Ten

4 0 0
                                    

Si Rade. Hinahalikan si Giezel, ang babaeng ex nya. Teka lang, nililigawan ako ni Seph ha? Nililigawan. Tapos makikipag
halikan sya sa iba? Ang gulo.

Hinila ko na si Tian, tapos umalis na kami. Dinala ko 'sya sa may bench na tambayan namin ni Aya.

Hindi ko pa din talaga ma gets eh. Bakit nya biglang hinalikan si Giezel? Dahil ba nakita nya ito at narealise na mahal nya pa si Giezel? Kaya hinalikan nya to? O baka naging horny sya kaya ganun? Eh muka naman syang bakla! Magsama nga sila!

"Oh, bakit ka umiiyak?" Ha? Umiiyak na ba ako?

"Ha? Napuwing lang 'to no!" Sabi ko sabay punas ng luha. Bakit ako iiyak? Bakit ko sya iiyakan? Pero... ang sakit eh.

"Nako, sino niloko mo? Halika nga dito." Sabay yakap nya sakin. Tapos... dun na ko nag break down. Dun na ako umiyak. Ang sakit.

"Mahal ko na, Dart eh. Ang sakit pala. " Tapos hinigpitan nya pa yung yakap.

"Sasagutin ko na sana sya ngayon eh. Mamaya. Kaso..."

"Edi wala na pala akong pag asa?" Tinignan ko si Dart nun, nagulat ako eh. Seryoso sya.

"Ako nalang kasi. Ako nalang ulit. hinding hindi kita sasaktan. Promise ko yan sayo... Sana ako nalang ulit, Tian. Nagkamali ako nun eh. Akin ka nalang ulit. Sige na..." Bulong nya sakin. Pag tingin ko, may luha na sa mga mata nya.

Alam kong mali to pero....

"Meron. May pagasa ka kasi sinasagot na kita Dart Axel Fordon..."

Oo. Sinagot ko si Dart. Hindi ko alam. Sa dahil mahal ko si Rade. Gusto kong ipakita sakanya na wala na akong pake sakanya. Dun na sya sa Giezel nya.




































Okay, 2 weeks na kami ni Dart. Two weeks na bago. 2 weeks simula nung sinagot ko sya. Pero kung isasama mo yung dati, 1 year, 3 months, and 3 weeks na kami. O diba? Alam na alam ko? Sinabi lang sakin ni Dart yan. Hindi nya daw kasi nakalimutan.

Si Rade? Ayun. Bahala na sya. Di na nya kasi ako kinausap simula nun. Pero namimiss ko sya eh... Sobra.

Alam kong mali to pero nasabi ko na eh at wala ng atrasan...

"Uy, Dart! Tian! Anong--- Bakit ka umiiyak Tian?" Sabi ni Rade habang tumatakbo sa pwesto namin. Kung magtanong sya akala nya walang nangyari.

"Ha? Ah...Wala 'to. Ano kase...Ah..."

"Ano, kami na 'pre."

Nagbago ang mukha ni Rade nun eh. Tapos nag smile sya, yung pilit. Sabay sabing

"Ah ganun ba? Sige congrats." Sabay alis. Pag tapos nun? Di na namin sya nakasama ulit.

Nako, yung mokong na yun. Nakakamiss. Kasi hindi lang pag sama ang nawala. Akala mo nagka amnesia eh.

Hindi kami pinapansin. Minsan ang sarap sampalin eh. Kasi talagang wala. Tapos lagi nya pang kasama yung malanding baklang yun...































Naglalakad kami ni Dart nuon sa may cafeteria. Nakita namin sila Rade kasama ang tropa nya tapos kasama yung clown na bading.

"Hey, Rade! You're so hot talaga!" Sabi ni Giezel malandi then she clung her arms into his.

"Tigilan mo ko. Malandi. Sabi na sayo, diba? Di pa kita sinasagot!" Sabay alis ng braso ni Giezel. Kitams? Si Giezel ang nanliligaw kay Rade ko!

Oo kami ni Dart pero ang mahal ko si Rade. Ewan. Hindi ko narin alam bakit ganito ang nangyari.












Nandito pala ako ngayon sa library. Nag aantay kay Dart, ang tagal nya eh. Dito kasi kami madalas ngayon tumambay. Mag basa? Hindi no. Para mag palamig, may aircon eh.

"Hoy! Kanina pa kita hinahanap!" Teka, si Tian na ata to? Nako. Masasapak ko to eh. Ang tagal!

Pagtalikod ko, hindi pala.

"S-sorry. Akala ko si Giezel eh.."

Si Rade. Nandito sa harap ko, nakatayo. Anong gagawin ko? At ano daw ang sabi? Akala nya si Giezel ako? Ang kapal ng mukha! Mas maganda ako dun, duh.

"Giezel ka jan. Ayos ka lang? Bahala ka dyan!" Sabi ko at mag wo-walk out na. Oo. Duwag ako eh. Hindi ko kasi alam ang sasabihin. Ano? Sasabihin ko na akin nalang 'sya? Kasi mahal ko sya? NO WAY! At tska may Dart na ko eh. Parang ang unfair naman diba?

"Teka sandali." Sabi nya sabay hatak sa braso ko.

"Usap tayo..."

"Ganon? Matapos mo akong snob- snobin, ngayon gusto mo kong makausap? Ano ka ba Rade? Ano bang nangyari sayo?
Bakit ka ba nagbago? Wala naman akong ginagawang masama ah. Tapos bigla ka nalang aarte ng ganyan?" Hindi ba totoo naman? Kung umakto sya akala mo nasasaktan eh ako nga ang mas nasasaktan sa ginawa nya!

"Para naman tayong walang pinagsamahan eh." Tapos kumalas na ko sa kamay nya. Wala eh. Nasabi ko na. Pero hindi lahat. Hindi ko pa nasabing......

"Mahal kita eh." Tapos yumakap sya sakin. Yung patalikod ba. Ano daw? MAHAL?

"Oo, Tian. Mahal kita eh. Nung nalaman kong bigla mong sinagot si Dart, medyo gumuho mundo ko eh. Alam mo yun? May
plano sana akong ayain ka nun sa labas eh. Ililibre kita. Mag de-date tayo. Yun eh, kaso bigla mo nga syang sinagot. Nakaka asar eh. Alam mo yun? Sayang Tian eh. Sayang. Tapos nung umalis ka? Tapos nakipag date? Ang sakit nun. Mahal kita eh. Hanggang ngayon."

"Mahal din naman kita Dart eh. Kaso..."

















"So ganito pala."










Si Dart..

"Dart? Bakit ka nandito? Kanina ka pa ba dyan?" Tanong ko.

"Mahal mo 'sya?" Tanong nya sakin.

"Dart, look. You misunderstood the situation."

"MAHAL MO SYA?"

"Rade where are y-- What the hell is happening here?!" Biglang singit ni Giezel

"Wag ka ngang maingay jan, malandi ka!" Dart.

"Mahal mo ba si Rade?" Tanong ulit sakin ni Dart

"Oo! Pero mahal din naman kita ah!"

"MALANDI KA!" Sigaw bigla ni Giezel.

"Tumigil ka nga jan. Manahimik ka!" Galit na si Dart. Oo. Alam ko. Namumula na sya.


















"Si Rade ba o ako?"












A/N:
So akin na si Akihiro. Wahahahaha.

Once A Bitch [FINISH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon