Chapter 6
Kyu's PoV
Ang ganda ng view mula dito sa taas. At ang ganda din ng tinitignan ko. Ano 'to? Naattract ba 'ko sa kanya? Ito ba yung tinatawag na love at first sight? Kasi nung una pa lang na nakita ko sya na-amaze agad ako sa kanya kakaiba sya. Shy type pero halatang kinikilig dahil sa starry eyes nya, sa mga maninipis na labi na laging nakangiti sa tuwing magkakaharap kami. Later i realized masarap syang kasama, sya yung tipo na kahit umiiyak e maganda pa din napakasimple. Hindi tulad ng ibang mga babae.
Ang view ngayon?
Ito pinagmamasdan sya habang nakangiti sa langit. Ang peaceful ng mukha nya na parang kahit titigan mo lang sya eh magiging ayos ka na.
Hindi ko namalayang kinukuhanan ko na pala sya ng litrato through my phone kung hindi pa sya lumingon sakin. Agad kong itinago sa bulsa ng pants ko ang cellphone ko.
"Ang ganda noh? Sobrang Wow!!." Nakangiti nyang tanong.
"Yeah. Maganda nga. Ang ganda mo." Wala sa isip kong sabi. Kaya itong mga kaibigan nya tinukso kami. Tss... Bakit ba kasi nasabi ko yun?
- - - - -
Ellie's PoV
"Yeah. Maganda nga. Ang ganda mo." Ano yun? Maganda daw ako? Pwedeng kiligin.... Ngayon na sa harap nya?!.
A few seconds later ay bigla na lang naghiyawan ang mga sira ulo kong kaibigan. They teased us dahil sa sinabi ni Kyu, narinig pala nila yun. Mga tenga talaga ng tsismosa lakas ng radar.
"I just explaining the true beauty. Bakit mo naman sasabihing maganda ang isang bagay kung hindi naman talaga, diba?." Kyu said while scrubbing his head. Halatang nagpapalusot.
"I'm so happy to the both of you bagay kayo together." Jen's teasing words.
"Really!
An idol and a diehard fan. So unique!." Si Fearl naman kung kiligin ang arte.Oxygen please! Mukhang nagugustuhan ko ang eksena ha. Oo medyo napapahiya ako sa kanya pero nakakatuwa kasi mukhang gusto nya din.
I break the teasing session of Jen and Fearl. Nakakahiya na kasi kay Kyu baka isipin nya feeling close kami sa kanya.
"Stop it girls. Gutom lang yan! Ano? Baka naman gusto nyo nang bumaba since tapos na ang sunset at madalim na." Actually, maliwanag naman dito. May mga nagkacamping nga e kasi nagtatayo sila ng tent. I mean to say e gabi na.
"Yes, she's right. Let's go down na to eat dinner. We are tired so we need to re-energize." Kyu's agreed. Buti sinakyan nya. Ramdam nya din yata ang nararamdaman ko e.
"Okay, if you say so Couple!." Jen's mentioning the word "couple" with the K.
Nakakahiya talaga 'tong mga kaibigan ko.
"Oh sya tama na yan. Bumaba na tayo. Medyo napagod na din ako, gusto ko nang kumain." Si Fearl, ang lakas magyaya palibhasa kahit anong kain e hindi tumataba. Unfair!
"Ikaw, patay gutom ka talaga! Remember 2pm na tayo naglunch at 6:32 pm pa lang ngayon. It means 4 and half hours pa lang ang lumipas gutom ka na agad. Grabe sis. (Nagpapalusot lang ako kinagat mo naman)" Oh my words. Sana hindi sya maturn off.
BINABASA MO ANG
The Fangirl's Obsession ( On Going )
Fiksi PenggemarFangirl/Fanboy ka ba ? Nino ? Kahit kanino ... Friends,Artist,Singer,Player,Pinoy man o Chinisse,Japanese,American even Korean. Nowadays mostly Korean fan na lalo sa mga teenagers kahit nga matanda e humahabol pa sa pagiging fanatic :) Eh kamusta na...