Nine: Special Chapter

3 0 0
                                    

Dumaan ang mga araw, nakalabas na ng ospital si mama. Tapos sila Seph at Tian naman, bati na. Medyo close na nga sila eh. Hindi ko lang akalain na dahil lang sa basketball na hamunan na yun ay magiging okay din sila. Tapos, parehas silang nanliligaw ngayon. Aaminin ko, gusto ko na si Rade. Si Dart naman, gusto ko talaga. Ewan. Ang gulo talaga ng utak ko.

Tapos, eto naman si Akihito eh, may utang pa daw akong date sa kanya. Duh. Ang ganda ko lang sa kwento na to.

"You owe me a date "

"Anong date ka jan?! Eh kung hambalusin kaya kita??!!"

"Ah, bahala ka jan. Basta, you owe me a date. Bye." Tapos umalis na 'sya.

Lecheng Vendura na yun! Date?! Nako. Bakit ba ang malas ko?! Nakakabanas na ah.

Tanong nyo naman kung kelan ang date namin? NGAYON.









*tok tok*



Kasasabi ko lang, eto na 'sya. Pagbukas ko ng pinto...

TWO WORDS OKEH? ANG GWAPO. Ang nerd na prof ko, nako. Sobrang gwapo.

"Alam mo, ayos lang naman kung sabihin mong ang gwapo ko eh. Kesa titigan mo ko ng ganyan. "

"Saan mo ba nakukuha yang kakapalan ng mukha mo? Dali, san mo ba ko dadalin?"

"Trust me, di mo na kailangan malaman."

What?! Hindi ko na kailangan malaman? Ano daw? Gago yata to.

"So, halika na? Nag aantay na yun oh." Sabay turo sa baba.


SCOOTER!

"Ano? Tara na. Walang mangyayari sa kakatingin mo dyan." Sabi nya at bigla akong hinila.



























"WHOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!" Sigaw ko, habang nakaangkas sa scooter ni Akihiro.

Ewan ko kung pano nya alam na gusto ko ang mga scooter pero I don't care na. Basta ako? Masaya lang.

"Mabibingi ako sayo!" Sigaw nya. Hindi nya ata alam na talagang pangarap ko ang makasakay sa scooter. Ang sarap sarap lang talaga.

"Wala akong pake!" Sigaw ko pabalik, tapos nagsisisigaw pa.

"Hoy! Magtigil ka!" Sabi nya pa.

"Ano?! Aya-aya ka dyan tapos papatigilin mo ko? Ano ka? Boss?" Tapos nun, napatigil sya. Kala nya ah.


















Mga ten minutes pa siguro bago kami natigil. Dinala nya ako sa UP. Teka. Bakit nya ko dinala sa school?

"Wag mo sabihing mag aaral tayo?!" Sabi ko. Date nga eh, tapos nasa school?

"Hindi no! Pagod na din utak ko." Tapos nag nod ako. Akala ko mag aaral eh.

"Eh ano gagawin natin dito?"

"Well... I'll give you a one of a kind date. " One of a kind? Whattt!? Pano naman? Ano 'to? Anong plano nya? Ano na naman ba to Vendura ah?!

"Wag ka mag alala, okay? Di kita rereypin."

Tapos hinila na nya ako. Ang kapal talaga ng mukha nito. Dinala nya ako sa sidewalk tapos pinaupo ako, sya naman umalis saglit. Tatawagin ko sana kaso naalala ko yung sinabi nya kanina bago kami umalis.

Once A Bitch [FINISH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon