Only You:chapter 12

26 2 0
                                    

Sheign's POV
Nang madaanan ko na sa library ang aklat na hiniram ko ay umalis na ko ng BU at nagtaxi nalang papuntang café para maaga akong makarating doon.

Hindi ko namalayan na andito na ko kaya naman binayaran ko si kuya driver at bumaba na. Habang naglalakad ako papasok ay may nahagip ang mga mata ko at kumunot naman ang noo ko bigla—bakit andito yung kotse ni vhan? Pati na rin nila kila caryl? Kala ko ba may lakad sila bakit andito sila? Bakit? Bawal ba silang pumunta dito? Sabat nanaman ng utak ko. May point nga naman—baka gusto lang nila pumunta dito at kumain. Ano bang pake ko diba? Hindi naman saken to? Umiling na lang ako at pumasok na.

As i stepped inside ay bumungad sakin ang maraming customers—as always! Which is taga-BU at ang iba ay taga-Boulstridge. Nakita ko naman sila vhan na nakaupo sa may glass side sa may dulo pero hindi naman nila ako nakikita pa at may kasama silang anim pa na lalake na gwapo. Baka yun na siguro yung mga kaibigan ni vhan na sinasabi niya?

Nang makapalit na ko ay dumiretso ako sa may counter ng bigla akong tawagin ni mina—katrabaho ko.

"Bakit mina?" Tanong ko.

"Sheign pwede mo ba akong tulungan dalhin ang mga ito doon—sabay turo niya sa pwesto kung saan nakaupo ang grupo nila vhan.—marami-rami kasi ito eh. Okay lang ba?" Tanong niya pa.

"Okay lang ano ka ba! Saan na yung iba pang dadalhin? Iuna mo na yan dun at isusunod ko nalang yung iba."
Sabi ko at nagpasalamat naman siya at nauna ng ihatid ang ibang order doon.

Kinuha ko ang dalawang tray kung saan may eleven na Monster Choco Vanilla frappé kaya naman dinala ko na ito doon at habang papunta ako sa pwesto nila ay hindi pa nila ako napapansin dahil busy sila sa pag-uusap.

Napatigil naman sila sa pag-uusap ng magsalita yung gwapo na mukhang pinakabata sakanila pati yung ahm—mahaba yung baba, hindi naman masyado—slight lang hehe.

"Yuhoo! Nandyan na yung order nating frappé! Kanina pa ko nauuhaw!" Sigaw ni nung gwapo na mahaba ang baba.

"Uy nandyan na yung frappé! Pakilagay nalang po dito ate!" Sabi nila kaya naman napatingin silang lahat sakin at ng makita ako ni vhan at nila jona ay binati nila ako—pati na rin yung anim kahit hindi ko close ay binati rin ako kaya ganun din ang ginawa ko.

"Uy bes!"-jona

"sheign! Tamang-tama andito ka!"-caryl

"Oo nga!"-crishel

"dito ka muna sheign para makilala mo sila. Okay lang ba?"-vhan

"Uhm kailangan pa kasi ako doon eh, sorry guys!" Sabi ko at yumuko.

"Ano ka ba sheign okay lang atsaka later nalang antayin ka namin. Sige na balik ka na doon baka hinahanap ka na ng manager niyo."-jona

" Wala munang uuwi ha?! Gusto ko siya makilala."sabi ng mukhang bata na malaki ang ilong pero tama lang sakanya.

"O sige sabi niyo yan! Hindi ka nagasabi vhan ang chichicks pala ng mga kaibigan mong babae!" Sabi nung maliit na gwapo kaya naman nakatanggap batok doon sa lalaking angat ang puti ng balat sakanila.

"Tumigil ka nga dyan james! Mahiya ka! Sweg man!" Sabi niya kaya napatawa kami.

"Uhm sige balik na ko doon ah later nalang." Sabi ko at tumango naman sila at bumalik na ko doon sa may counter para antayin ang mga iseserve.

Time check: 8:01 pm
Wala ng masyadong customer at iilan nalang din ang pumupunta hindi katulad kanina na halos mapuno ang café sa dami nila kahit malaki pa ito. Nakita naman ako ni Ms. Roycee at sinabing pwede na daw akong magpahinga at pumunta sa mga kaibigan ko na ngayo'y nakaupo pa rin doon at inaantay ako. Nahiya naman ako bigla kaya naman mabilis akong tumungo sa locker room at nagpalit ng damit pagkatapos ay kinuha ko na ang bag ko at pumunta na sakanila.

Only You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon