Two

3 0 0
                                    

"Bakit mo ko hinila?! Gago ka ba?! Muntik na kaya akong masaludsod!"

"You're welcome."

Fine, nakalimutan ko mag thanks. Dahil sa kanya, di ako nakatayo ng 1 ½ hours dahil sa kanya pero, muntik nya nang ma damage ang maganda kong mukha!

"Fine, thanks."

"No worries."

"Pero bakit mo nga ako hinila?"

"Wala, trip ko lang."

Tinignan ko sya. Hindi ko mabasa ang pagmumuka nya. Naka ngiti sya. Ganito ba lagi 'to? Nakangiti? Di ko alam kung asar o anuman sya.

AWKWARD SILENCE.

Yan ang bumabalot saming dalawa. Wala akong maisip na topic para pag-usapan. Ewan ko sa kanya, nakatingin lang sya sa bintana. Pinapanuod yung pag galaw ng kalsada.

"Miss, tabi ka saken oh."

Tumingin ako sa tabing upuan ng kinauupuan namin ni Rade. May lalake dun, parang tambay tapos bigla syang kumindat. Ew.

Inalis ko tingin ko kay manong at nag headset nalang. Pumikit ako. Hello. Kinilabutan kayaa ako. ANG PANGET NYA.

Nakatulog ata ako pero mga 2 minutes lang. Nagising kasi agad ako kasi bigla nalang akong hinatak nitong si Rade pababa. Napansin ko yung tambay na panget, mejo galit ang itsura.

"HOY! TANGINA MO! BUMALIK KA DITO! DUWAG!"

Ano daw? Bat nya kami minumura? Este si Rade lang pala.

"ULUL! PAKYU KA!"

Pagbaba namin ng bus, tinanong ko agad si Rade. Kelangang maliwanagan ng isip kong maganda.

"Anong nangyare?"

Hindi ako sinasagot nitong si Rade. Ewan ko kung bakit. Ano bang problema nito?

"RADE!"

"ANO?!" Nagulat ako. 'Bat nya ko sinisigawan? Abnoy ata 'to eh! Kakakilala lang naming tapos ganito sya?

"Psh!" Sabi ko at umalis. Nag walk-out na ako. Nakakaasar eh.

Nandito nanaman ako sa bus stop. Nag-aantay ng bus pauwi. Napababa kasi ako ng wala sa oras eh. Pahila hila pa kasi yung mokong na yun. Haaay.

-Beep-

May nagtext, sino kaya? Konti lang naman may alam ng number ko eh. Mga 10 lang siguro ang may alam, except sa pamilya ko. Anti-social ako eh.

From: Aya
Hey, ayos ka lang?

Malamang? Wala namang nangyaring masama ah. Meron nga ba? And oh yeah, Aya is my friend. Duh? Kahit bitch ako, may kaibigan ako. And I'm thankful for that dahil may nakakatiis ng ugali ko.

To: Aya
Oo naman. Why?

From: Aya
Nakita kasi kita kanina sa bus. Binastos ka nung tambay pero deadma ka pero yung kasama mo, hinde. Sinapak nya yung
tambay, ayun. Bumaba na kayo.

Once A Bitch [FINISH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon