2

18 3 0
                                    


Fiona Zeraphina's Pov

"Wag nalang kasi iyaaaan. May klase pa tayo bukas. Di ako makakatulog niyan iiiiiiiiih!" padabog na umupo sa single couch si Johana na parang abnong batang nagwa-wild na hindi nakuha ang gustong laruan.

"You know, this is the best movie for tonight. Tinext ko na rin si Mama na dito ako matutulog" nagsalita naman si hana habang pinapasok ang CD ng Insidious 1 sa DVD player.

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. "Wow ha! Condo mo to? Nagdedesisyon ka ng HINDI KO ALAM?!" pinandilatan ko siya ng mata at nilakasan ang pagkakasabi ng "HINDI KO ALAM".

Humarap siya sa akin, pinagsalikop ang mga kamay at nag puppy eyes! PUPPY EYES NA HINDI BAGAY SA KANIYA. Kadiri!

Napangiwi ako sa inasal niya at tumango ng dahqan-dahan.

Dahan-dahanin lang, baka dumugo.

Wala namang problema kung dito sila matutulog. May mga gamit na rin sila dito, minsan na rin silang nag-stay sa Condo ko.

Napatingin ako kay Johana nang tumahimik siya. "Dito karin ba matutulog?" tumingin siya sakin at sinenyasan ako ng tahimik, good girl nemen eke keye temehemek neleng ehe.

Napatingin naman ako kay Johana ng magring ang phone niya "Hello?..... Yeah, we're watching movie..... KUYA?..... Mom, I have two crazy brothers.... Ye-sorry...... Okay, I'll be there in...." tinignan naman ni Johana ang Wrist watch "In 8 mom... Okay bye..... I love you too" binaba na ni Johana ang phone bago tumingin sa amin.

Bumuntong hininga muna siya bago nag salita "Kuya Jonah, umuwi na galing hongkong" tinukod niya ang dalawang siko sa kaniyang tuhod, pinatong ang mukha sa palad at sumimangot.

Natawa naman ako sa mukha niya "Oh? Ba't ka problemado?"

Tinignan niya ako bago bumuntong hininga, sumandal naman siya sa couch "Makikita ko na naman ang MGA chicks niyang pangit. Hmmp!" playboy kasi si kuya Jonah. Uuwi lang kasi si kuya Jonah to take a break. Kung mag trabaho kasi yon, todo kung todo. Pero may pa sideline sideline din sa pang chichicks. Kapag naman maisipang magpahinga, maghahanap naman ng chicks. Ewan ko don.

Nanood na lang kami ng horror movie. Sa kalagitnaan ng panonood, may kumatok sa pinto kaya napatingin kami doon at nagtinginan. Para kaming nag-uusap gamit ang mata. Naghihintay kung sino ang bubukas ng pinto.

"Ina, condo mo to" Biglang sabi ni hana.

Ako pa talaga!

"Sa kama ka matutulog han, buksan mo na" sin-ucrifice ko na ang Malaki at malambot kong kamaaaaa.

"Ako nanlibre" tinaas ni hana yung resibo ng binili naming pagkain, worth 2,000 plus din yong nagastos niya. Three boxes of pizza, 6 pringles-syempre, dala-dalawa- tatlong nalalakihang coke.

Pagkain na iyon oy.

"Ako na nga lang. Ang matatakotin niyo naman tsk!"

Johana's Pov

GUUUUUUSTOOOOO KOOOOONG BAAAAWIIIIIIIN AAAANG SIIIIINAAAAABIIII KOOOO.

aym kyut ehe.

Nasa harap ko na ang pinto, ho-ho. Kaya ko ito. Para saan pa ang pagiging cute at cute ko?

'Nong connect, Jo?

Unti-unti ko namang binuksan ang pinto at.... at....

"AY, PUTCHANG BAKLA!" Napaatras ako at napataas ko na rin ang dalawa kong cute na kamay dahil sa gulat.

The EndWhere stories live. Discover now