Six

8 0 0
                                    

Please, don't expect too much in this story. Thank you.









CHAPTER 6



[ RADE'S POV ]







Love? Anong love love dyan Giezel? Abnormal talaga 'tong babaeng 'to eh. Hanggang ngayon, hinahabol pa din ako?

Si Giezel Madrigal. Ang slut ng Dream Arthur. Ex girlfriend ko. Hindi ko naman 'sya ganun ka type eh. Talagang napag tripan ko lang. Nabalitaan ko kasing patay sakin ang bruha, kaya ayun. Niligawan ko, within 10 seconds, napasagot ko. Gwapo ko talaga.

Well, nakipag break na ako sa kanya last month. Tumagal kame ng 2 days. Eh bumigay na 'sya eh. Sus, tignan mo nga naman. Kung matinong babae ka ba, hahayaan mo bang ikama ka ng lalakeng halos 2 days mo palang na boyfriend? Masyadong easy-to-get. Pero hanggang ngayon, feeling nya, kami pa din. Oh diba? Ambisyosa?








Hindi ko nalang pinansin yung text nya. Di ko na sya po- problemahin. Di naman 'sya importante. Isa lang naman problema ko ngayon eh, yung puso ko.

Ang sakit pala pag narinig mo galing sa minamahal mo na, hanggang kaibigan nalang kayo. Well, wala naman 'syang sinabing ganun pero parang ganun na din yun, diba?

Oo, aaminin ko, nung una, wala lang. Gusto ko lang 'sya kausapin pero yung matapang, medyo inosente at kakaibang ugali nya yung nagpahulog sakin eh.

Tapos nalaman ko pang nag hirap sila dati pero tignan mo naman sya ngayon, ang ganda ganda at matapang pa din.

Basta, iba sya sa kanilang lahat.





"I'm not afraid, to take a chance..."




"Hello?" Sino naman kaya 'to? Gabi na, tumatawag pa.

"Hey, love." Tae, si Giezel lang pala.

"Anong love?! Love ka dyan! Tigilan mo na ko!"

"But bakit? I was good in bed, right?"

"What the hell, Giezel! Stop it! Leave me alone, you slut"

Sabay baba ng phone. Pinatay ko nalang din yun. Malamang, di naman nya ako tatantanan eh. Inistorbo nya yung pag-iisip ko. Ang sarap patayin nung babaeng yun. Napakalandi. Tignan nyo ah, kung maayos na babae ba 'sya, tatawagan nya ang phone ko para lang sabihin yung 'love love' na yun? Gawain ba ng matinong babae yun? Hindi diba? Basta ako, si Tian nalang...







Okay, napag isipan ko na. I'm gonna take my chance...






[ TIAN'S POV ]






Pagkagising ko, tinignan ko agad ang cellphone ko. Wala namang bagong message. Himala nga eh. Kasi, lagi nya akong tinetext. Kahit, 'huy' o kaya 'good night' lang, hindi lumalampas. Basta, lagi nya akong tinetext. Ano kayang nangyari dun?

Gosh Tian, tinatanong mo pa? Eh yung sinabi mo kaya kagabi, hindi ba masakit yun?

Okay, alam ko na ang problema nya. Malamang, kahit sunduin, hindi na rin nya gagawin. Hello, medyo masakit kaya yung ginawa ko.

Teka nga... Bakit ko ba kinakausap sarili ko?

Bwiset ka Rade! Nababaliw na ako.










Naligo na ako, kumain at naghanda sa pag alis. 7 palang kaya may oras pa ako manuod ng TV. Umupo ako dun sa may couch at nag simulang aliwin ang sarili ko sa panunuod ng 'Spongebob'. Naalala ko yung sinabi ni Rade kagabi. Masakit din para sakin. Alam mo yun? Nahuhulog na ako sa kanya eh, tapos sinabi nya ding 'I love you'. Pero natatakot ako... Natatakot na ako baka kagaya din siya ni Dart.

Once A Bitch [FINISH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon