Only You:chapter 8

16 2 0
                                    

***AT DINING AREA***

Sheign's POV
Habang kumakain kami ay panay naman ang lagay ng mga pagkain ni ate maris sa plato ko kaya naman no choice ako kung hindi kainin at ubusin ang lahat ng nasa plato ko kahit busog na busog na ko.

"Sheign kain lang ng kain ha? Wag kang mahiya feel at home ka lang hihihi." Tumango lang ako at akmang lalagyan nanaman ako ni ate maris ulit sa plato ay pinigilan siya ni vhan. Hayy! Salamat puputok na yung tiyan ko sa sobrang busog.

"Ate ano ka ba?! Lagay ka ng lagay sa plato ni sheign ng pagkain hindi pa nga niya nauubos yung mga nilagay mo kanina eh!." Saway ni vhan dito kaya naman napapout lang si ate maris.

"Fine! Pasensya na sheign natutuwa lang naman kasi ako sayo eh first time kasi ni vhan magdala ng girl-friend niya dito sa bahay hihihi!" Kinikilig nanaman na sabi ni ate maris at muntik na ko mabilaukan ng sabihin niya yung 'girlfriend thingy'

"Okay lang po hehe." Akward kong sabi.

Natapos na kaming kumain at ngayon naman ay nagpakuha nanaman si ate maris ng dessert which is choco moist cake. Sarap!

At ito final na talaga at tapos na kaming kumain kaya naman nagpresinta na ako ang maghuhugas pero pinigilan ako ni ate maris at sinabing ang mga yaya na daw nila ang bahala doon kaya naman hindi nako nagpumilit pa.

Maya't-maya ay nagpaalam na ko kay ate maris at vhan na uuwi na ko.

"Uhm ate maris, vhan mauna na po ako sainyo atsaka salamat po sa dinner at sa binigay mo ate maris. Next time babawi po ako promise!" Sabi ko at bineso naman ako ni ate maris.

"Walang anuman sheign! Punta ka dito ulit next time ah? Baby bro papuntahin mo dito si sheign ha? Pag hindi..." Sabi ni ate maris.

"Fine ate vhien!" Sagot naman ni vhan.

"Ahm sige una na po ako sainyo salamat ulit!" Akmang lalabas na ko ng pinto ng magsalita si vhan at pigilan ako nito.

"Hatid na kita sainyo. Gabi na at delikado na sa daan lalo na't babae ka baka mamaya pagtripan ka ng mga lasing dyan." Concern na sabi niya sakin.

"Ay nako! Wag na vhan nakakahiya na sainyo sobra! Okay na ko sanay na kong umuuwi mag-isa salamat na lang." Sabi ko at akmang palabas na ng pinto ng pigilan niya ako ulit.

"No. I insist antayin mo ko at kukunin ko lang ang susi." Sabi niya at umakyat ng kwarto niya para kunin ang susi ng kotse niya.

"Tara na?" Sabi niya pagkababa niya at nagpaalam ulit kami kay ate maris.

"Bye sheign! Punta ka dito next time ha? At ikaw vhan drive safely ha mag-iingat kayo." Paalala ni ate maris kay vhan at lumabas na kami at sumakay na sa kotse niya sabay paandar ng makina at tumungo na papuntang apartment ko.

°°°°°°°°°°
After 15 minutes...
Andito na kami ngayon sa tapat ng gate ng apartment ko kaya naman nagpasalamat ako kay vhan at bumaba na. Binuksan naman ni vhan ang bintana ng kotse niya at kumaway bago niya ito pinaharurot paalis.

Nang hindi ko na maaninag ang kotse niya ay pumasok na rin ako sa loob at dumiretso sa kwarto at nagshower at nagtooth brush pagkatapos ay sinuot ko ang pajamas ko at comfy tshirt at pinatay ang ilaw at natulog na ng tuluyan.

(–_–)zzzzzzzzzz....

Goodnight everyone...

°°°°°°°°°°°

Only You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon