Epilogue

20 1 2
                                    


Isang buwan na ang nakalipas simula nang mangyari ang insidente. Marami pa ring di makapaniwala na magagawa yun ni sheen kaya ang iba ay halos nababahala na baka gawin niya ulit yun.

Bumalik na rin ang dating sigla ni sheign at kasama nito ang buong barkada habang nagtatawanan. Sa isang buwan na nakalipas ay naging opisyal na sila sheign at vhan. Nalaman na ito ng buong Bangtan University at marami ang kinilig at natuwa, may mga nalungkot at nadismaya, may mga naging bitter at umiyak. OA noh? Pero di natin sila masisisi dahil nagmahal lang naman sila. Minahal nila ang isang Vhan Harris Smith na ngayo'y ay meron ng may nagmamay-ari ahehe.

Araw-araw ay usapin ang tungkol sa pagkatuluyan ng dalawa. Wala namang nanggugulo sa kanila, alam niyo yon? Hanggang tingin nalang sila dahil di nila pwedeng galawin ang nag-iisang reyna at misis ng isang Vhan Harris Smith. Oha! Angal ka? Kung may angal ka punta ka sa bangin tapos talon ka. Joke lang!

Di niyo ba tatanungin kung ano na ang lagay ng mga kaibigan nila? Hmmmm well sa ngayon nagkakadevelopan na sila ayieeeeee. Simula sa pagiging MAGKAKAIBIGAN hanggang sa MAGKA-IBIGAN. Iba diiiiin~ (tandaan niyo walang poreber! Antayin niyo lang yung Uno!)

Dako tayo kay sheen na nakaupo habang nakatulala sa isang sulok. Kung di ka lalapit akala mo nakatulala lang talaga siya pero ang totoo...umiiyak siya. Oo umiiyak siya! Pinagsisihan niya ang lahat ng mga ginawa niya. Paulit-ulit niyang sinasabi na...Di ko sinasadya.

May isang kasamahan siya sa loob na lumapit at tumabi sakanya. Mga nasa bente anyos na ito dahil mukhang bata pa. Lumingon siya dito at binigyan siya ng babae ng isang ngiti.

Bigla na lamang siya umiyak at humagulgol sa harap nito.

"Di ko sinasadya...di ko sinasadya...patawarin niyo ko. Di ko sinasadya." Sabi ni sheen habang humahagulgol. Inakbayan siya ng babae at sinabing...

"May mga bagay tayong nagagawa ng hindi natin pinag-iisipan, kung mabuti o masama ba ang kalalabasan nito. Pagsisisihan lang natin ito pag huli na ang lahat. May natutunan ako na dapat hindi gumagawa ng bagay na ikakapahamak mo o ng kapwa mo dahil mas mabuting gawin ay ang pag-usapan o sabihin ang totoong nararamdaman. Wag tayong magpapadala sa ating emosyon dahil baka makagawa tayo ng mga bagay na pwede nating pagsisihan sa huli." Aniya ng babae at ngumiti saka tumayo.

Mas lalong napahagulgol si sheen. Tama siya, tama ang mga sinabi ng babae. Sobrang natamaan siya. Kung di lang sana siya nagpabulag sa galit at inggit di sana aabot sa ganito. Kung sinabi niya sana agad lahat-lahat di sana siya sa loob ngayon ng kulungan at nagsisisi sa mga ginawa niya. Tama nga sila...aniya sa kaniyang isipan...

Nasa huli ang pagsisisi.

•••••••

Vhan's POV

Nasa isang parke kami ngayon ni sheign habang nakaupo. Niyaya ko siya dito para makapagrelax at siyempre date na rin. Masaya naming pinagmamasdan ang mga batang naglalaro. Humarap ako sakanya na ikinataka niya.

"Misis ko?" Tawag ko sakanya. She smile.

"Hmmm?" Aniya. I hold her hand and squeeze it sabay titig sakanya.

"Mahal na mahal na mahal kita Sheign Lay Wilson-Smith to infinity and beyond." Sabi ko at namula naman siya. Shit! Ang ganda niya talaga.

"Mahal na mahal din kita Vhan Harris Smith to infinity and beyond." She replied ang hug me. I hug her back.

Nang kumalas kami sa yakap ay unti-unting lumalapit ang mukha namin sa isa't-isa. We close our eyes at ilang inch nalang ay mahahalikan ko na siya pero napatigil kami at hiyang napamulat ng makita namin na nakapalibot samin ang buong barkada at mapang-asar na nakatitig samin sabay sigaw ng...

"KAYA PALAAAAA~AYIEEEEEEEE!" Sabi nila at nagtawanan. Niyakap ko si sheign at masaya kaming nagkwentuhan ng buong barkada. It's supposed to be OUR date only pero wala...makulit sila eh.

Nagpapasalamat ako dahil nakilala ko sila. Ano kaya ako ngayon kung hindi ako nagtransfer? Makikilala ko kaya sila? Siya? Magiging ganito ba kasaya?

Ako na ang pinakaswerteng lalake dahil pagmamay-ari ko na ang babaeng mahal na mahal ko. Ang reyna ko, ang misis ko.

Ang babaeng mamahalin ko hanggang sa huli at ang...

Babaeng ihaharap ko sa altar at papakasalan.

Humarap ako sakanya.

"I love you so much misis ko to infinity and beyond.. Only you."

THE END

•••••••

OMAYGHAS! TAPOS NA! SANA NAGUSTUHAN NIYO MGA PRENDS HEHE KAHIT DI NIYA KO GUSTO :< ZAROOOOT LANG~

SALAMAT SA MGA NAG-ABANG AT NAGBASA. ME LOVES YOU ALL ALL ALL MWAAAPS~ :*







Only You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon