EPILOGUE 1 of 2

1.6K 38 16
                                    

Epilogue 1 of 2

Wala akong nagawa ng ipasuot nila sa akin ang magarang gown. I don't know what to feel right now, gusto kong umiyak pero kahit yata magdamag kong gawin 'yun ay wala namang mababago sa sitwasyong kinasasadlakan ko ngayon.

Manghang nakatingin sa akin ang limang babae na nag-ayos sa akin. They were all staring at me with admiration in their eyes.

"Sapatos na lang ang kulang! " tila kinikilig na sambit nung isa sa mga babae.

Bakit ba napakasaya nila? Hindi ba sila naaawa sa akin? Hindi ba nila nakikita kung gaano ako kalungkot ngayon? Mga bulag ba sila o sadyang ayaw lang nila 'yun bigyan ng pansin dahil iyon ang inutos sa kanila?

"Eto, isuot mo 'to.. " kaagad nila akong pinaupo. Pumunta sa may paanan ko iyong may dala ng kahon ng sapatos saka inilabas ang laman niyon.

It was a beautiful pink flat sandals na bagay para sa isang beach wedding. Nakadagdag din sa ganda nito ang tila pakpak na desinyo na yari sa mamahaling bato. It's simple yet elegant.

Why do they have to do this? Bakit kailangan pa nila akong bihisan ng ganito? Ano ba talagang pinaplano nila? I'm so frustrated right now sa kakaisip kung para saan ang lahat ng ito.

Ngiting-ngiti sila sa harap ko matapos makita ang resulta ng mga pinagagawa nila sakin. Sana kasing saya din nila ako pero kahit ang ngumiti ay nakalimutan ko na.

"Pwede bang ngumiti ka naman? Ang ganda-ganda mo tapos sisimangot ka lang diyan. " inis na utos sakin nung babaeng masungit. Kapag ako talaga napikon sa isang ito babaklasin ko ang mukha niya kasama ng suot niyang maskara.

Pinigil ko ang sarili kong wag magalit, iniwas ko na lang ang paningin ko.

"Ano bang plano niyo sakin? Bakit niyo 'to ginagawa? " naluluhang tanong ko nanaman. Hindi ko na mabilang kung ilang ulit kong tinanong iyon pero hindi naman ako nakakakuha ng magandang sagot.

"Wala naman kaming plano sayo pero 'yung amo namin marami. Kaya kung ako sayo mananahimik na lang ako." matapos niyang sabihin yun ay inirapan niya ako.

Ilang minuto pa akong nakaupo sa harap ng tokador nang biglang tumunog ang cellphone ko.

It was him again. Kaagad kong sinagot ang tawag habang nanginginig pa ang kamay ko sa inis.

"Pwede bang sabihin mo na sakin ang kailangan mo para makita ko na ang asawa ko? Saka bakit kailangan ko pang magbihis ng ganito? Ano ba talagang binabalak mo? Kung balak mong pakasalan ako wag ka ng mangarap dahil hinding-hindi yun mangyayari! May asawa na ako naiintindihan mo ba?!" sigaw ko. Narinig ko ang malakas niyang tawa sa kabilang linya na para bang isang malaking biro ang sinabi ko.

"I bet you're already done." muling naging seryoso ang boses nito sa kabilang linya. Tinutukoy siguro nito ay ang pag-aayos sa akin ng mga alagad niya. Hindi talaga maganda ang kutob ko sa mga nangyayari.

"Please tell me where is my husband, tell me that he's okay.. Please I want to know that he's okay.. " pagsusumamo ko.

"Ibigay mo kay Kyla ang telepono mo" utos nito na hindi man lang pinansin ang sinabi ko. Nanlumo ako dahil mukhang wala talaga siyang balak ipakausap man lang ako sa asawa ko.

PAIN IN MY HEART (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon