He hold my hands

5 1 0
                                    

  Chapter 4

Ellie's PoV


Nashock pa din ako sa naganap kahit na kumakain kami ngayon ay naaalala ko pa din ang mukha nya.

Totoo nga ba talagang nangyari yun? Hindi ako makapaniwala pero ang mga siraulo ko ng mga kaibigan ang nagsabi at nagpatotoo which means na nandito talaga sya, so anytime soon magkikita at magkikita pa din kami.




"Sis, ubusin mo na yang pagkain mo kanina mo pa pinaglalaruan yan ha. Ano bang nangyayari sayo?." Nag-aalalang tanong ni Jen.




"She's shocked okay. Normal feeling lang yan kaya wag OA ha hindi yan nakakamatay." Pagtatanggol ni Fearl sa emote ko.




I feel guilty kasi pati sila nag-aalala na sakin kaya naman inubos ko na ang pagkain ko at sumunod na sa kanila.

Hinanap namin kung nasaan ang zipline dahil yun ang gusto nilang unahing gawin. Gusto daw nilang maranasang lumipad at siyempre ako din makakatulong din sakin yun para marelease ko ang emotions ko through that.

Umakyat kami nang pagkataas-taas para makapagzip line. Sabay sila Jen and Fearl kaya naman nahuli ako. Loko talaga 'tong mga 'to palagi na lang silang ganyan alam naman nilang may fear of heights ako wala man lang moral support.

Kahit na natatakot ako na baka mahulog ako o maputol ang line e gusto ko pa din subukan.

My sissy's reached the other station of zip line kaya naman turn ko na. Akala ko ako lang mag-isa ang tatawid pero may kasabay pala ko. Nakapikit lang ako habang idinudugtong ang tali sa suit na isinuot sakin kanina.




"Ready na po kayo ma'am." Tanong ng isa sa mga manong na nag-aassist samin.


Pinaliwanag ulit nya ang mga dapat kong gawin while doing the adventure kung paano ang dapat na posisyon ko, wag malikot dapat steady lang habang nasa line. Sinabi na nya yan kanina pero inulit nya lang for the safety baka daw kasi nakalimutan ko sa sobrang kaba.

Halata bang nangangatog ang tuhod ko na anytime magbaback-out ako. Kasi halos lahat ng mga crew dun tsini-cheer ako.

Sa kabilang station tsini-cheer din ako nila Sissy pero di ko masyadong marinig kasi mataas ang place namin at malayo sila.




"Makatawid lang ako yari talaga kayo sakin." sa loob-loob ko.






"In the count of 3 itutulak na po namin kayo. Ready ma'am?." Paalala nya.






"Ready na po!." Sigaw ko habang nakapikit pa din.






"Ma'am baka gusto nyong dumilat para naman makita nyo ang view sayang naman kasi kung nakapikit lang kayo. Kaya nyo yan ma'am isigaw nyo lang para mawala ang kaba nyo." Cheer ni manong sakin. In fairness ha ang babait ng mga tao dito sana sa lahat ng adventure dito ganyan din ang mga crew.




Ginawa ko na lang ang sinabi nya. Dumilat ako tapos tingin-tingin sa paligid. Laking gulat ko kung sino ang kasabay kong magzip line.




Gusto kong magback out. Hindi ko kaya ang ganigong scenery. My gosh nakangiti pa sya sakin feeling ko mawawalan ako ng malay hindi dahil sa gagawin ko kundi dahil kasama ko sya.






"Feel the air." Sabi nya habang nakangiti.


Totoo ba 'to? Kinausap nya ko.






"In 3, 2, 1." Syang pagtulak at pagbitaw sakin. Anak ng.. di na ko nakapagreklamo.






"Waaaahhh !!!!!." Sigaw ko. Di ko kaya napapikit na lang ako.

The Fangirl's Obsession ( On Going ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon