Only you:chapter 38

24 3 0
                                    

Vhan's POV

Nakarating na ko sa location na itinext sakin kanina. Nandito ako sa isang magubat at may nakatayong abandonadong gusali. I'm sure nandito si sheign. Dali-dali akong lumakad papasok dito pero napahinto ako sa pag-akyat ng may nakita akong mga lalake. Tauhan siguro ito ng kumuha kay sheign.

Mabilis akong tumago sa sulok. Pinakinggan ko ang pinag-uusapang nila. I need to find sheign pero hindi ko alam kung saang palapag ba iyon.

"Pre ang ganda ng babaeng pinakidnap satin ni boss noh? Chicks pre. Ang sexy pa hahahaha. Parang ang sarap!" Nag-init ang ulo ko at parang gusto kong basagin ang mga mukha ng mga tarantadong to! Wag na wag lang silang magkakamali na galawin si sheign dahil ako mismo ang papatay sakanila!

"Kaya nga pre. Ang kinis-kinis pa! Hahahaha! Tagay!" Sabi ng kasamahan nito. Mga nasa anim sila, mga malalaki ang katawan at may tattoo.

"Ano kaya kung...magrequest tayo kay boss? Tutal sinunod naman natin utos niya diba?"

"Aba'y oo nga noh! Kahit papaano pala pre may utak ka rin pala!"

"Anong akala niyo sakin? Walang utak! Mga gagong to!"

"O ano pa inaantay niyo? Tara na at ng maranasan naman natin ang langit hahahahaha!"

Sa sobrang galit ko ay sumugod ako ng wala sa katinuan. Basta na lamang nagdilim ang paningin ko at hindi ko na makontrol ang sarili ko.

Sige lang akong suntok at sipa sakanila. Nakita ko na may susugod sakin kaya hinarang ko ang binubugbog ko at ito ang tinamaan ng kahoy na ihahampas sana sakin.

Anim na silang lagpak sa sahig. Nilapitan ko ang isa at sinabunutan.

"Saan niyo dinala ang babaeng kinidnap niyo? Sagot?!" Sigaw ko at nakakita ako ng takot sa mata ng lalake.

"S-sa pangatlong p-palapag! H-hawak siya ni boss!" Pagkasabi niya nun ay binigyan ko ulit siya ng suntok sa mukha at natuluyan na siya.

Mabilis akong umakyat papuntang third floor at may narinig akong boses ng babae at sumisigaw na boses na parang nasasaktan.

Dali-dali akong pumunta sa pinto at pabalabag itong binuksan. Sumalubong saakin ang isang babaeng nakaupo habang nakagapos ang katawan, puro pasa at may bakas ng mga dugo. Hinang-hina na siya pero patuloy pa rin siyang sinasampal at sinasabunutan ng babaeng nakaitim na gown.

Nakamaskara ito kaya hindi ko maaninag ang mukha ng babaeng ito. Bigla tumalim ang tingin ko sa babaeng nananakit sa babaeng mahal ko.

Hinding-hindi ko mapapatawad ang babaeng ito kahit kailan!

Tumigil lamang ito ng maramdaman na nandito ako. Nagningning ang kaniyang mga mata ng makita ako.

"V-vhan! I'm glad you came babe! Enjoying the show? Hahahahahahahaha!" She said and laugh like an evil.

Lumapit ako sakanya at marahas siyang hinawakan sa braso.

"Anong ginawa mo sakanya?! Anong ginawa mo kay sheign?! Sumagot ka?! Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo." Galit pero kalmado kong saad sa babaeng nasa harap ko ngayon.

Patulak ko siyang binitawan at mabilis na pumunta sa pwesto niya. Kay sheign.

I cupped her face. Her eyes look very tired, her body is so weak. She has many bruises and wounds.

"Misis ko...ililigtas kita dito." I whispered at nagmulat siya ng mata. She smiled to me and a tear fell from her eyes.

"V-vhan? M-mister k-ko..." Sabi niya sa mahinang tinig.

Only You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon