EPILOGUE

8 0 0
                                    

After 4 years...














"Kritianne Ally Hara, with high honor."

Habang dahan dahan akong umaakyat ng stage ay inaalala ko ang mga karansan nangyari sakin sa school na to. Puno ng alalala. Napaaway, nakipaglandian, may lungkot, saya, exciting at kalokohan. Pero siguro isa lang ata ang tatak sakin dito...




"Congrats, Tian." Bati sakin ni Mono.

"Thanks

"Congrats nak, proud na proud ako sayo." Bati sakin ni Mama at sabay yakap.

"Salamat ma."

"Ahm, ehem?" Biglang singit na boses sa likod ko. Si Mama naman kung makangiti wagas.

Inayos ko muna ang sarili ko bago ko sya harapin...








"Congratulations, My Tian."

"Hahaha sira. Kung magaling ba naman ang teacher ko diba? Congrats satin." I smile at him full of love.

"Payakap nga dali" Sabi nya at bigla akong hinila para yakapin




"Oy sir ah. Ano si Tian lang babatiin mo?" Biglang singit ni Aya. Eto talagang si Aya, feeling ko singit na lang ang role nya dito eh.

"Edi congrats haha dun kana nga babe time muna namin ni Tian ko no!" Sabi ni Akihiro sabay pout.

Oo, tama nabasa nyo. Si Akihiro Vendura, ang kinaiinisan kong teacher ang kayakap ko ngayon. Nanliligaw pa lang sya pero alam naman namin dalawa na mahal namin ang isa't isa. Hinintay nya lang akong makagraduate dahil huminto pa ako ng isang taon.

"Edi kayo na hahaha. Kita na lang tayo mamaya bessy. Congrats."

"Sige. Salamat." Nakagraduate na kasi si Aya. Nandito lang sya kasi isa sya sa nag ayos ng venue.

"Ahm tito, tita, excuse me na muna po pero hihiramin ko lang si Tian saglit." Hindi pa man nakakasagot sila Mama pero bigla na akong hinila ni Akihiro at dinala sa likod ng school, sa garden.










"Bakit?" Pero imbes na sagutin nya ako ay hinawi nya ang mga buhok na nakaharang sa mukha ko..

"Gusto ko lang sabihin sayo na sa dami ng pinagdaan mo, proud na proud ako sayo. Bukod sa ako ang tutor mo habang nagaaral ka, pinakit mo sakin na matapang kang babae. Kaya siguro mahal kita, kakaiba ka kasi eh. Wala kang katulad." Sabi nga habang nakatingin sa mga mata ko.

"Mahal na mahal kita, Tian. At kaya kong maghintay kahit gaano pa katagal, hanggang sa maghilom yang mga sugat mo."

"Hindi mo naman na kasi kailangan maghintay kasi..... sinasagot na kita.."

Imbes na tumalon sya sa saya ay nginitian nya ako at hinalikan ng puno ng pagmamahal.
























Apat na taon na ang nakalipas. Si Aya? Successfull na manager na, meron na syang sariling hotel. Si Giezel? Nag migrate na sa ibang bansa. Dart? He already have a fiance. Nakilala nya yun 2 years ago after we break up. Okay naman kami, no hard feelings pero wala na kaming balita sakanya. Mas pinili nya na lang lumayo samin-sakin together with her fiance. At si Rade? H-he died..  4 years ago sa aksidenteng hinding hindi ko nalilimutan...




Ang aksidenteng nagbago ng buhay ko...

"Pumili ka, Tian! Sino ba talaga?" Sabi ni Dart. Sasabihin ko na eh, na si Rade ang pipiliin ko. Ayoko na magsunungaling, ayoko na lokohin ang sarili ko. Si Rade ang mahal ko. Kaso...

-BOOM-

Wala na kong natandaan. Basta ang alam ko, puro usok nun. May sumabog. Yung generator ata ng library kaya nagkaron ng malaking sunog. Puro usok. Lahat nasa apoy. Madaming estudyanteng nag sisigawan nun.

