatago ko talaga ang katawan ko sa mga mata niya.

"V-Vin....maliligo lang ako.. Akala ko naka-alis ka na" nabubulol na sabi ko. Hindi na ako makatingin ng diretso sa kaniya dahil pulang-pula na panigurado ang mukha ko.

"I thought you left me.." mahinang sabi niya na nagpabalik ng mata ko sa direksyon niya. What did he say? Akala ba niya iniwan ko siya kaya siya bigla-bigla na lang pumasok sa banyo?

Natatakot ba siyang iwanan ko siya?

At ano namang pumasok sa isip niya at naisip niyang iiwan ko siya?

Napangiti ako sa naisip ko, hindi kaya talagang concern na siya saki ? Mahal na din kaya niya ako kagaya ng nararamdaman ko para sa kaniya?

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin saka ako hinigit pa lapit sa kaniya. I am now facing his broad chest that made my heart flutter. And now he's embracing me? Hindi niya alintana kahit mabasa na din ang suot niyang shorts.

"You made me worried..." halos pabulong na sabi niya sa may ulunan ko. Parang may mga paru-paro sa tiyan ko at nanayo bigla ang balahibo ko dahil sa kilig. Why'd he became weird today? Kahapon lang ay galit na galit siya sakin.

"Bakit kasi dito ka dumiretso agad?" kunot ang noong tanong niya ng bitawan niya ako. Parang siya mismo ay nagulat sa ginawa niyang pagyakap.

Minsan napapaisip ako kung may problema siya sa pag-iisip. Malambing ngayon tapos bigla ding nagagalit. Pero aaminin kong ang gwapo niya ngayon kahit medyo magulo ang buhok niya.

PAIN IN MY HEART (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon