Only you:chapter 39

20 3 3
                                    

Sheign's POV

Nang unti-unti ng magsarado ang aking mga mata ay may boses na tumatawag sa aking pangalan at kasabay nito ay ang pagbagsak ng kaniyang luha sa aking pisngi habang humahagulgol.

Nanlabo ang aking paningin at tuluyan ng kinain ng dilim ang aking paligid.

••••••••

Vhan's POV

Nasa ospital na kami ngayon at kasalukuyang nasa operating room si sheign para tanggalin ang bala natre tumama sakanya.

Kasama ko ngayon sila ang aking mga kaibigan maliban kila jona, jhoper at stanley dahil sinamahan nito si jona na nagwawala at nanggagalaiti sa galit na gustong sugudin si sheen na ngayon ay hinuli na ng mga pulis.

Nang malaman nila jona ang nangyari ay umalis sila sa prom at sumugod dito. Grabe ang iyak ng tatlong babae ng makita nila ang kalagayan ni sheign.

Naihilamos ko ang aking kamay sa aking mukha sa sobrang kaba at galit.

Kaba dahil hindi ko alam kung ano na ang lagay ni sheign ngayon sa loob. Sana ligtas na siya. Sobrang natakot ako kanina ng bigla siyang nawalan ng malay at putlang-putla na ang katawan.

Galit dahil hindi ko lang man siya nabantayan at naprotektahan kay sheen. Ako dapat ang mababaril pero sinalo niya ang bala para sakin.

Hinding-hindi ko mapapatawad si sheen.

"Vhan kumalma ka magiging okay din si sheign. Tiwala lang." Mahinahong sabi ni caryl na katatapos lang umiyak dahil sa mugto nitong mga mata.

"Bro magpahinga ka muna. Clean yourself." Saad ni jhelo. I look at him.

"Okay lang ako jhelo. Gusto ko andito ako pag binalita ang kalagayan ni sheign." Sabi ko at napabuntong hininga.

Napalinngon kami bigla ng bumukas ang pinto ng OR. Dali-dali akong pumunta kay doc upang alamin ang balita.

"Doc kamusta siya? Okay na ba siya? Just tell me doc! Please!" Sunod-sunod kong tanong ko sa doktor.

"Uhm mister kaano-ano mo ang pasiyente?" Tanong niya. Damn it! Hindi nalang sagutin agad!

"I'm her husband! Now answer me doc!" Medyo napasigaw kong saad kaya medyo napaatras si doc. Tinapik naman ni jhelo at kookie yung balikat ko to calm me.

"U-uhm stable na po yung kalagayan ng m-misis niyo mister pero wala pa rin siyang malay. Marami ding nawalang dugo sakanya. Pasalamat po tayo dahil buti nalang ay hindi masyadong malalim ang tama sakanya pero kung nagkataon ay pwedeng may maapektuhan na organs but thanks god dahil wala. Mamaya-maya ililipat na po namin siya sa private room. Excuse me." Paliwanag ng doktor kaya nakahinga kami ng maluwag pero may kaunting takot pa rin ako dahil hindi pa siya nagigising.

Nagpaalam sina kookie, jhelo at ryan na bibili ng makakain at babalik din sila. Naiwan naman sila caryl, crishel na nakatulog, james at xander.

•••••••

Nailipat na si sheign sa isang private room at nandito kami ngayon. Nagpaalam na sila caryl at crishel dahil hinahanap ma daw sila ng mga parents nila at nagpresinta naman si james na ihatid sila dahil late na rin. Bale ako at sila xander ang naiwan dito maliban kay james at jhoper na umalis.

Malaki naman yung kwarto at kasya ang maraming tao. Nasa malaking sofa nakaupo si xander na tulog. Ako naman ay nakaupo sa tabi ng kama ni sheign at pinagmamasdan siya.

