[9] The Concert 💃🎤 pt. 1

0 0 0
                                    


Chapter 9

Ellie's PoV

1 am pero heto ako at gising na gising pa. Hindi ako mapakali at makatulog dahil sa nabalitaan ko, mabuti na lang at hapon pa ang pasok ko bukas.

Knows nyo ba kung bakit?
Eto lang naman yun.

Flashback.

One coffee break.

"Ma'am! Nabalitaan nyo na po ba?!." - Sigaw Lea ang isa sa team ko at the same time friend ko.

"Hey! Don't shout. Excited much?." - I commented.

Mukhang hindi bad news ang dala nya dahil nakangiti sya at nakakuyom ang cellphone sa mga kamay parang may matagal ng gustong bilhin at ngayon ay mabibili na nya.

"Sorry ma'am. Na-excite lang."
Hinging paumanhin nito. Ma'am ang tawag nya sakin kasi nasa office kami.

"Ano ba kasi yun?." - me.

"Do you heard the news?."
Tss. Pabitin pa.

I just look at her as a sign na wala akong idea sa tanong nya.

She offered her phone to me kaya kinuha ko iyon at tinignan.

SuperJunior official twitter acc. posted the upcoming concert of Suju and Yesung retwitted it.

Same as Lea's reacted ganun din ang nafeel ko. Nagtatalon pa ko ah panu ba naman hindi lang basta concert yun.

"Philippines's Elves!
Watch out for the upcoming Special Concert Event of Superjunior. The Super Show 9 (SS9) in MoA Concert Ground this coming 25'th of May 20l8 at 7 O'Clock in the evening.
See you there Elve's!!."

Yan ang post.

Kung kanina si Lea lang ang excited ngayon pati ako na!

"Ma'am punta tayo ah!."
Si Lea.

"Naman! May ipon na ko eh."
Ako.

5 minutes left pa bago ang resume namin kaya in-open ko ang IG acc. Ko to double check nagpopost din kasi sila dun even the other members na walang twitter acc. pero may IG naman. And yes! That's official wala ng atrasan.

End of flashback.

Tinignan ko ang savings ko at natuwa ako dahil medyo malaki-laki na ang laman nun at afford ko na ang VVIP ticket kung magkano man yun. Yes! Gagastos ako ng malaki para lang sa SJ Concert na yan, sino ba namang fan ang hindi kung sulit na sulit naman diba except sa mga walang-wala talaga. And that's one of my goal this year ang makapanood ng concert nila kahit saan pa yan sa asia pupuntahan ko basta sakto sa budget ko at ang swerte nga naman kasi hindi na ko gagastos sa pagtravel kasi tadhana na ang gumagawa ng paraan para sila ang lumapit sakin. Hehe feeling 😊.

Hindi ko alam kung anong oras na ko nakatulog basta paggising ko tanghalian na at yakap-yakap ko ang personalize na unan na limited edition ng SJ merchandise. Padala pa 'to ni Fearl galing Korea nung SS8 concert nila doon at hindi lang ito ha may kasama pang iba at nakatago yun sa istante na binili ko for SJ's souvenirs only. Tanging unan at earpice lang ang ginagamit ko. Inggit na inggit nga ang iba kong kawork na slightly hooked sa SJ eh, minsan nga hinihiram pa nila ang earpiece ko pero syempre hindi ko pinapahiram yun kasi nga diba sakin yun at ako lang ang may karapatang gumamit nun. Sabihin na nilang madamot ako pero syempre ang mahal kaya nun at limited edition lang yun pano kung masira diba? Wala na kong makukuhanan nun.

The Fangirl's Obsession ( On Going ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon