6

7 2 1
                                    


Fiona Zeraphina's Pov

Kasalukuyan kaming kumakain sa isang kanto malapit lang sa school.

"Isa pa hong kwek-kwek" pang-lima na niyang order iyan. Buwisit siya! Halos inubos ang isang araw na baon ko. Tapos ako dalawa palang ang nakakain kong kwek-kwek. UNFAIR!

"Hoy Alegre. Nakakailan ka na ha! Abuso to" napailing nalang ako nang ngumisi siya habang ngumunguya. Pinaliit pa niya mata niya.

Ang gwapo ng bwusit!

Nang matapos na siyang kumain saka ako nagbayad. Gusto pa yatang dumagdag ang loko.

"Tama na iyan sabi! Wala na akong pera nito" sabi ko habang nakatingin sa coin purse ko na malapit nang maubos ang laman.

"Halika" napa-hoy nalang ako ng hilahin niya ang pulso-han ko sa kaliwang kamay na hawak ang coin purse.

Muntikan nang mahulog ang mga coins ko! Bwisit na lalaki!

"Ano baaaa? Saan mo ba ako dadalhin, ha unggoy ka!?" pagpupumiglas kong sabi.

Nilingon niya ang ulo niya patalikod at ngumsi. "Kanina, tinawag mo akong pet, ngayon unggoy naman. Alam mo, sabi nila kapag iba't ibang pangalan amg tinawag sa iyo ng isang tao, may samting" sabi niya habang naglalakad ulit. OMAYGAAAHAAAD!! My heartue

"Kapal naman ng kalyo mo sa mukha. Tang*na mo sagad sa buto" inismiran ko siya at nagpatangay nalang. Wala eh! Malaki siya eh!

Huminto siya at naramdaman kong hinigpitan pa niya ang pagkahawak sa palapulsohan ko. Humarap siya sa akin at tuluyan nang binitawan ang kamay ko.

Napakunot ang noo ko nang mapansin na ang seryoso ng mukha niya kaya napataas ang kilay ko. 'Nong problema nang unggoy na ito?

"I told you that I don't want to hear profanity especially coming from you" aaaaaaayyyyssshhhh naman! Nakalimutan ko ang kasunduan namin na kapag nagbanggit ng bad words ay hindi papansin ng mga 1 week or manlilibre ng Ice cream sa Ice giants.

Napapadyak nalang ako sa inis "Ooooh iiiiih sge na nga. Put—" sinamaan niya agad ako ng tingin kaya napahinto ako. AY! MUNTIKAN ko nang masabi. "Puth, Charlie Puth yun" pagdadahilan ko.

Hinala na naman niya ako kaya nagpatangay nalang ako. Go with the flow, charos

"Ang hilig mo manghila ah. Oh ayan, sayo na yan. Kainin mo ha?" binigay ko kunwari ang kaliwang kamay ko na hila-hila niya.

Hindi niya ako pinansin.

Habang naglalakad, may natanaw akong convenience store sa may unahan.

Nang makapasok na kami, binitawan na niya ako at agad naglakad papunta sa freezer na may mga ice cream.

Sinenyasan niya akong lumapit kaya lumapit narin ako at namili ng masarap na ice cream.

Biglang nawala ang gana kong kumain ng Ice cream. Hindi naman talaga ako fun ng matatamis, mas prefer ko yung maanghang.

Kaya sa huli, cornetto nalang na cookies and cream at tsaka dumeretso sa mga Jung Food na spicy ang flavor. Kumuha ako ng tatlong malalaking v-cut.

Pagbalik ko, nakita kong namimili parin si Zack sa dalawang Ice cream. Parang nahihirapan na siya, masarap naman kasi talaga yung pinagpipiliinan niya; rocky road or chocolate.

Lumapit na ako. Napansin naman niya yata ang presensya ko kasi lumingon siya at nakangusong humarap sa akin.

"Which one is more delicious, Fiona? Aaiiish it's hard to choose" sumimangot siya kaya natawa ako ng bahagya.

The EndWhere stories live. Discover now