May pasa ang mukha, may putok ang labi at may sugat sa braso. Sana ako nalang. Ang sakit na makita na nasa ganyan kang kalagayan.

"Misis ko gising ka na ligtas ka na, ligtas na tayo. Nasa kulungan na rin si sheen. Misis ko bakit mo ginawa yun? Bakit mo hinarang ang bala na dapat ay para sakin? Bakit mo ibinuwis ang buhay mo para sakin? Alam mo ba na delikado ang ginawa mo? Okay lang sakin na ako ang masaktan...wag lang ikaw. Alam mo ba na takot na takot ako kanina? Di ko alam ang gagawin ko. Galit ako sa sarili ko dahil hindi lang man kita naprotektahan. Maraming salamat dahil iniligtas mo ko. Gising ka na misis ko...papakasalan pa kita. Hihingiin ko pa ang basbas ng mga magulang mo. Ipagsisigawan ko na mahal na mahal na mahal kita. Tandaan mo misis ko mahal na mahal na mahal na mahal kita! Ikaw lang magka-snow man sa pilipinas. I love you so much please wake up. I want to hear your voice." Naluluhang kausap ko sakanya. Sabihin niyong bakla ako wala akong pakialam! Hindi nakakabawas ng pagkalalaki ang pag-iyak.

May kumatok sa pinto at bumukas ito. Bumungad sakin sina jhelo, jhoper, jona at stanley na mukhang pagod. Bigla naman pumunta si jona sa tabi ni sheign at umiyak.

"Uy bes! Gising ka na diyan! Maraming nag-aantay sayo babae! Papakasalan ka pa ni vhan! *sniff* h-hinding hindi ko mapapatawad ang babaeng yon kahit kailan! Makikita niya! Bes gising ka na oh! *sniff*" Sabi niya at tuluyan ng humagulgol. Nilapitan siya ni jhoper at inalalayan. Tinapik ako ni jhelo ganun din si kookie.

"Sheign is a strong girl vhan. Napakabait
na kaibigan." Jhelo said.

"Ang sama talaga ng sheen na yun! Grabe ang ginawa niya kay unnie!" Galit na wika ni kookie.

Maya-maya ay nagpaalam na si xander, james at kookie. Nagpasalamat ako sakanila.

"Geh bro magpahinga ka na rin. Babalik kami bukas. Pag nagising siya balitaan mo kami agad." Sabi ni xander na halatang bitin sa tulog.

"Ingat kayo bro. Salamat." Ako.

"Bye vhan! Bye unnie! Babalik kami!" Paalam ni kookie. Si james naman ay tumango at tinapik ako sa balikat.

Nang makalabas ay umupo ako ukit sa tabi ni sheign.

"Vhan magbihis ka na muna ako nalang magbabantay kay sheign." Sabi ni jona na nakasuot pa rin hanggang ngayon ng gown.

"Okay lang jona ako nalang. Magpahinga ka na kaya ko pa." Sabi ko.

"Sige babalik nalang ako basta pagbalik ko ikaw nanaman? Okay? Walang pero pero." Mataray niyang saad kaya tumango nalang ako.

Nagpaalam na sila stanley, jona at jhoper na uuwi para magbihis at babalik din daw. Si jhelo naman ay nagpaiwan.

"Vhan magpahinga ka na muna ako nalang magbabantay kay sheign. Tignan mo yung mata mo may eyebags na." Sabi ni jhelo.

"Okay lang jhelo gusto ko pag gumising si sheign ako ang una niyang makikita." Nakangiti kong saad pero hindi aabot sa tenga.

"Sige ikaw bahala. Pero kung gusto mo naman sabihan mo lang ako." Sabi niya at tumango nalang ako.

Hinawakan ko ang kamay ni sheign at hinalikan ito.

Maya-maya ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako

At ang huli kong narinig ay ang pagbukas ng pinto.

•••••••

1 chapter to go nalang mga prends then epilogue na! Wuhooooo! 💕

Only You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon