13

1.5K 46 19
                                    

Elaine's POV

Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko habang nasa byahe kami. Panay ang sulyap ko sa gwapong mukha ni Vincent na seryoso lang sa pagmamaneho.

Masaya ako dahil siya na mismo ang nagyaya sakin na dalawin namin ang pamilya ko kahit alam kong hindi siya komportable na makaharap sina Dad at kuya Luis. Simula din kasi ng ikasal kami ay hindi pa kami nagkaroon ng pagkakataon na makausap sila ng masinsinan kaya naman hindi ko din maiwasan ang hindi kabahan. Sana naman maging maayos ang pakikitungo ni Daddy sa kaniya.

I know how much he hated my husband.

Muli kong nilingon ang asawa ko, he's just wearing plain black T-shirt and a fitted blue jeans. Napaka fresh niyang tingnan sa ayos niya ngayon. He looked so damn sexy with that tight jeans.

I bit my lips ng maalala ko ang ginawa niya kaninang umaga, hindi pa din mawala ang kilig sa sistema ko.

"Like the view?" nakangising tanong niya. Nag-init naman ang pisngi ko sa tinuran niya. Huling-huli niya akong nakatingin sa kaniya.

"Huh? H-hindi kita tinitingnan ah!" I pouted my lips due to embarrassment. Deny pa Elie.

"Talaga? Eh bakit namumula ka?" panunukso pa niya. Lalo lang akong nailang sa mga pinagsasabi niya.

Mabilis akong umiling sa tanong niya saka muling itinuon na lang sa labas ng kotse ang paningin.

"How'd you feel? Sigurado ka bang ok na ang pakiramdam mo? Pwede naman tayong bumalik para makapag-pahinga ka." Napalingon ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Nakakapanibago ang pag-aalalang ipinapakita niya. Totoo na ba 'to? Nag-aalala na ba talaga siya sakin? Hindi naman ako nanaginip diba?

"No..Okay na ako. Namimiss ko na din sila Mommy. Gusto ko na silang makita." nakangiti kong sabi. Tumango lang siya bilang tugon.

"Thank you kasi sinamahan mo 'kong bumisita kila Mom.. Sana kung ano man ang mga masasabi ni Daddy just ignore him.." pakiusap ko. Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko pero hindi na siya kumibo kaya hinayaan ko na lang. Ayokong magbago nanaman ang mood niya.

Muli kong itinuon ang paningin sa labas ng kotse. Bigla ko namang naalala si Axel, dapat din pala akong mag pasalamat sa isang 'yun kung hindi dahil sa kaniya baka mas malala pa ang nangyari sa akin. Nalaman ko din na siya ang tumawag kay Vincent para pauwiin ito kaagad.

Dalawang beses ng nililigtas ni Axel ang buhay ko kahit nito lang kami nagkakilala. Iyong una ay noong sinugod ako ni Monette at pangalawa ay nung nawalan ako ng malay.

 Gusto ko siyang pasalamatan sa lahat ng mga ginawa niya para sakin. Hindi pa man kami ganoong magkakilala nararamdaman ko naman na mabuti siyang tao.

"Anong iniisip mo?" muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko ng basagin ni Vincent ang katahimikan sa pagitan namin. Ganun na ba kalalim ang iniisip ko?

Teka nga, kelan pa siya nagka-interes sa mga iniisip ko?

"I'm thinking about Axel"maiksing sagot ko.

"What about him?" tila biglang nairita ang boses niya pakarinig sa pangalan ni Axel. Bigla ko tuloy pinagsisihan ang pag banggit ko sa pangalan niya. Umayos ako ng upo saka pilit na ngumiti.

"Nakalimutan ko kasing magpasalamat sa kaniya. Dalawang beses na niyang niligtas ang buhay ko eh."sagot ko.

"Dalawang beses? What do you mean dalawang beses?" nagtatakang tanong niya. Saka ko lang narealized ang sinabi ko. Sasabihin ko bang sinugod ako ng ex niya at pinagbantaan? Paano kung mas mag-alala pa siya kay Monette kesa sakin? Paano kung magkita sila ulit? Ang daming tanong bigla sa utak ko pero sa huli mas pinili ko na lang na mag sinungaling.

PAIN IN MY HEART (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon