Fiona Zeraphina's Pov"Hello han? Saan kana ba Kase? Last year pa ako naghihintay sa iyo rito. Saang lupalop ka na naman ba ng mundo narating? HA!?" pinandilatan ko ang kausap ko sa phone kahit hindi niya ako nakikita. Ang tagal naman ng babaeng to eh. Male-late ako sa first day ng school.
"Hoy Fiona Zeraphina. Sinabi ko bang hintayin mo ako, ha? Alam mo namang nagpapaganda pa ako kahit hindi na kailangan. Oh siya, malapit na ako. Tingin ka sa kanan mo. May makikita kang maganda diyan." ini-off ko na yung tawag, mahal ang load bessy, sabay tingin sa kanan ng padabog.
May nakita akong blue na kote na kasing kintab ng noo ko. May bumaba na naka-heels ng dark blue, may kamay na kumapit sa pinto ng sasakyan at dark blue rin ang nail polish nito, tuloyan ng bumaba ang nasa sasakyan at maypa pikit-pikit pa sa mata ang gaga. Aba nga naman! Kulay dark blue pa talaga ang shoulder bag ng hinayupak!
"Ina!" tawag ni hana sa akin habang kumakaway pa, ang bestfriend kong bulag sa pagiging adik sa kulay asul.
Lumapit siya at bumeso sa akin. "Hindi halatang adik ka sa blue, eh no!" Natatawa kong sabi sa kaniya.
Kumapit naman siya sa braso ko habang papasok na kami sa gate ng school. "Ang blue kaya ang adik sa akin" natatawa rin niyang turan "Asan nga ba si Paerry?" tumingin-tingin siya sa paligid habang hinahanap ang isa pa naming kaibigan.
"Ooooooy!!!! HINTAY!!" sigaw ng kung sino. Lumingon ang karamihan sa may likuran namin dahil doon nanggaling ang sigaw. Nagkatinginan muna kami ni Hana bago tumingin sa may likuran.
Hindi pa naman kami tuluyang humarap sa sumigaw nang may dumamba sa amin ng yakap, buti nalang at agad kong nabalanse ang aking katawan para hindi matumba.
Nang tingnan ko kung sino ang yumakap, si Maria lang pala. "I miss you guuuuurls" ipit niyang tili habang nakayakap parin sa amin. Napayakap naman ako sa kaniya at kay hana.
"We miss you too, Maria" sabay naming sabi ni hana at natawa. Biglang bumitaw si Maria at pinaghahampas kami sa braso.
"Aww shitsue!"
"Stop it, Maria"
Sabay naming inda ni Hana at tiningnan si Maria ng masama. Masakit kaya! Huhuhu
"I told you already to stop calling me Maria. Johanna! JO-HA-NA!!" diin niyang sabi sa amin at pinadilatan ng mata. Katakot ng mukha nito HAHAHAHA.
"pfft....hahahahahahahahahahaha" imbis na matakot sa mukha niya, natawa nalang kami ng malakas ni Hana dahil sa itsura niya.
Habang tumatawa, nag-cross arm nalang si Maria—este, Johana ng nakanguso at masama parin ang tingin sa amin.
"Kayo ha! Ang sama-sama ng ugali niyo!" Hindi ko parin napigilan ang pagtawa ng malakas habang si hana, hawak-hawak pa ang tiyan habang tumatawa.
Nang mahimas-masan, kinuha ko ang panyo sa bulsa ng palda ko at pinunasan ang luhang lumabas dahil sa kakatawa.
Tumikhim ako at ginulo ang buhok niya na parang bata. "ZERAPHINAUUUURGH" Galit niyang sigaw kaya tumakbo na ako, patay ako nito, oo.
"Oy hintay mga pangit" sigaw ni hana habang ika-ikang tumakbo. Natawa na naman ako sa kaniya, pano ba naman hahahaha naka-heels pa. Kala mo kung saan pupunta.
Huminto muna ako at ganon din si Johana, hingal na hingal ako kaya yumuko muna ako at tinukod ang kamay sa tuhod. "Kapagod" hingal na sambit ni Johana.
"Aysh! Hindi pa nagsisimula ang klase, eh ang lagkit na ng katawan ko" sambit ni Johana at tumingin sa akin ng masama.
Taka ko siyang tinignan at umayos ng tayo "Oh? Bakit ganiyan ka makatingin sa 'kin?"
YOU ARE READING
The End
General FictionFirst day of school ang pinakainaabangan ng lahat, lalo na si Fiona Zeraphina Agustine. At lalong-lalo na, na nasa huling taon na siya sa sekondarya. Tranferee si Zack Dylan at ang kapatid niyang si Ethan Daniel Morales Alegre. Kilala ang mga Morale...