[ RADE'S POV ]
Maaga ako nagising, mga 5 siguro. Excited kaya ako. Ngayon kasi yung araw na dapat magtatapat ako. Kaso, hindi natuloy eh.
"Ang tagal naman lumabas nung babaeng yun, san na kaya nag punta?" Sabi ko sa sarili ko habang nag aantay sa labas ng pinto ng bahay ni Tian. Anong oras na, dapat lumabas na yun.
Nako, wrong timing naman 'tong pantog ko oh. Teka't maka jingle bells nga muna. Tutal baka mamaya pa yun lumabas. Tapos, lumakad ako papunta sa may puno sa may tabi ng bahay nila Tian. May malaking puno kasi dun kaya pwede na. Alangan umuwi pa ko, diba? Wag din kayo mag alala. Nag tabi tabi po ako kaya di ako manununo.
Pagtapos ko, bumalik na ko pero nakita ko si Tian na naglalakad na. Ambilis talaga nitong babaeng 'to. Sinundan ko lang 'sya. Sige, sunod sunod. Ilang beses 'syang tumalikod, siguro naramdaman 'nyang may sumusunod sa kanya. Ang balak ko sana, sasabayan ko nalang 'sya tapos tsaka ko sasabihing wala na kong pake kahit ano sabihin nya, basta gusto ko lang sabihin.
"Ikaw. Kung sino ka man, lumabas ka na. Alam mo bang naiirita na ko sa'yo?"
Lalabas na sana ako kaso biglang may lalakeng umeksena eh. Hindi ko marinig yung pinag uusapan nila pero niyakap nya si Tian.
Okay? Sino ba 'to? Sino? Kahit hindi ko sila naririnig, sinundan ko sila. Nagpunta sila sa park. Oo, nakikita ko sila ng dalawang mata ko pero hindi ko sila marinig. Hindi ko marinig. Pero ang nakita ko...
Niyakap nanaman 'sya nung lalake. Niyakap nanaman nung lalake yung babaeng mahal ko.
"Before he comes back."
Teka, 'sya ba yung tinutukoy ni Aya? Eto ba yung babalik? Nakita ko silang nagkalas at tumawa. Malamang, 'sya na nga yun. Nagbalik na 'sya at sila na ulit ni Tian. Malamang sila na. At malamang, wala din akong kwenta sa kanya.
Heto ako ngayon, naglalakad sa school. Papunta sa susunod kong klase.
"Hey, love." Tapos ipinasok nya yung braso nya sa braso ko. Patay na patay talaga sakin 'to eh no?
"Ano ba, tigil tigilan mo na nga ako!" sabi ko, sabay alis ng braso nyang kadiri.
"Ano bang problema mo, Rade?! Dati lang eh, tuwang tuwa ka sakin?!"
"Anong tuwang tuwa ka dyan?"
"Ano bang inayawan mo sakin? Maganda naman ako. Mayaman! Ano pa bang kelangan mo?" Ano bang tingin nya, perfect sya? Alam nya bang hindi maganda ang araw ko, pinapasama pa nya?
"Kelangan ko? Hmmm..." Sabi ko, habang yung mga alipores nya eh lumalapit samin. Nako, pare parehas silang maaarte. Yung mga kaibigan ko naman, nagsilapit na din. Nakita siguro kam eh alam nilang mag ex kami.
Mas madami na. Mas masaya.
"Tama ka nga, maganda ka, mayaman. Ano pa nga bang kelangan ko?" Sabay ngiti naman ang babaeng bruha.
Anong akala nya, tapos na ko?
"Ah, alam ko na!" Nagulat sya, nakita ko yung muka nya.
"Kelangan ko ng babaeng may pride, at may UTAK. " Sabi ko, sabay alis na.
"RADE!" Sigaw nya habang nanggagalaiti. Wala akong pake sa kanya, bad mood ako, binangga nya pa ko.
[ TIAN'S POV ]
Nagpunta nga kami nila Dart at ni Aya sa mall. Nilibre kami ni Dart. San kami kumain? Sa JOLLIBEE! Ewan? Sabi naming pipili kami ng mahal eh, kaso talagang paborito naming tatlo ang Jollibee kaya sabi namin, babawi nalang kami sa Timezone mamaya.
Iniwan ko muna silang dalawa duon sa Jollibee, may pupuntahan ako. Bibili ako ng regalo sa sarili ko kahit one month pa bago ang birthday ko.
Ano ba, eto na nga lang regalo ko sa sariili ko eh. Dumating na ko sa pinaka paborito kong lugar sa buong mundo! Ang "Blue Magic". Mahilig ako sa bears, alam nyo yun?
Pagpasok ko, pili nanaman ako ng bear, naalala ko tuloy si Giezel. Nung nilawayan ko ang bruha, napaka arte eh. Ang sarap ipalamon sa pating.
"Babes?" Pagtalikod ko, andito din si Rade? Bakit nandito 'to?
"Uy, Rade! Anjan ka pala. Baket ka nandito?"
"May sasabihin kasi ako eh."
"Ha? Ano naman yun? Lika, sama ka na sakin. May papakilala ako." Sabay hila ko sa kanya. Di ko na 'sya pinagsalita. Papakilala ko si Dart kay Rade.
"Uy, anjan ka pala, kutong lupa!" Sigaw ni Aya ng makarating kami.
"Sino?" Tanong naman ni Dart sakanya.
"Dart, sama na natin 'sya ngayon. Bestfriend ko 'to!" Sabi ko. Yeah, mag bestfriend..
"Ehem." Biglang react naman kagad ni Aya. Nako. Selos naman agad 'tong bespren ko.
"Babes ko 'sya." Biglang salita ni Rade. Ano daw? Babes? Babes? BABEEEES?!
Nakita kong mejo nagbago yung muka ni Dart. Ewan ko ba, akala ko ba okay na?
"Girlfriend mo ba?"
"Hinde, malapit na." Ano bang problema nilang dalawa? Bakit parang ang init ng dugo sa isa't isa?
"Magtigil nga kayo! Maglaro na tayo! Sayang oras oh!" Singit ni Aya. Hayy life saver talaga to.
"Di na. Nakakahiya naman." Rade.
"Nahihiya ka pala, kutong lups?" Aya.
"Wag kang aalis. Laro muna tayo." Dart.
"Ng ano?" Rade.
"Basketball." Dart.
"Ayoko, matalo kalang no. Kawawa ka." Rade.
"Hm. Takot ka ata eh." Dart.
"Ako, takot? Ayos ka no! Sige, game! Basta wag kang iiyak." Rade.
"Dami pang satsat eh. Game na." Dart.
Ayos lang naman kung maglalaro sila, diba? Pero bakit, I smell trouble?
A/N:
Sobrang sabaw HAHAHAHAHAH bawi ako sa next update ko. Happy Birthday sakin!♡
BINABASA MO ANG
Once A Bitch [FINISH]
RomanceI am a bitch. The biggest and bitchiest of them all. No one wants to argue with me 'cause they know they'll just get in trouble. I know, everybody hates me secretly. They all have bad things to say about me. Well, what can I do? I'm a bitch. Are you...