"Tulong!"

Lahat sila, humihingi ng tulong nuon. Ako? Wala. Nakita kong nasusunog nalang lahat. Nasa apoy lahat ng bagay, handa na akong mamatay nun eh. Sabi ko nga sa sarili ko, karma. Sa lahat ng kawalang yaang ginawa ko.

"Hanggang dito nalang siguro ako." Tapos pumikit na ko.

Pero nung namulat ako, nakita ko nasa ospital ako. Madaming nakapalibot sakin. Nagtaka nga ako nun eh. Bakit andami nila. Tapos yung iba, namumugto ang mata.

"Tian, anak...Wala na si..." Pero hindi ko pinatapos nun si mama. May hinahanap ako eh.

"Nasan na si Rade, ma? Nasan si Rade?" Wala sila eh. Sya ang wala dito.

"Uh...Yun nga eh." Sabi ni mama, sabay himas sa noo ko. Ano bang nangyayari?

"Wala na si Rade, nak. Niligtas ka nya, binuhat ka nya nun pero nabagsakan 'sya nung kahoy na may apoy. Tapos nakita ka
ni Akihiro at saka ka dinala sa labas." Gumuho ang mundo ko nun.

Bakit si Rade pa? Bakit nya ako niligtas? Bakit di nalang ako yung nawala? Ayun na eh. Kung bakit kasi may nangyari sunog pa edi sana kami ni Rade diba?! Nandito parin sya hanggang ngayon..

Pero noon yun.. Nagbago na ang lahat.

Nagbago ang ikot ng mundo ko dahil sa isang lalake na nagpabago ng buhay ko...











"Love, tara na? Kanina pa tayo hinihintay nila Tita sa bahay. Si Aya nasa kotse na. Let's go."  Si Akihiro.

Dahil sa insidente kailangan kong huminto ng pagaaral at nandun sya. Sabi nya, willing syang turuan ako para hindi na ako mahirapan pag pumasok ulit, mag aadvance review kami kaya nga High Honor ang nakuha ko. Kaya habang nagpapagaling ako sa hospital palagi syang nandun, isang gabi nun inamin nya sakin na gusto nya ako at willing syang maghintay. Kaya nga lumipat sya ng school para lang maging okay ang takbo ng relasyon namin at ang panliligaw nya. Nakwento ko rin sakanya lahat lahat, tungkol kay Rade at Dart.

At habang nagpapagaling ako, ni anino Dart wala akong nakita. Nabalitaan ko na lang na may fiancee na sya kay Aya pero after nun hindi ko na sya nakita. Hanggang sa gumaling at naging okay ako palaging nasa tabi ko si Akihiro kaya nga napamahal nadin ako sakanya. At kay Rade? Nakamove on na ako. Tanggap ko na ang lahat.

"Love! Let's go!"

"Okay. I'm comming!"

Bago ako tuluyan umalis, sa huling pagkakataon ay tinignan ko ang puntod nya.


R I P
Rade Alan Austria
20** - 20**


Thanks for everything, babes... Until we meet again. I miss you.

At tuluyan na akong umalis bago pa tumulo ang luha ko...


Ako si Kritianne Ally Hara. Ang bitch. Graduate ng college. Nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli. At dito na nagtatapos
ang kwento ng pagiging bitch ko dahil magsisimula ulit ako ng bagong buhay, panibagong takbo kasama ang mga mahahalagang tao sa buhay ko lalong lalo na si Akihiro pero hindi pa dito nagtatapos ang lahat dahil for once in my life.... I'm Once a bitch.















END.






A/N
Salamat sumuporta ng kwentong ito hanggang dulo. Mahal ko kayo. Please read my next story, Titled; That Thing Called Pagibig. See you in my next story!

Once A Bitch [FINISH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon