Only You:chapter 17

20 2 0
                                    

Sheign's POV

Few weeks later...

Waaahhh!!! Hell day namin ngayon! Why? Eto lang naman po kami sagad-sagaran at rakrakan kami sa pagrereview ngayon para sa darating na exam. Astig diba?*note the sarcasm*

Nandito ako ngayon sa library kasama ko si vhan na nagrereview para sa exam namin mamaya sa history kaya imbes na breaktime namin ngayon eh napunta sa pagrereview.

Tahimik lang kaming nagbabasa-basa ng mapatingin ako sa harapan kung nasaan si vhan nakaupo pero wala siya. Saan kaya yun pumunta? Nagkibit-balikat lang ako at tinuloy ang aking pagbabasa. Pero maya-maya ay naramdam ko na may umupo sa may harapan kaya tinignan ko ito at si vhan lang pala na may dalang—pagkain?? Kaya siguro siya nawala kanina.

Inalok niya sakin ang coke at burger with fries which is tinanggap ko naman dahil nagugutom na rin talaga ako kaya nagpasalamat ako at ganun din ang kanya.

"Mamaya na tayo magreview sheign, kumain muna tayo para may lakas tayong mag-exam mamaya." Nakangiting saad niya.

"Sige napapagod na rin yung mata ko sa kakabasa hehe." Sabi ko at nilantakan yung pagkain. Tumingin ako kay vhan na nakatingin sakin kaya naman nailang ako bigla.

"May dumi ba ko sa mukha?" Tanong ko pero umiling lang ito at kumain na pero hindi niya parin pinuputol ang mga titig niya sakin.

"Eh ano pala?" Nagtataka na talaga ako sa lalakeng to eh.

"Ang cute mo kasing kumain!" Sabi niya tapos ngiti yung alien smile niya tapos piling ko uminit yung magkabilang pisngi ko kaya yumuko ako.

"Kumain ka nalang nga dyan!" Sabay inom ko sa coke na tuloy-tuloy. Geez! Ang sakit sa lalamunan. Eh sino ba naman kasing may sabi na inumin mo yan ng tuloy tuloy? Aber! Singit ng utak ko.

At nagtuloy na kami sa pagreview pagkatapos naming kumain hanggang sa nagtime na kaya niligpit na namin ang nga aklat at lumabas na papuntang room for our next subject.

Yasss!!! At last nakasurvive na kami sa dalawang subject which is history and mathematics. Nakakasabog ng utak pero keri lang mga bes. Uwian na namin at ngayon ay naglalakad ako pauwi.

Hindi muna ako pumasok at nagpaalam na rin ako kay ms. Roycee na hindi ako papasok hanggang matapos ang hell day(exam day) namin ayun pumayag naman siya at naiintindihan naman daw niya.

Yung apat ay nagsiuwian na rin dahil magrereview pa daw sila at si vhan naman ay ganun din kaya nauna na ko sakanila.

•••••
Nakarating na ko at pagkapasok ko ay nagbihis ako kaagad at nagreview pero bago yun chineck ko muna ang fb ko.

You have 99 notifications...
117 friend requests...

Ay ang dami pero siyempre inaccept ko lahat dahil kilala ko naman sila at tinignan ko lang ang notifications ko. Pagkatapos ay pumunta ako sa gc naming magkakaibigan pero nagdagdagan kami dahil si jona ay in-add yung anim(bangtan boys) at si vhan naman ay ako na mismo ang nag-add sakanya. Wow! Active sila ah.

Star wars🌌

Me: hi guys! Good evening😊

Jona is typing...

Stanley is typing...

Jona: hi besss!!!

Jhoper is typing...

Kookie: UNNIE!!!😄😄

Me: hi kookie!

Jona: waah si kookie binati ako hindi!😞

Only You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon