Only You:chapter 34

9 2 0
                                    

Sheign's POV

S A T U R D A Y
(Prom day)

Ang bilis ng araw parang kahapon lang eh namimili at pinapag-usapan pa namin ang tungkol sa prom. Alas otso na ko nagising at nag-unat muna bago ako naghilamos at nagsipilyo at saka lumabas ng kwarto dala ang phone ko.

Dumiretso ako sa kusina at nag-iisip kung ano ang masarap kainin pang-umagahan. Hmm ano kaya?

Bukas ng ref. Tingin. Hanap. Kuha. Sarado.

Ahah! Mag-aadobong repolyo ako ngayon. Saraaaaaap! Isa sa mga paborito kong lutuin.

Repolyo
Karne
Bawang
Sibuyas
Knorr cube
Toyo
Ah ano pa ba? Ayun! Cooking oil.

Itinali ko ang buhok ko at isinalpak ang earphone sa tenga ko at nakinig ng Set it all free ni Scarlette Johansson. Yeah! Ang cool ng boses! Rock and roll!

Hiwa. Hiwa. Lagay sa mangkok. Hiwa ulit ng karne. Tapos na!

Binuksan ko na yung gasul at inilagay ang kawali at nilagyan ng mantika. Tapos nang uminit na nilagay ko na yung karne ng maluto ay bawang kasunod nito ang sibuyas at hinalo. Tapos inilagay ko na yung repolyo at hinalo ulit. Bangooo~

Tapos toyo at knorr cube then pinaluto ko pa ng konti and chaaaaanaaaaan! Tapos na! Ready to eat na! Saraaaaap~

Edi siyempre ligpit-ligpit din bago ako nagsimulang kumain. Hayys! Ang lungkot namang magkain mag-isa. Hindi na ko sanay kasi si vhan lagi kong kasabay. Oo pumupunta siya lagi dito.

Bigla naman nagring phone ko.

Nom nom nom nom nom nom nom~
Nom nom nom nom nom nom nom~

Answer!

Me: hello?

(Hello my princess good morning!) Masayang bati ni vhan. Napangiti ako.

Me: good din my prince! Nakabreakfast ka na ba?

(Uhm wala pa hehe kagigising ko lang princess. Ikaw?)

Me: Oo ngayon. Katatapos ko lang magluto.

(Nagluto ka? Diyan nalang kaya ako magbreakfast? Okay lang ba?)

Me: oo naman! Ikaw pa haha. Sige na magprepare ka na. I'll wait my prince.

(Yesss! Sige wait mo ko princess! Bye! I love you!)

Me: I-i love you too my prince.

Toot...toot

Pagkaend ng tawag ay tinuloy ko na ang pagkain at natapos na. Niligpit ko na ito at pumunta sa sala. Pagkaupo ko sa upuan ay nagring nanaman yung phone ko. Tinignan ko at si jona lang pala.

(HELLOOOO BES! GOOD MORNING HIHI! EXCITED KA NA BA PARA MAMAYA SA PROM?!)

Hayys ang ingay talaga ni jona. Sakit sa tenga ng boses niya. Loka talaga.

Me: good morning bes. Oo naman excited ako.

(PERFECT! AY MAMAYA SABAY-SABAG TAYONG MAGPAPAAYOS SA PARLOR NAMIN HIHI. SUSUNDUIN KA NAMIN DIYAN NILA CARYL AT CRISHEL.)

Me: hahaha sige sige. Excited ka talaga. Anong oras pala?

(UHM MGA THREE THIRTY NG HAPON BES. ANO GAME?! AY HINDI SASAMA KA PA DIN NO MATTER WHAT! HAHA)

Me: sige bes game ako.

(SIGE BES YUN LANG EEEH EXCITED TALAGA AKO MAMAYA SA PROM! BUTI KA PA MAY PAPA VHAN NA! SI CARYL PARTNER SI STANLIYOT! KAMI NALANG NI CARYL WALA! BTW BABYE NA BES! LOVE YOU! CALL NALANG KITA LATER OKIE? BABOOOSH!)

Only You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon