5

1.7K 52 5
                                    

Chapter 5

Akala ko noon pangarap lang na maging akin ang isang Vincent Villarde. He was rich, brilliant and stunningly handsome. Walang babae ang hindi maghahangad na mapansin niya at isa na ako doon. Ginawa ko ang lahat mapalapit lang ako sa kanya kahit noong una ay naisip kong gamitin si Veronica but then I realized that Veronica is a nice person kaya naman noong tumagal ay napamahal na siya sa akin at itinuring na namin ang isa't isa na matalik na magkaibigan. Hanggang sa dumating ang gabi ng katuparan ng lahat ng pangarap ko...

Flashback...

Nakasanayan ko ng matulog sa bahay nina Veronica dahil na rin gusto kong laging makita si Vincent. Pero kahit matagal na kaming magkaibigan ni Veronica hindi parin ako napapalapit kay Vincent. Mailap kasi ang lalaki, gabi na ito kung umuwi at minsan naman ay kasama nito ang girlfriend niyang si Monette kaya wala talaga akong pagkakataon na mapalapit sa kanya not until he came home late and drunk.

Dis oras na ng gabi at tanging ako na lang  at ang mga gwardyang nagbabantay sa gate ng mansion nila ang gising ng oras na 'yun. Maging ang mga katulong ay tulog na din.

Hindi ako mapakali hanggat hindi ko nakikita si Vincent, para akong asawa na naghihintay at nag-aalala. Hanggang sa narinig ko ang pagpasok ng kotse niya sa bakuran. Tuwang-tuwa akong lumapit sa pintuan at pinagbuksan siya.

"Bakit ngayon ka lang Vincent?" nag-aalalang  tanong ko dito.

"Oh bakit gisheng ka pa? Ikaw huh hinihintay mo nanaman akoh. Haha!" tanong niya pabalik. Namula ang pisngi ko sa tinuran niya pero alam kong hindi niya makikita dahil madilim ang paligid. Hindi na din kasi ako nagabalang buksan pa ang ilaw.

"Nag drive ka ba ng lasing? Paano kung napahamak ka? Bakit ka ba kasi uminom?"  tanong ko ng maamoy ko ang alak sa hininga niya. Kinuha ko ang braso niya at iniakbay iyon sa balikat ko. Hindi naman siya tumanggi dahil mukhang nahihilo na talaga siya.

PAIN IN MY HEART (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon