1

2.9K 61 4
                                    

Chapter 1

Elaine

"Wala pa ba ang groom? Anong oras na ah!" halos pasigaw na tanong ni kuya Luis kay Veronica. Nasa harap kami ngayon ng simbahan.

"Wala pa nga eh kanina ko pa kinokontak ang cellphone niya." kinakabahan namang sagot ni Veronica, ang weeding organizer/bestie ko/ kapatid ng mapapangasawa ko.

Yes, I am the bride at halos isang oras na akong naghihintay dito sa loob ng kotse. Dinig ko ang usapan nila sa labas dahil bahagya kong binuksan ang bintana ng kotseng sinasakyan ko ngayon. I saw how they panic, panay ang contact nila sa magiging asawa ko, panay ang mura ng kapatid ko at panay din naman ang pigil sa kaniya nila Mom. Si Dad naman ay halatang galit na din.

Ang pamilya naman ni Vin ay hindi na din magkandaugaga sa pag tawag sa telepono nito na hindi man lang ata sinasagot ng mapapangasawa ko.

At ako? Heto, pinapanood sila.

Kung nag-aalala sila dahil wala pa si Vin mas lalo naman ako. Doble ang kabang nararamdaman ko. Napakadaming tanong sa utak ko pero alam ko naman ang sagot ayokong lang talagang aminin sa sarili ko.

Ang katotohanan sa likod na kasal na ito ay ako lang ang nakakaalam.

Gusto ng tumulo ng luha ko pero pinipigilan ko dahil agad kong naisip na baka masira ang make-up ko. Paano na lang pag dumating na si Vin? Ayokong maging pangit sa paningin niya.

"Anak are you okay? Wala pa ang mapapangasawa mo eh, are you sure gusto mo pang ituloy itong kasal?" nag-aalalang tanong ni Mommy ng lumapit siya sa gilid ng kotse kung saan ako nakasakay. Ayokong bumaba hanggat wala pa si Vin, kailangan magmukha parin akong prinsesa na hinihintay ng prinsepe ko sa harap ng altar.

"Anong hindi tuloy?!" kinabahan ako sa biglang pagsigaw ni Dad. Sa lahat ng tao dito kay Dad ako pinaka natatakot at sa mga pwede niyang gawin.

"Dad relax, ako nga relax lang eh." pilit kong pinasigla ang boses ko para hindi siya lalo mag-alala.

"Anak hindi ko gusto itong ginagawa ng mapapangasawa mo sayo ha. Hindi pa kayo kasal ay pinaghihintay ka na ng ganito katagal paano pa pag kasal na kayo?!" pigil ang galit na sabi ni Dad.

"Dad.." napapikit ako gusto ko na talagang umiyak sa mga oras na 'to. Pero ayokong maging emosyonal mamaya na lang ako iiyak kapag hindi talaga ako sinipot ni Vin.

Pero sana sumipot siya.

"Kami nga ng mga kuya mo hindi ka namin magawang tiisin tapos ang lalaking yan nagagawa kang paghintayin? This is so stupid Elie! Kung hindi ko lang inaalala ang mararamdaman mo matagal na siyang pinaglalamayan ngayon." mariing wika ni Dad. Ito ang pinaka ayaw ko sa lahat ang magbitaw ng ganitong salita si Dad dahil alam ko na kaya niya iyong gawin.

"Honey baka may makirinig sayo" pag-aalo ni Mommy. Parang nahimasmasan naman si Dad.

"Stop worrying Dad, baka na traffic lang si Vin.Hintayin pa po natin siya, please?" nagmamaka awa ang tinig ko. Kahit gumabi na maghihintay pa din ako.

"Siguraduhin lang ng lalaking yan dahil oras na tinakbuhan ka niya kahit nakatago pa siya sa saya ng nanay niya papatayin ko siya!" maawtoridad na wika ni Dad. Bakas ang galit sa tinig niya at alam kong kapag ganoon ay seryoso siya. Francisco Cristobal, my Dad is a powerful businessman, kilala ang pamilya namin dahil sa kanya. His name cries power at isa siguro iyon sa dahilan kung bakit napapayag kong pakasalan ako ni Vincent. Natatakot siya sa maaring gawin ng Daddy ko sa pamilya nila.

Mayaman naman ang mga Villarde subalit kayang-kayang silang pabagsakin ni Dad sa isang pitik lang ng mga daliri nito.

"Dad,please.." pagsusumamo ko pa. Alam kong kahit gaano ka tigas ang personalidad ni Daddy mahina pa din siya pagdating sa amin..lalo na sa akin na nag-iisang anak niyang babae.

PAIN IN MY HEART (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon