[2] Laguna Roadtrip && Unexpected Person

6 1 0
                                    


Chapter 2

Ellie's PoV

Bago kami dumiretso ng Laguna dumaan muna kami sa isang Mall para bumili ng mga kailangan namin sa roadtrip.
Kung anu-ano ang pinagbibili namin since hindi naman ako ang gagastos kinuha ko na ang mga kakailanganin ko, clothes, undies, bra, toothbrush, shampoo, conditioner, mouthwash at kung anu-ano pa Fearl don't mind.

"Are you guys okay?" Nakuha nyo na ba lahat ng kailangan nyo? Baka may nakalimutan pa kayo isipin nyo na habang di pa tayo nakakalabas ng mall. Fearl reminds us.

"I'm fine, all i need is settled. How about you Jen?" I asked.

"Yes, i'm ready." Jen replied.

"Okay, so let's go then." Yaya nito.

2hours has passed nang makarating kami sa Hotspring Resort sa Pansol Laguna, hindi naman kasi masyadong traffic dahil linggo.

Nag-accomodate kami ng room na may 3 kama, may cr at may dining area, para lang kaming nasa bahay.

Nagbihis kami ng swimsuit but not really that swimsuit na iniisip nyo. Jenny and Fearl are wearing bikini bra and short-shorts, ako? Nakabikini bra din pero pinatungan ko ng off shoulder hanging t-shirt naku di ko kayang lumabas nang nakabra noh unlike them susme gusto pa nga nilang hubarin ang mga shorts nila dahil sayang daw ang undies nila kung hindi irarampa, todo pigil lang ako. May hubog naman ang mga katawan nila kaya lang nahihiya lang talaga ko para sa kanila baka mamaya mabastos pa sila.

"Wow! So pretty." We mesmerized by the scenery. Hotspring with the jungle ambiance so cool! Para lang kaming nasa gitna ng gubat.

Lumusong na kami sa hotspring at grabe sobrang nakakarelax parang nakakawala ng badbives ang magbabad dito.

"Let's take a groufie mga sissy's." Fearl said, every moment ganyan sya puro taking pictures. Sa bagay she had a good hands naman in taking pictures e mapacellphone man yan o high-end camera's nabanggit nga nya minsan na balak nyang kumuha ng photography session when she had time.

She takes lots of pictures of us pangremembrance daw. Nagchichikahan lang kami while having our relaxation routines. habang nakababad sa spring. While we're in the midst of kwentuhan may napansin akong isang guy sa di kalayuan, he looks so familiar kaya tinitigan ko sya at di pa ko nakuntento at lumapit pa ko ng konti.

"Is't true? I can see him here in this place?" Malaking tanong ngayon yan ng utak ko, hindi kaya kamukha nya lang at pinagkakamalan ko lang. Shocks! kinakabahan ako pero hindi eh kahit nakapikit sya at dinadama ang init ng tubig kilala ko lahat ng facial features nya lalo na ang mga mata at labi nya.

I decided to ask my sissy's kung totoo ba ang nakikita ko or hallucination ko lang ba 'to.

"Something bothering you?" Tanong ni Jenny, naunahan na nya ko magsalita.

"Sissy's may itatanong ako sainyo take it seriously ha walang halong biro." Humugot muna ko ng malakas na buntong-hininga bago magsalita.

"Look at that guy. Sabay turo dun.
What do you think of him?." Shocks hindi ko kayang diretsuhin, feeling ko mamatay ako sa kinalalagyan ko kapag nalaman kong nandito sya at sya yang lalaking tinititigan ko.

"Hmm... I think nagdadalaga kana sis, sus kung hindi ka pa namin dinala dito hindi ka pa makakakita ng isang lalaki. Are you interested?." Loko 'to si Jenny ah sabi ko seryoso e.

"Sis seryoso, hindi ba sya pamilyar sa inyo? Look at him."
( Me )

"He's cute kahit na nakapikit sya ang tangos ng ilong oh at makinis ang balat." ( Fearl )

The Fangirl's Obsession ( On Going ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon