Fiona Zeraphina's Pov
Grabeeeeeee!!! Babae ba talaga itong si hana? Kung makahilik, parang lalaki. Magkatabi kasi kami sa kama. Malaki naman ang bed ko kaya kasiya ang tatlo o apat na katao dito.
Tumalikod nalang ako sa kaniya. Ang ingay tologoooooo!!!! Tinakpan ko ng unan ang mukha ko.
HINDI PARIN TUMATALAB!
Nauhaw ako kaya lumabas ako ng kuwarto at dumeretso sa kusina, binuksan ko ang ref na nakadikit lang sa wall. As in, yung dikit na dikit na parang aakalain mong kuwarto ang nasa loob non. May mini bar din ako na pa-C ang porma. May upuan din na circle na nakapalibot sa bar, bali dose lahat ang upuan at nakadikit na sa sahig.
Kinuha ko ang babasagin na pitsel at kumaha na rin ng baso at uminom. Haaaaaaay Ang lamig ng tubig.
Pumunta nalang ako sa sala. May dalawang couch na nakaharap sa isa't isa, nakapagitna naman ang maliit na table na gawa sa kahoy, may malaki at mataas din na sofa na nakaharap sa malaking flat screen TV. Like, OMG sa sobrang laki. Halos sakop ang kalahati ng wall, kung saan nakasabit ang TV. Black, white and dark brown ang motif ng condo ko.
Umupo ako sa sofa at nanood ng TV. Naghahanap ako ng movie pero puro history at lumang movie lang nahanap ko. Sa Netflix sana kaso, SPG bessy, S.P.G.!!
Bumuntong hininga ako at in-off nalang. Pumasok ulit ako sa kuwarto at kinuha ang Macbook ko na nasa study table lang. Ang kuwarto ko naman, simple lang pero elegante. Katulad ko, simpleng damit, polbo at lip gloss lang, pero ang ganda at presentable na tignan HAHAHAHAHAHA angal? Laslas kana!
Nasa gitna ang king sized bed ko. Syempre, may headrest. Puti at gray din ang kulay ng kama ko. Sa magkabilang gilid non, sa kanan ay study table ko, sa kaliwa naman ay may Vanity mirror doon na pa round. May iba't-ibang make-ups doon at lipsticks, pero di ko pa halos, o hindi ko pa talaga nagamit. Ang kati kasi sa mukha.
May book shelf rin ako na punong-puno ng books; wattpad, dictionary, History books at iba pa. Sa gilid naman, may table para sa mga stationary, pens, ballpens, notebooks, at iba pang pang art designs. Mahilig kasi akong mangolekta kahit hindi ko naman ginagamit hahaha.
May dalawa pang pinto dito sa kuwarto, isang sa Cr at isa naman sa walk-in closet. Malaki ang cr dito, may bathtub, shower na nasa loob ng glass wall, syempre may inidoro hahahaha. May kabinet din na naglalaman ng toiletries.
Lumabas na ako at in-on na rin ang WiFi. Mag Facebook muna ako at as usual, madaming messages, friend requests at notif. Una kong tinignan ang messages, wala namang importanteng tao ang nagmessage. Pinindot ko lang ang notif. Tinignan ko rin ang friend request. Nag scroll lang ako, baka kasi may kilala ako dito. Habang nagsco-scroll, nahagip ng mata ko ang isang pangalan, pangalan ng taong naging dahilan para maging exciting ang taon ko.
Zack Dylan Morales Alegre - ACCEPTED
***
Unang araw na pala ng Intramurals ngayon, ang bilis naman ng panahon.
Nandito kami sa gym. Nasa ibaba kami na malapit lang sa mga cheerdancer na pinangunahan ni Maria, syempre. Magaling kasi sumayaw tong pandak na to. Smooth siya sumayaw kaya mapapanganga ka nalang.
"Ate Ina. Bakit ang iksi na naman ng suot ni Maria?" si John lang pala, akala ko kung sino.
Ewan ko ba kung ayaw na ayaw niya kaming nakikita na maiikli ang damit, lalo na si Maria. Wala naman akong problema sa mga damit na nasa loob ng walk-in closet ko kasi halos pants lang naman at dress na hanggang tuhod lang. May mga maiikli akong dress ng dahil lang naman kanila Hana at Maria. May short shorts din ako pero dalang na dalang ko lang kung suotin at may boxer din ako, mas marami parin ang jogging pants at pajamas ko.
YOU ARE READING
The End
Ficción GeneralFirst day of school ang pinakainaabangan ng lahat, lalo na si Fiona Zeraphina Agustine. At lalong-lalo na, na nasa huling taon na siya sa sekondarya. Tranferee si Zack Dylan at ang kapatid niyang si Ethan Daniel Morales Alegre. Kilala ang mga Morale...