Only You:chapter 19

18 2 0
                                    

Vhan's POV

Nakarating na ko dito sa cafeteria at agad ko namang nahanap sila jona kaya pinuntahan ko sila.

"Hello vhan! Uhm saan si sheign?" Jona asked me.

"Nasa studio room siya pinatawag kasi siya ni maam callo." At nakita kong nagtataka ang mukha nila.

"Si maam callo? As in May Callo?" Caryl said and i nodded.

"Huh? Pero andito si maam callo and she's eating with her co-teachers*sabay turo kung saan si maam*" Nagulat ako ng nandoon nga si maam pero bakit sabi ng dalawang babae kanina eh gusto niya daw kausapin si sheign. Shit! Baka may nangyari kay sheign!

Nang may tumapik sakin ay nasagi ko ang baso kaya nalaglag ito at nabasag.

"Vhan okay ka lang?" Crishel asked me.

"Vhan nag-aalala na ko kay sheign! Hindi niya sinasagot yung tawag ko." Nag-aalalang sabi ni jona.

Naalala ko bigla ang sinabi kanina ng dalawang babae. "Studio room" tama nasa studio room ngayon si sheign! I need to go to her.

Kaya tumayo ako at akmang aalis na ng pinigilan nila ako.

"Bro san ka pupunta?"tanong ni stanley kaya humarap ako sakanila.

"Hahanapin ko si sheign and btw guys kung sakaling makita niyo yung dalawang babae ng mukhang clown pagtulungan niyong dalahin sa second floor sa room na walang tao. Itetext ko nalang kayo pagnahanap ko si sheign." And i walked out to the cafeteria.

•••••••

Marami akong pinagtanungan kung saan yung Studio room at sa may third floor pala ito sa kabilang building at may kalayuan samin. Nang makapunta na ko dito ay halos tahimik at walang tao ang dumadaan kaya sinikap kong hanapin ang studio room na iyon.

At nahanap ko na kaya kinatok katok ko ito dahil nakalock pero walang sumasagot. Tinawagan ko ang cellphone niya at may narinig akong tunog sa loob. Shit! Nasa loob nga si sheign!

So i'll try to open the door but its no use. Sinubukan ko pa ulit at ibinigay ang lakas ko at nagtagumpay naman ako. Pagkapasok ko sa loob ay natagpuan ko siya.

Wala siyang malay at namumutla na siya. Damn! Pag may nangyari sa kaniyang masama kakalimutan kong babae ang dalawa na yun. Tinapik ko ang pisngi niya pero wala siyang kibo kaya binuhat ko na siya papuntang clinic.

Habang nadaan ako sa hallway ay maraming napapatingin at nagbubulungan samin. I ignore them at mas binilisan pa ang lakad ko.

Wala na kong katok-katok at pumasok ako kaagad sa loob. May sumalubong saking nurse at tinanong kung anong nangyari.

"Natagpuan ko nalang siyang walang malay sa loob ng studio room na halos walang hangin." Sabi ko at tumango naman yung nurse.

After few minutes...

"Mr. Smith?" Sabi ng nurse. "Yes? Okay na ba siya?" Tanong ko.

"Base sa kalagayan niya ngayon ay nawalan siya ng malay dahil sa gutom at pagka-suffocate niya dahil nga sabi mo walang hangin ang loob ng studio room ng makita mo siya. All she need is to rest muna ng sa gayon ay maging okay siya." Sabi ng nurse at nagpasalamat ako.

Nagpapahinga ngayon si sheign at parang ang peaceful niya and she has an angelic face. Makinis ang balat, matangos na ilong, mahahabang pilikmata at magandang korte ng kilay at mapulang mga pisngi at labi. Hindi ko alam pero sa tuwing tumitingin siya sakin bigla nalang bumibilis ang tibok ng puso ko. Tapos tuwing ngumingiti siya napapangiti rin ako. Hindi ko alam pero nagiging weird ako pagkasama ko siya.

Naalala ko na kakausapin ko pa pala ang may gawa sakanya nito. Before i go out, i kissed her forehead and i leave the clinic.

Tinext ko si jona kung nakita na nila and she said 'yes' kaya pumunta na ko sa room na sinabi nila. Nang makarating ako ay naabutan ko sila stanley, caryl, crishel at jona na nakapalibot sa dalawang babae na humarang samin kani-kanina lang.

"Vhan eto na sila. Siguro naman hindi kami nagkamali diba?" Jona said with gritted teeth while looking intently to the two girls.

"Salamat guys." Sabi ko at pinuntahan ang dalawang hipon sa gitna na nakaupo habang nakatali at masamang nakatingin samin.

Tinitigan ko ang dalawang hipon ng masama kaya napayuko sila na parang maamong tuta.

"Sino ang nag-utos sainyo?" I said in a serious tone.

"H-hindi namin s-sabihin sainyo! Hahahahaha!" Sabi ng isang hipon habang tumatawa ng pilit at halatang takot.

Nagulat kami ng biglang sumugod si jona at kasabay nito ang pag-alingawngaw ng buong room dahil sa sampal na binigay niya sa dalawa na ngayon ay naluluha na.

"SASABIHIN NIYO BA O HINDI?! KUNDI TUTULUYAN KO NA KAYONG DALAWA NA ITAPON SA DAGAT TUTAL MGA MUKHA NAMAN KAYONG HIPON! ANO?! SASAGOT KAYO O HINDI?! PAG AKO HINDI NAKATIMPI SAINYO NAKU!!!" Gigil na sigaw ni jona na ngayon inaawat nila stanley at caryl.

"Jona tama na yan! Kumalma ka bes!" Pagpipigil din ni crishel at kumalma naman si jona kaya binitawan na nila. Hinarap ko yung dalawang hipon na umiiyak na.

"Uulitin ko, sino ang nag-utos sainyong dalawa?" Sabi ko at tinignan ang dalawa with my blank expression.

"M-magsasalita na kami basta't wag niyo lang kaming sasaktan!!" Sigaw ng isang hipon.

"So sino na ng masalvage ko!" Singit ni jona. Grabe pala to magalit si jona parang tigre na mangdadakma kanina actually natakot ako kanina sakanya ng konti. Amazona.

"S-si B-bea yung leader ng cheerleading dito sa school. Please pakawalan niyo na kami at sorry kung nagawa namin yun dahil kung hindi ipapatanggal niya kami sa team." Sabi ng isa habang umiiyak. I know that bea, siya yung humarang sakin dati sa hallway at eto ang dalawa ang kaniyang mga alipores. Tsk! Tsk!

"Okay madali naman kaming kausap eh pero sa isang kondisyon..." Jona said. "...you have to say sorry to sheign in PERSONAL with matching luhod pa. Okay?" Nang-aasar na saad nito at mabilis na tumango ang dalawa. Tinanggal na nila caryl at stanley ang tali ng dalawa at umalis na kami doon at ngayon ay papunta na kami sa clinic kasama ang dalawang hipon.

To be continued...

Only You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon