Only you:chapter 37

20 3 0
                                    

Vhan's POV

Kasalukuyan akong papunta sa bahay ni sheign at kinokontak pero walang sumasagot. Nakailang text at tawag na ko pero walang sumasagot.

Im worried.

Nang makarating ako ay nagdoor bell ako ng sunod-sunod. Walang sheign na lumalabas.

Nagtipa ulit ako para itext siya.

To: Misis ko ❤

Misis ko nasan ka ba?

Please answer my calls!

Im worried!

Pumasok na ko sa loob ng bahay ni sheign at nadatnan ko ang tahimik at madilim na bahay niya. Walang si sheign.

Dali-dali akong lumabas. Hindi ko siya natawagan agad dahil nawala ang phone ko kanina.

I dial her number again and this time ay nagriring na siya. Maya-maya ay si agit na niya ito.

Me: HELLO SHEIGN! WHERE ARE YOU?! BAKIT WALA KA DITO SA BAHAY MO?! PINAG-ALALA MO KO!

(VHAN TULUNGAN MO KO!-- HAHAHAHAHA SHUT UP BITCH!)

ME: Sino to?! Bakit hawak mo yung phone ni sheign?!

(Chill babe! We're just playing here. Hahahahaha)

Me: Kung sino ka man wag na wag mong sasaktan si sheign!

(Eh paano naman ako vhan? Okay lang sayo na masaktan ako?! Ha?! Lagi nalang sheign! Sheign! Sheign! P*tangina!)

Me: please don't hurt her.

(Hahahahaha do you want to see your precious princess vhan? Well...pumunta ka dito in one condition! Wag kang magsasama nang kung sino. Ikaw lang tandaan mo! I will give you one hour para makarating dito! Pero pag nalate ka...sorry to say pero goodbye sheign na! Hahahaha!)

Me: Fine. Just please don't hurt her. I'll do anything just don't hurt her.

(You'll do anything? Then, Break up with her and be mine.)

Me: but i love her so much.

(Bullshit! That bitch! I swear! I will kill her! handa akong pumatay maging akin ka lang! Akin!)

Me: kung sino ka man please! Itigil mo na to!

(No! Hangga't hindi ka nagiging akin hindi ako titigil! Hahahahaha)

Me: Just sto--

(The clock is ticking babe...tik tok ti tok!)

Toot...toot

"Fvck!" Sigaw ko ng mamatay ang tawag.

Hindi ako tanga para pumunta doon na mag-isa. Agad kong tinawagan ang barkada at sinabi kung ano ang plano.

"What the fuck! Si sheign nasa panganib?!" James.

"Yes and i really need all your help bro." Ako.

"Sige sige. Kami na bahala sa plano. Just text us kung saan ang location para makatawag na rin kami ng mga pulis." James said.

"Salamat bro." Ako at inend na ang call.

•••••••

Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo ko ng sasakyan. Alam ko na ang location dahil natrace ko ang phone ni sheign.

God please save her. Wag mo po siyang pababayaan. Hindi ko alam ang gagawin ko pag may nangyari sakanyang masama. Im begging God...please.

Mas pinabilisan ko pa ang pag maneho. May 40 minutes pa ko. Kailangan ko kaagad makarating doon.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari sa kanyang masama.

Just wait sheign. I will save you. Just wait im coming.

•••••••

Third Person's POV

Kasalukuyang nakagapos si sheign habang nanghihina ang katawan dahil sa pagbugbog sakanya ni sheen.

Nagbabakasakaling dadating si vhan para iligtas siya. Hindi siya nawawalan ng pag-asa kahit ano mang mangyari.

--

Tuwang-tuwa naman si sheen dahil sa kanyang nakikita. Sobrang saya niya dahil ilang minuto nalang ay wala ng sheign ang aagaw sa taong matagal niya ng mahal at kinababaliwan.

Pero nawala ang kaniyang ngiti ng pumasok sa kanyang isip na hindi siya kayang mahalin ni vhan pabalik.

Hinagis niya ang babasaging baso na may lamang wine at nabasag ito. Agad na nag-init ang kaniyang ulo at tinahak ang lugar kung saan niya iniwang nakagapos si sheign.

Bitch!
Aniya sa kaniyang isipan.

Kumukulo ang kaniyang dugo tuwing naiisip niya na magkasama si sheign at vhan na masayang-masaya.

She get her gun at pumunta kay sheign na nakaupo at hinang-hina na.

•••••••

(Scene po ito kung saan ginanap ang promenade.)

Jona's POV

Nagsisimula na ang program pero walang sheign at vhan akong nakikita o nasasalubong. Nagtataka na ko at the same time nag-aalala na din. Kasama ko ngayon sa isang table sina caryl, crishel and stanley with their partners. Sinadya ko talaga sa iisang table nalang kami magkakaibigan para naman masaya.

Nag-excuse ako sakanila at pumunta ng comfort room para tawagan si sheign. Sa unang try ko ay ring lang then cannot be reach. I tried few times pero wala na talaga.

Sumuko na ko at bumalik na lamang sa upuan. Nagsasalita na ang emcee pero wala lang man akong naiintindihan sa mga sinasabi niya.

Ilang oras na at walang bakas ng sheign at vhan na nandito. Nag-aalala na talaga ako kaya naman naglabas ako ng hotel at dinial ang number ng taong alam kong alam kung nasaan sina vhan.

Calling james...

Toot toot

The number you have dialed is not unattended. Please try your call later.

Sheteng kalabaw naman oh! Sinubukan ko rin sina kookie, ryan, jhelo, xander at jhoper my labs pero lahat sila ay naka-off ang phone. Nag-aalala na talaga ako pakshet!

Ang huling alas ko nalang ay si vhan at nanlumo ako ng hindi rin ito sumasagot. Kinakabahan na ko. Sana walang nangyari sakanilang masama.

Pumasok na ko sa loob at sinalubong ako nila caryl na may pag-aalala sa mukha.

"Bes nacontact mo ba si sheign? Hindi niya sinasagot mga tawag ko eh. Nag-aalala na ko. Hindi rin siya nagrereply, nakakapagtaka lang dahil nagrereply naman siys agad-agad." Saad ni caryl. I looked at her. Umiling ako.

"Nasaan na ba sila ni vhan?" Nag-aalalang aniya ni crishel.

Napatingin kami bigla kay stanley ng bigla itong tumayo na parang nagmamadali. Tinawag ko siya.

"Stan san ka pupunta?" Tanong ko. He looked at me pero malikot ang kaniyang mga mata.

"Lalabas lang saglit may kukunin ako sa kotse ko. Stay here wag kayong lalabas okay? Saglit lang ako." He said at dali-daling umalis na akala mo eh may hinahabol.

Nagtaka ako sa inasal ni stanley...parang may kakaiba sakanya bigla tapos hindi siya makatingin ng diretso sakin, hindi ako sanay. Usual kasi lagi siyang nakikipag eye contact pagkausap niya ako o isa man samin pero ngayon hindi.

I know stanley when he is lying or not at sa tingin ko...he's lying.

May kutob ako na hindi na babalik si stanley. Nadagdagan pa ito dahil wala din si sheign at vhan.

Ano bang nangyayari? Nilingon ko sila crishel at caryl, pare-pareho kami ng iniisip.

Sana naman walang nangyaring masama.

Please God wherever they are now...keep them safe. Keep my friends safe.

•••••••

Only You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon