"I miss you. I love you still."
No. Wag naman sana sya. Masyado lang masakit pag bumalik 'sya. Lalo na ngayon, na nagsisimula na ulit na tumibok ang puso ko. Yes, I'm already falling for someone na hindi ko naman alam na mahuhulog ako. Kung kelan bumabalik na ang dating Tian. Ang dating ako.
Nag exit nalang ako sa blog. Hindi nag post ng kahit anong bago. Wala. Ang ginawa ko? Nag Facebook nalang.
Mayroong 10 new friend requests. 'Di ko na sana papansinin kaso nakita kong 10. Eh kahapon kasi, 9 lang 'to. Sino kaya yung bago? Pag click ko, ayun na. Nakita ko ang pangalan niya.
Dart Axel Fordon....
Mahal ko parin ba sya? Eh sya ba, mahal parin nya ba ako?
Dart Axel Fordon. Ang first love ko, pero hindi first boyfriend. Parehas kami noon na nag aaral sa iisang school. Una, magka-away kami. Pero isang araw, nakita 'nya kong umiiyak sa stage kaya lumapit sya.
Umiiyak kasi ako nun dahil nag kaaway kami ni Aya.
"Oh. Ito panyo. Ang ganda mo tapos umiiyak ka." Tapos inabot nya yung panyo nya sakin nun. Kinuha ko agad.
Ang bango.
Hindi amoy pabango, amoy fresh. Hindi masakit sa ilong. Basta, ang bango. 'Di ko ma-explain.
"Thank you." Tapos nag smile ako sa kanya. Then he smile back.
"Ally. Sorry, mali ako." Dumating naman bigla si Aya. Nag nod lang ako sa kanya tapos bati na ulit kami.
"Oh. Okay na kayo. Wag ka ng iiyak ah? Gusto ko ako lang magpapa iyak sayo." Ang kapal ng muka nya no?
Oo, mayabang yan. Pero simula nun, hindi na kami magka-away. Nagka gusto ako sa kanya pero palihim. Naging magkaibigan kaming dalawa. 'Sya yung pinaka close na lalaki sakin nuon. Pero nagkaron ako ng boyfriend, si Jasper. Wala, pinatulan ko lang 'sya. Tumagal kami ng 3 months nun. Medyo napamahal din 'sya sakin kaya nung nag break kami, umiyak din ako.
"Sabi ko naman sayo, gusto ko ako lang magpapaiyak sayo diba?" Sabi nya sabay akbay sakin. Siniko ko'sya pero niyakap nya ako nun. Tandang tanda ko yung sinabi nya. "Ako nalang." Habang nakayakap sya sakin at umiiyak. Nagtapat sya ng totoong nararamdaman nya sakin nung araw na yon.
At doon, nagsimula ang love story naming dalawa. 'Sya yung first kiss ko. 'Sya yung kasama ko sa prom. 'Sya yung escort ko sa debut ko.
"I love you, hun."
"I love you too, babe."
Ganyan kami lagi, pag monthsary naman namin, lagi kaming kumakain sa labas. Mapa fishball man yan or fancy restaurant. Basta kumakain kami lagi sa labas. Pero ang first anniversay namin? Winner. Duon ako naiyak.
Naka blindfold ako nuon, di ko alam kung saan nya ako dadalhin pero ang alam ko, masaya ako. Nag lakad lang kaming dalawa. Hawak nya ang kamay ko. Nakangiti ako pero ang tahimik nya.
Pag alis nya ng blindfold, nanduon kami sa stage. Kung saan kami naging magkaibigan. May mga nag va-violin noon. Ang
ganda. Ang ganda ganda. Naiyak ako, hindi luha ng lungkot kundi, tears of joy."Alam mo 'to?" Sabi 'nya sakin. Nag nod ako, literal na speechless ako nuon. Talagang walang words na masabi ang bibig ko.
"Alam mo, dati palang, gusto na kita. Kaso wala akong alam na way kung pano mapapalapit sayo. Kaya naging magkaaway tayo. Tanda mo pa? Nakakatuwa nga eh. Thankful ako kasi nagkaaway kayo ni Aya noon. Oo, aaminin ko. Kasi yun yung dahilan kung bakit naalok ko sayo yung panyo ko eh. Dun nagsimula ang lahat. Nung nagbreak kayo ni Jasper? Natuwa din ako. Hindi dahil nasaktan ka, pero dahil dun, nagkaron ako ng pagkakataong masabi sayo kung ano talaga ang gusto kong sabihin. Nagkaron ako ng pagkakataong sabihin sayong gusto kitang alagaan. At dahil nga dun, andito ka ngayon. Sa harap ko at minamahal narin ako."

BINABASA MO ANG
Once A Bitch [FINISH]
RomanceI am a bitch. The biggest and bitchiest of them all. No one wants to argue with me 'cause they know they'll just get in trouble. I know, everybody hates me secretly. They all have bad things to say about me. Well, what can I do? I'm a bitch. Are you...