Homay! I KENNAT! Talagang ito si Auntie! Ayaw yatang magkapamilya. Takte naman, hindi ko pa nasasabi kay Zack na mahal ko siya.Bumaba na ako sa pagkakaangkas sa motor ni Auntie. Tinanggal ko na ang helmet, ganoon din si Auntie.
Pumasok kami sa isang Restaurant. Pagpasok ko palang, agad kong nalanghap ang mabangong amoy na galing sa pagkain na nakakapagtakam sa aking sikmura. Agad kumulo ang sikmura ko. Gutom na akoooooo!
May lumapit sa aming lalaki na waiter. "Table for two, Ma'am?" tanong ng waiter kaya tango lang ako ng tango. Baka kasi kapag binuka ko ang bibig ko, hindi ko na mapigilang tumulo ang laway ko.
"This way, ma'am" sinenyasan niya kaming sumunod sa kaniya. Naglakad kami at umupo na sa lamesang pangdalawahan lang.
Agad may binigay ang waiter na Menu. Si Auntie na ang pumili kaya kinuha ko muna ang phone ko sa bulsa ng palda ko.
"Inday, coke o juice?" tanong ni Auntie.
"Beer" sagot ko na hindi tinataas ang tingin ko sa kaniya.
"Two Beers" narinig kong umangal ang waiter. Kesyo estudyante pa daw ako. Napaikot nalang ang dalawang mata ko. Seyresle? Ang OA. Parang hindi pa sila nasanay na ang mga underage palang eh nag-iinom na. Well, restaurant naman ito kaya mahigpit talaga ang patakaran na bawal mag order ng beer ang isang estudyante.
"Call your manager. Tell her that I am Mira" wala na akong narinig pa galing sa waiter. Umalis na siguro.
Maya maya, may narinig akong tili na nakakasira ng tenga. Bwisit! Restaurant ito diba? Hindi na nahiya?
"Omaygash omaygash OMAYGASH! Is that you, Mira?" Dito na napataas ang tingin ko para makita ang babaeng nakalunok ng mic at speaker nang marinig kong tinawag niya ang pangalan ni Auntie.
Nakita ko ang isang babaeng naka foral dress at may eyeglasses sa mata. Okay, maganda siya, maputi. Tss, pagod ako para mag describe.
"Tss, Daniela. Stop yelling. Yes, it's me, Mira. The one and only" tamad na sagot ni Auntie pero nakangisi siyang sumisipsip sa wine niya.
Lumapit naman ang babae sa table namin. Sinenyasan niya ang isang waiter na lumapit at may ibinulong dito. Umalis ang waiter pero dumating din ulit na may dalang upuan.
Umupo doon ang babae na parang reyna at medyo hinawi ang buhok niyang kulay red na medyo kulot at hindi pa umaabot sa balikat ang taas. Woooah! Astig! Ang kay Auntie nga lang ay Blue, natural ng medyo kulot ang buhok ni Auntie na hanggang bewang. Kaya agaw pansin ang buhok niya.
Nagtitigan sila, nagulat nalang ako nang sinampal niya si Auntie. Tatayo na sana ako nang sinampal agad siya ni Auntie. Ang lalakas nilang manampal!
Tumingin ako sa paligid, mukhang nakukuha na namin ang atensyon ng mga tao dito sa loob ng restaurant. Asan na ba ang manager dito? Bakit ang tagal?
Natigil ako sa paglinga linga nang magtawanan silang dalawa na parang walang nangyaring sampalan. Napano sila?
"Hahahaha oh my Mira, Mira, Mira. I missed you" tumayo ang babae kaya tumayo rin si Auntie at nagyakapan sila. Huh?
Nakita kong tinapik tapik ni Auntie ang balikat ng babae. Pumikit din si Auntie na parang close na close sila ng babaeng kayakap.
"Me to, Ella" naghiwalay sila at umupo na.
Tumingin sa akin yung Ella at tinuro ako ng nagtataka. Lumingon siya kay Auntie at tumingin ulit sa akin na hindi inaalis ang pagturo at pagtataka. "Is this, is this Fiona Zeraphina?" ahhhh okay?
YOU ARE READING
The End
Tiểu Thuyết ChungFirst day of school ang pinakainaabangan ng lahat, lalo na si Fiona Zeraphina Agustine. At lalong-lalo na, na nasa huling taon na siya sa sekondarya. Tranferee si Zack Dylan at ang kapatid niyang si Ethan Daniel Morales Alegre. Kilala ang mga Morale...